Chapter 06

27 1 0
                                    

Iya’s POV

“She’s my girlfriend”, sabi ni Ethan.

Ouch!! Ang sakit!! Parang sinaksak ng isang libong beses ang puso ko!!

‘She’s my girlfriend’

Hindi ako makahinga.

‘She’s my girlfriend.

Ang bigat ng ulo ko.

‘She’s my girlfriend’

Pipikit muna ako sandali.

“Iya!! Iya!!”

Naririnig ko ang mahinang boses ni Carl.

Ang sakit ng ulo ko.

Nasan na ko?

Dumilat ako at nakatingin sakin si Carl.

Nakahiga ba ko?

Pano ko napunta sa kama ko?

“Anong nangyari?”, tanong ko.

“Ok ka lang ba? Nahimatay ka Iya.”, sabi ni Carl.

Nahimatay? Pero pumikit lang ako sandali.

Naalala ko yung nangyari.

Inaway ni Maddy si ate Sab. Sabi ni Ethan sila daw.

Ouch!! Ang sakit ulit ng puso ko!!

Sa lahat ng tao bakit si ate Sab pa!!

Nakakainis ka Ethan!!

“Nasan na sila?”, tanong ko.

“Si Maddy nagkulong sa kwarto niya. Si Ethan at Sab nasa labas. Sabi ko mag-usap muna sila.”

Nag-uusap? Hindi man lang nila ko naisip. Tsaka bakit nilihim nila to sakin? Akala ko pa naman magkakaibigan kami.

Kung sa bagay sa Italy pa lang sila na yung laging magkasama.

At least hindi si Maddy. Pero naiinis ako na hindi nila sinabi. Uhhgg!!!

“Gusto mo bang magpahinga o kumain?”, tanong ni Carl.

Biglang may kumatok sa pinto.

“Tuloy.”,sabi ko.

Pumasok si Ethan at ate Sab. Nasasaktan akong makita sila, hindi ko sila matingnan ng deretso.

“Lalabas kami ni Carl para kumain.”,sabi ko sa kanila.

Tumayo na ko at bigla akong niyakap ni ate Sab.

“I’m sorry.”, bulong nya sakin.

“It’s ok.”,sabi ko. “I’d rather it be you than someone I don’t know.”

Lalong humigpit yung yakap nya sakin.

“Thank you.”, bulong nya.

“Just promise me one thing.”,sabi ko.

“Anything.”

“Be happy and don’t think about me. Just be selfish for once.”

Just like I’m being selfless for once.

“Let’s go.”, sabi ni Carl.

“Congratulations.”,sabi ko kay Ethan, pero hindi ako nakatingin sa kanya.

Tuliro ako buong maghapon. Hindi ko man lang napansin na niloloko na pala ako ni Carl. Tungo lang ako ng tungo.

“Sweetheart.”, sabi nya.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon