CHAPTER THREE

19 4 0
                                    


Nasa Hospital kami ngayon. Okay na rin naman si Kent pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari pero hindi ko na ginawa. Hahayaan ko na lang na ang parents niya ang magtanong sa kaniya.

Sandali lang ay bumukas ang pinto ng private room kung nasaan kami ni Kent. Agad akong tumayo nang makita ko ang Mama ko kasama ang mga magulan ni Kent.

"Anong nangyari sa'yo anak?" Tanong ni Tita Suzette kay Kent. Dahandahan ding hinpo ni Tita Suzette ang ulo niya.

"Maliit na away lang 'yon Mama. Lumaki lang gawa niya." Itinuro pa ako ni Kent. Nanlaki agad ang mata ko. Bakit kasalanan ko?

"Wait nga, bakit kasalanan ko? Hindi ba't ako ang nagligtas sa'yo?" Naiinis kong tanong sa kaniya. After ng ginawa ko para sa kaniya ako pa ang sinisisi niya.

"Kung hindi ka humarang sana hindi nasaktan 'yang ulo mo, hindi ka sana natumba." Kalmado lang niyang sabi. Oo he saved me, pero nag-alala lang naman ako sa kaniya kanina. Kaya nga hindi ako umalis expecting na hindi itutuloy ng kaaway niya ang paghampas sa akin dahil babae ako.

"Huwag na ninyong sisihin ang isa't isa. Kung ano man ang nangyari kanina, pag-usapan na lang natin mamaya." Suhestyon naman ng Papa niya.

Inismidan ko lang naman siya saka ulit ako umupo sa sofa. Nakakainis naman! Bakit ako ang sinisisi niya? Sana hindi na lang ako nagpunta doon. Sana pinabayaan ko na siya.

"Mukha ka kayang kawawa kanina." Bigla na lang lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. Hindi ko naman siya tininganan, basta nakatingin lang ako sa cell phone ko.

"Ouchhh!" napahawak ako aking batok. Bigla na lang itong sumakit.

"Anong masakit sa'yo Kaira?" tanong naman ni Mama at umupo sa tabi ko.

Hindi na ako sumagot dahil bigla na lang pumasok ang doctor na nagexamine sa akin kanina.

"Ms. Kaira Jane Santiago." Bungad niya sabi.

"Yes, ako po 'yon." Sagot ko naman sa Doctor saka ako tumayo at lumapit sa kaniya.

"Wala kang dapat ipag-alala dahil wala ka namang natamo na sugat o anumang injuries. Well, makakaramdam ka lang ng pananakit ng katawan dahil sa mga pasa mo sa likod." Paliwanag ng Doctor. Nakahinga ako ng maluwag dahil natakot ako kanina.

"How about my neck po?" Tanong ko pa sa kaniya.

"No worries, katulad ng sinabi ko, wala kang dapat ipag-alala."

"Thank you po." Sambit ko na lang. Matapos noon ay ibinigay niya ang resulta ng test sa akin saka siya lumabas.

Hindi na rin kami nagtagal sa hospital pero si Kent ay magtatagal pa ng tatlong araw doon. Kinausap na rin ako ni Tita Suzette tungkol sa pagiging tutor kay Kent. Pumayag naman ako na dalawin siya dito after ng classes namin para maturuan ko siya habang nagpapahinga siya dito sa hospital.

Sa totoo lang ay ayaw ko ng ituloy ang pagiging tutor sa kaniya noong sinisi niya ako sa nangyari. Sa katunayan, kahit hindi ko siya hinarangan doon ay hahampasin pa rin naman siya ng kaaway niya.

-----

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Mama sa akin nang makarating kami sa bahay. Umupo muna ako sa sofa bago ako sumagot.

"Hindi ko rin alam Ma, basta na lang ako tinawag ni Danica at hinila ako doon." Nakapikit kong sagot. Masakit talaga ang katawan ko.

"Kumain ka na and after that take a rest." Sabi pa ni Mama. Matamlay akong tumayo sa kinauupuan ko.

----

Nakahiga na ako sa aking kama at nagaantay na antukin ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Paulit-ulit kong naaalala 'yon. Bakit ba bigla na lang siya nakipag-away? No!! Bakit naman 'yon ang iniisip ko? Dapat ang iniisip ko sa ngayon ay kung bakit ako ang sinisisi niya? I was about to help him pero bakit ganon? Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, nagbabaka sakaling malimutan ko na ang nangyari kanina.

----

Katatapos lang ng klase namin. Nagdadalawang isip pa rin ako kung dadalawin ko si Kent sa hospital para ituro sa kaniya ang mga lessons na napag-aralan namin kanina.

"Oh, bakit nakasimangot ka dyan?" Tanong ni Jade at kararating lang niya mula sa library.

"Iniisip ko kasi si Kent."

"OMG!" natutop ni Jade ang bibig niya saka umupo sa tabi ko. "Mahal mo na siya?!"

Tinapunan ko naman siya ng isang nakakainis na tingin.

"Excuse me. Hindi." Tinulak ko pa siya ng bahagya.

"Ahah! The more you hate the more you love."

"Naniniwala ka doon? Ang jologs mo."

"Heleeeeer! Tunay iyon duh!"

"Paano mo naman nasabi? May proweba ka ba?"

"Wala," sumimangot pa siya. Mayamaya ay inakbayan niya ako.

"Pero naniniwala ako na kapag naiinis or malaki ang galit mo sa isang tao kahit walang malalim na dahilan, ang tadhana ang gagawa ng paraan para mahalin mo siya." Paliwanag pa niya.

Paanong gagawa ng paraan ang tadhana? Hayyst hindi na ako naniniwala sa ganyan.

"Naku! Kung anou-ano kasi ang iniisip mo, Jade kaya siguro masyadong matalinhaga ang lumal"Kung hindi mo siya gusto, baka naman ikaw ang gusto niya?" Tumingin siya sa akin na para bang may iba pang gustong sabihin.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Huwag mo nga akong paglolokohin ng ganyan. Kilabutan ka naman sana sa sinasabi mo." Panunudyo ko din sa kaniya. Bakit naman magkakagusto sa akin si Kent? Sinisisi nga niya ako sa nangyari.

"Ganito na lang, try mo ulit 'yong ginagawa mo sa mga Santa Ana, iyong HE LOVES ME, HE LOVES ME NOT MO." Suhestyon naman niya. Ayoko nang gawin 'yon dahil totoo ngang nangyayari ma tunay pa kesa sa THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE na sinasabi nitong si Jade. abas sa bibig mo." Tumingin na lang ako sa malayo matapos kong sabihin iyon sa kaniya.

"Bakit? Nasaktan ka na ba? Parang may past relationship ah..!" Panunudyo pa niya saka sinundot ang tagiliran ko.

Wala na rin naman akong nagawa nang hilahin ako ni Jade papunta sa isang malapit na mini garden sa school namin.

Iniabot niya sa akin ang isang Santa Ana. Mayroon itong limang petals na maliliit. Ayaw ko naman talagang gawin pero kapag hindi ko ito ginawa, kukulitin ako nitong si Jade hanggang sa pumayag na lang ako.

"He loves me......he loves me not....he loves me....he loves me not.." tuloy tuloy kong sabi habang pinipitas ang bawat petals.

Natulala na lang kaming dalawa ni Jade nang iisang petal na lang ang natitira. Hindi ko sana pipitasin pero itong si Jade ay nangulit na naman.

"He loves me..." pabulong kong sabi.

No! No! Hindi pwedeng mangyari iyon! Sabi ko sa aking sarili.

"My goodness Kaira, he loves you. Sabi kona, gusto ka niya."

Napailing na lang ako sa mga sinasabi ni Jade. Napag-isipan ko na rin na puntahan si Kent sa hospital para ituro sa kaniya lahat ng lessons namin kanina.

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon