CHAPTER TWENTY-ONE

9 1 3
                                    

Matapos kong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili. Printed white T-shirt ang suot ko at isang skinny jeans at cream flat shoes. Ayos na rin naman ang mga books at ibang school supplies na dadalhin ko sa orphanage. Tinulungan din kasi ako ni Kent kanina sa pag-aayos.

After kong mag-ayos ay bumaba na ako at lumabas.

"Kaira..." Tawag ni Kent matapos niyang isara ang compartment ng sasakyan namin. Papasok na sana ako sa loob pero natigilan ako dahil sa pag tawag n'ya.

"Mag-ingat ka."

Parang hinaplos ang puso ko, imbes na bumilis ang tibok ng puso ko ay bulamagal ito. Pakiramdam ko tuloy ay masyado siyang nag-aalala sa akin. I appreciate it pero hindi ko pinahalatang nagba-blush ako sa sinabi niya.

Tumango lang ako saka tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

-------

"Mother Irene...." Tawag ko sa isang madre na nasa hardin at nagmamasid sa mga batang naglalaro. Kasabay lang siya ni Auntie Merry na pumasok sa kombento kaya halos matagal na silang magkakilala ni Mother Irene.

"Kaira anak..." Bati niya at sinalubong ako ng yakap.  Niyakap ko din siya. Matagal na rin talaga since nagkaroon na kami ng pasok sa school kaya madalang akong makapunta dito.

"Kamusta ka po?" Tanong ko sa kaniya ng magkalas kami sa pagkakayakap.

"Ito, ayos naman sa Awa ng Diyos." Muli niyang binalingan ang mga batang naglalaro sa hardin. Na miss ko talaga ang lugar na 'to. I miss these kids. 'Yong iba nakaalis na dito, inampon na at ang iba Naman, binalikan at hinanap ng mga tunay nilang magulang. Kahit ganito ang kapalaran nila, still they're lucky enough to have shelter, clothes, foods, and friends at ang ibang taong nasa paligid nila na handa silang tanggapin at mahalin.

"Mabuti naman at naisipan mong bumisita dito." Dagdag pa niya. Ngumiti lang Naman ako bilang sagot. "S'ya nga pala, si Mother Merry, nasa loob." She said while tapping my shoulder. I throw a sweet glance to her then head to Mother Merry.

I found her in her office arranging papers.

"Kaira, Hija!" Bati agad niya. Lumapit ako at inakap siya ng mahigpit. Sobrang na miss ko talaga s'ya.

"Mabuti naman at napasyal ka dito. Miss ka na ng mga bata."

"Ako rin naman po, at mag-aayos po ako ng shelf. Dala ko po ang mga old books ko."

Magsasalita ulit sana ako kaso nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Nagkakagulo yata ang mga bata. Nagmadaling lumabas si Mother Merry at sumunod rin ako.

"Kuya Joshtine--------" narinig kong hiyawan ng mga bata. Si Joshtine naman pala ang pinagkakaguluhan. Natawa na lang ako sa eksenang 'yon. Wala nga pala s'yang kapatid kaya malapit siya sa mga bata. Ang cute nilang tingnan. Hayssst! Napailing na lang ako.

Biglang gumawi ang tingin sa akin ni Josh. Gosh! Bigla tuloy akong nahiya. Ano ba 'to? Parang tanga naman Kaira. 'Wag ka kasing ma fall sa mga ngiti ni Josh, nagpapadala ka kasi agad.

Bakit? Wala naman sigurong masama kung ma fall ako sa kaniya. How could I not fall for him? Katulad ng sinabi ko, every personality that an ideal type of man that every girls dreamed of ay nasa kanya na. Para naman akong namamangka sa dalawang ilog nito. Crush ko si Kent, crush ko rin s'ya. Tssst. Bahala na nga. Crush lang naman e.

"Hey, you're here." Sabi niya nang makalapit siya sa akin at kay Mother Merry.

"Yah, and I brought my old books, tulad ng sinabi ko."

"Me too, and school supplies. Gov. Cobarrubias will send a teacher her." Sabi pa niya. And that's it, marunong siyang gumalang at lumugar. Governor din ang tawag niya sa Papa niya kahit saan.
"Para daw next year pwedeng pumasok sa school ang mga bata."

I'm glad to hear it from him. Sa totoo lang, pangarap ko din na makapag-aral sila. And I am glad that someone will make it for me, at si Gov. Cobarrubias 'yon.

Tinawag kami ni Maristella, pinsan ko s'ya.  Nandito s'ya sa ampunan because of Mother Merry. Noong mamatay ang Mama n'ya noong ipinanganak siya, Mother Merry took good care of her. Mama suggested that she can live with us pero mas pinili niyang sumama kay Mother Merry kaya hindi na rin s'ya pinilit ni Mama. Besides mas okay para may nag-aalaga kay Mother Merry. Maramdamin na rin kasi s'ya.

Pumasok kami sa loob at nakahanda na ang dalawang shelves na inayos ni Christopher, Toper for short. He lives here too. Same age lang sila ni Joshtine. And he lives here because iniwan s'ya ng Papa n'ya dito. Hindi na rin binalikan. How do I know? Of course Mother Merry told me.
Katulad ng sinabi ko madalas ako dito kaya alam ko.

"Toper..." Tawag ko sa kaniya saka kinawayan. Kumaway din naman siya sa akin saka muling bumalik ang atensyon sa ginagawa. Hindi pa rin siya nagbabago.

I mean, hindi pa rin siya namamansin kapag hindi ko inuunahan. Kaya naging routine ko na 'yon kapag pumupunta ako dito.

"Kaira, nakita mo na ba 'yong kwarto ng mga girls?" Tanong ni Maristella.

"Hindi pa."

"Tara. Ipapakita ko sa'yo." Sabi niya saka hinawakan ang braso ko saka iginiya ako palabas ng dito sa ginagawang library.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Hindi pa maayos dahil kakatapos lang gawin. At base sa nakikita ko mukhang aayusin namin ito.

"What do you think?" Tanong niya habang naka tingin sa kabuuan ng kwarto. Na gets ko naman agad ang ibig niyang sabihin. Kaya niyaya ko s'ya palabas ng kwarto.

------

"Bale ito ang pera, galing kay Gov. Kayo na ang bahala dyan." Sabi ni Mother Irene. Iniabot nya 'yon kay Maristella at mamimili kami ng gagamitin para sa pag-aayos.

Matapos noon ay lumabas na kami ng orphanage.

"Kaira!" Nilingon ko 'yon. Si Joshtine pala. Hindi ko alam pero parang bumagal ang ikot ng mundo habang tumatakbo s'ya papalapit sa akin. Hindi naman siguro ako nananaginip.

Ang gwapo n'ya talaga. Parang Eunwoo ng Pilipinas. Ahhhhh!!!

"San kayo pupunta? Sasama kami ni Toper." Sabi niya. Nagkatitigan lang kami. Hindi ako makasagot. Kahit nakita ko na s'ya ng malapitan, hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit? Am I falling? No way! Hindi pwede! Just like Kent, tulad ng sabi n'ya hindi pwedeng pigilin ang feelings dahil nakasakit daw 'yon. And I do believe. Totoo 'yon.

Kaya nga sasabihin na daw ulit n'ya kay Charisse ang nararamdaman n'ya dahil hindi na niya kaya. Kaya siguro nagustuhan ko s'ya ng very light, kahit mayabang s'ya, may tinatagong pusong-mamon naman pala.

Iwinaksi ko na 'yon. Nakapasok na pala sa loob ng sasakyan si Toper at Maristella.

"Kaira," tawag ni Josh saka biglang hinawakan ang kamay ko na labis kong ikinagulat. Minasdan ko s'ya, wala naman akong mabasa sa ekspresyon niya. Ako lang ba ang in love?

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon