Nakahiga na ako sa kama ko at lahat ng nangyari kanina ay nag flashback sa aking isip.
"In behalf of my friend, Cyrus, I am breaking up with you." Slap! Yes! A slap, sa babaeng ipinalit....no!! Isinabay n'ya kay Jade. You deserve it! I hissed.
Ginawa ko ba talaga 'yon? Urghgg! Nagpagulong gulong ako sa kama ko hanggang sa....
"Ahhhhhhhhhhhh!!!"
"ARAY!!!" Nahulog pa tuloy ako. Napakamot na lang ako sa may pwetan ko, 'yon kasi 'yong tumama. Sakit!
I was about to get up when I heard continuous knocks on my door.
"Gising ka pa ba?" Tanong ni Kent mula sa labas ng kwarto ko. Oo nga pala, dito nga pala s'ya matutulog. Agad naman akong tumayo at pinagbuksan siya.
I looked at him with an unhappy face. Tell me, paano ako magiging masaya? My friend Jade's feelings were in such a deep pain. How could I be so happy? Kahit nakaganti na ako ex boyfiend niyang kadiri, malungkot pa rin ako para kay Jade. I know how hard it is for her. Hindi naman ganon kadaling makalimot 'no. Lalo na kung sobrang daling memories to treasure with someone you really love.
Sobrang sweet kasi nila sa isa't isa, ayan tuloy, sa hiwalayan din ang punta.
"Okay ka lang?"
Tumango lang naman ako bilang sagot.
"Sure ka? E dinig na dinig ko sa baba 'yong lagabong dito sa kwarto mo. How can you tell you're okay? Stop playing numb." Sabi niya saka nagpatiuna sa paglalakad pababa. Sumunod rin naman ako pero parang naubusan ako ng energy. Napakatamlay kong maglakad.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa. Nakalagay na dito ang unan at kumot n'ya.
"Bakit nga pala nandoon si Cobarrubias?" Tanong niya saka inilapag sa ibaba ng coffee table ang isang bowl ng mallows. Feel at home talaga 'to.
"Bumili s'ya ng gamot para sa isa nilang maid. Naubusan daw kasi sila ng stocks." Paliwanag ko sa kaniya. Kumuha ako ng isang mallow at nilaro ito ng mga daliri ko
"Then 'yon, nakita n'ya ako." Isinubo ko na ang mallow. Tumango naman siya.I just stared at him. What happened earlier reminds me the day he saved my life.
-----
Sowwii for the slow update 😘
Hoping you're safe. After ko mag grade sa mga students ko, may update na ulit.

BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
AcakNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...