"Anyare ba kasi? Nalingat lang ako saglit, para kang na-murder."
Nasa clinic kami ngayon ni Jade at ginagamot n'ya itong sugat ko sa tuhod. Hindi naman gaano kalaki, parang gasgas lang pero masakit."Si Kent kasi.....ARAY!!" bigla ba namang diniinan ni Jade ang sugat ko. "Dahanin mo naman."
"Si Kent na naman ang may kasalanan?"
"Oo, sino pa ba?"
"Ano ba 'yan, hindi pa nga kayo nagsisimula, nasaktan ka na agad. Bwahahahaha!!" Maka-evil laugh naman itong si Jade, pasalamat s'ya kasi wala dito si Nurse Cammy. Nakakapag-ingay tuloy s'ya.
Magsasalita sana ako kaso biglang bumukas 'yong pinto, at iniluwa nito si Kent. Natigilan naman si Jade sa ginagawa n'ya. Tapos ako titig na titig kay Kent, tapos hinagod ng tingin ang kabuuan niya. Nagawi ko ang kamay niya na may hawak na isang kit.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya saka tuluyang pumasok at hinila ang isang silya malapit kay Jade.
"Mukha ba akong okay?" Naiinis kong tanong. Kahit crush ko s'ya hindi maalis sa akin ang pagkainis sa kanya 'no!
"Sorry na nga e. Nag sorry naman ako kanina pero parang binalewala mo." Nangongonsensya pa yata ang lokong 'to. Inilabas niya ang band aid sa kit na dala niya, then iniabot kay Jade.
"Nakatitig ka kasi kay Joshtine." Then he pouted na para bang kinokonsensya din ako. Wait! Is he jealous?Gusto kong ngumiti pero di ko ginawa. Tumingin muna ako kay Jade na nakatingin din sa akin at halatang nagpipigil din ng ngiti. Siguro, Kasi pareho kami ng naiisip ng kaibigan ko.
"Joshtine? 'Yong nakabangga mo?" Tanong ni Jade habang inilalagay ang band aid sa sugat ko.
"Aray naman. 'Wag mong pindutin. Ang hapdi nga e." Napahawak tuloy ako sa tuhod ko.
"Joshtine Cobarrubias? Anak ni Gov.?" Sunod sunod na tanong Jade at biglang ikinawit ang ang braso niya sa braso ko. Then she lean her head on my shoulder. Ano na naman 'to?
"Bakit ganiyan ang reaksyon mo?" Tanong ko sa kaniya. Pero bago pa siya sumagot ay nag paalam na si Kent. Andito daw kasi si Maxine. Parang Yaya, laging pinuntahan si Kent dito sa school. Kulang na lang samahan niya hanggang sa banyo.
"Girl, s'ya 'yong sinasabi ko sa'yo. Si Josh." Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Ilang segundo muna along nanahimik at inalala kung kailan niya sinabi sa akin 'yon.
"Alright, naalala ko na." Sabi ko sa kaniya saka ako tumayo.
"So, hindi ko lang alam kung ikaw nga 'yong type n'ya."
"Ano ka ba? Kung sinu-sino na naman ang nirereto mo sa'kin."
Hindi na siya nagsalita ulit. Lumabas na kami sa clinic. Naglalakad kami sa passage nang pasalubong namin si Joshtine. Latinas s'ya tumindig, parang Governor din. Malinis manamit at maayos.
"Kaira, okay ka na ba? Kanina pa Kita hinahanap." Sabi niya. Pati ba naman boses Niya, pang Governor. Malalim na cool. Bakit hindi ko 'yon napansin kanina? Siguro dahil naka focus ako sa sugat ko at kay Kent.
Panay naman ang siko sa akin ni Jade. Nilalakihan ko naman siya ng mata.
"Okay lang ako." Matipid kong sagot.
"Do you have time today? May sasabihin sana ako sa'yo. It's kinda important."
"Ahmm-ahh..." Nauutal kong sabi. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Mukha kasing napakaimportante talaga ng sasabihin niya. Tumingin muna ako kay Jade, 'yong tingin na humihingi ng tulong.
"Pwedeng pwede 'yan si Kaira. Wala naman kaming pupuntahan e." Eksaherada talaga si Jade. S'ya na ang sumagot. " 'Di ba Kaira?" Sinisiko niya ako habang magkadikit ang taas at baba niyang ipin.
"Ah..oo sige." Nasabi ko na lang. Halata namang natuwa si Joshtine sa naging sagot ko. Matapos no'n ay iniabot niya sa akin ang isang paper bag. Peace offering daw n'ya. Nagpasalamat naman ako then I smiled back at him.
"So paano, mauuna na ako." Paalam naman ni Jade saka siya nag wave sa amin ni Josh.
Saglit lang namin inintay na makalabas sa gate si Jade saka niya ako niyaya sa kung saan.
"Okay lang ba kung intayin mo ako Dito?" Tanong ni Josh. Nandito kami sa may bench, nairita pa nga ako dahil ito 'yong bench kung saan ko nakita si Kent at Maxine, remember that day.
"Sige." Nasambit ko na lang. May kukunin lang daw kasi siya sa classroom nila, may naiwan daw s'ya doon e.
Naiwan along mag-isa. Nakaupo lang ako sa bench. Hindi pa naman naiinis ang mga estudyante dito kasi maaga pa lang naman. Binuksan ko na lang ang phone ko saka isinaksak ang earphone. Hindi ko pa man isinasalpak 'yon sa tenga ko ay nakita ko naman si Maxine at Kent na palabas na rin ng campus. Agad along nag pretend na busy sa pagkulikot sa cell phone ko. Saka isinaksak na 'yon sa tenga ko.
"Why don't we give it a try." Maarteng sabi ni Maxine. Kahit naka earphones ako, naririnig ko ang kaartehan ng pagsasalita niya.
Tumalikod pa nga ako ng bahagya para hindi sila makita.
"Okay, let's try it." Sabi naman ni Kent na halatang happy-ng happy. "I got two thousand pesos. Hindi ko nga alam kung bakit kay Kaira binigay ni Mama 'yong allowance ko?"Gusto kong mag protesta at sunggaban itong Kent. Masyado siyang magastos kaya nga ayaw ibigay ni Tita Suzette sa kanya ang pera.
"Oo nga, I'm agree with you. She's like urgh...ewan." Dagdag pa nitong si Maxine. Excuse me, bakit hindi na lang niya itinuloy 'yong sinasabi n'ya? Buti na lang kasi kaya ko pang pigilan ang sarili ko.
"Kaira!" Napapiglat ako nang bigla akong tawagin ni Josh. Hindi ko na nga namalayan ang paglapit niya sa akin.
Tumayo ako agad saka lumapit sa kaniya. Alam kong nakatingin sa amin sina Kent. Akala nya huh!
"Matagal ba ako?" Tanong niya nang magsimula na kaming maglakad.
"Hindi naman." Tapos na blangko na ako. Naalala ko na naman kasi 'yong narinig ko kanina. Kung nagtataka s'ya kung bakit sa'kin binigay ni Tita Suzette ang allowance n'ya, e 'di, tanungin nya ang Mama n'ya. Tapos masyadong mabilis sumang-ayon sa Maxine sa if alam niya 'yong reason. Kairita!
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RastgeleNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...