CHAPTER TWENTY- NINE (Last Chapter)

8 0 0
                                    

Ilang araw din kaming walang imikan ni Kent kahit nasasalubong ko s'ya. At parang wala nga talaga s'yang balak na kausapin man lang ako,dahil kung meron, after sana ng gulo between us kinausap na n'ya ako. Pero wala e. Hinayaan ko na lang din. Ayoko nang isiksik ang sarili ko sa kaniya. Bahala na s'ya sa gusto n'ya.

"Sa wash room lang ako Jade huh." Paalam ko sa kaibigan ko. Hindi pa nagsisimula ang class para sa third subject namin this morning. Pinawisan lang ako sa P.E namin kaya need ko na mag retouch.

Pumasok ako sa loob ng washroom at ako lang ang tao doon. Nagsimula akong mag retouch hanggang nakarinig ako ng isang pamilyar na tinig sa loob ng toilet. Natigilan ako at hininaan ang tili ng faucet.

"Yah, it's me Charisse. New number ko." Sabi ng tinig at nakumperma kong si Charisse 'yon.
"Anyway Babe, what time tayo today?"

Babe? Sila na ba ni Kent? Kelan pa? Bakit di ko alam? Hayst? Do I really need to know? Ewan.

"I love you Syd."

Syd? Hindi ba Kent? Wait. Nagmadali akong pumasok sa isang cubicle para hindi n'ya malaman na may nakarinig sa kaniya.

Narinig ko naman na lumabas din siya agad. Sumunod na rin ako at sinundan ko s'ya. Maya maya pa ay nagsalubong sila ni Kent at ang walang hiya, ipinulupot agad ang braso niya sa batok ng friend ko. What the F?! Sa sobrang inis ko bigla kong hinila ang buhok niya.

"Awwww----what's your problem b*tch?" Maarte niyang sabi habang hawak hawak ang buhok na hanggang ngayon ay hindi ko binibitawan.

"Ikaw ang bitch ang kapal ng mukha mo!"

"Ano ba?!" Tili niya nang halos hilahin ko ng todo ang buhok niya.

"Ano bang problema mo Kaira? Bakit ba lagi kang nangengealam?"
Si Kent. Nangilid agad ang luha ko. Hindi ko pa rin binitawan ang buhok ng nililigawan n'ya hanggang sa dumating si Jade. Nabalitaan siguro niya ang nagyayari. Maging si Maristella na lalampas sana e napadaan pa dahil sa nakita.

"Hindi mo ba talaga s'ya binitawan Kaira?" Muling tanong ni Kent.

"No, unless sabihin n'ya ang totoo."

Hindi na talaga ako makapagpigil kaya hinila ko na ng todo ang buhok niya hanggang gantihan niya ako.

Todo awat naman si Kent at ano pa ba ang inaasahan, mas ipinagtanggol pa n'ya ang babaeng niloloko lang s'ya.

"Umamin ka na------aray! Bakit ba Kent?" Itinulak na naman ako at eto, yakap yakap n'ya si Charisse na pa victim ang acting.

"Ano bang nagyayari sa'yo?"

"Niloloko ka lang ni Charisse."

"Ano? How?"

"How could I do that?" Singit ni Charisse. "Sasagutin ko na dapat s'ya ngayon e, umeksena ka lang. Eskandalosa!"

Dahil sa sinabi n'ya, sinugod ko na anamn s'ya. Kung hindi lang ako pinigilan ni Jade at Maris, kakalbuhin ko 'tong higad na 'to.

"Bakit mo sasagutin e may Syd ka na." Walang preno kong sabi. Natigilan Naman ang mga nakakakita sa amin. Maging si Kent ay halos natigilan din.

"Tama ako 'di ba? 'Wag mong gawing tanga si Kent o si Syd. Niloloko mo sila pareho at niloloko mo lang ang sarili mo."

"Ano bang sinasabi mo Kaira, hindi ganun si Charisse." Depensa ni Kent.

"Sige ipagtanggol mo pa! Hayaan mong pagmukhain ka n'yang ewan. Mahal mo 'di ba? Sige lang ipagtanggol mo hanggang marealize mo kung gaano ka katanga Kent."

"Sobra ka na!"

"Try me." Sabing isang tinig. Nilingon ko ang nasa likuran ko, si Josh pala. Misteryoso ang ekspresyon ng mukha niya.
"Hit me instead of her."

Nanatiling walang kibo si Kent. Natahimik din ako maging si Maristella at Jade na kanina pa ako inaawat.

"Ganito ka na ba kawalang pake sa kaibigan mong concern sa'yo? Why not believe her? If you know she's telling the truth."

Dahan dahan siyang naglakad palapit kay Kent. Nakaramdam naman ako ng java dahil sa nagyayari. I grab his arm but he gently remove may hands touching his arm.
Binalingan n'ya ako at sinabi, "Don't worry Kaira. I am not this so desperate in love to punch a friend."

"I am here to remind you, Kaira that he loves you only as friend, he loves you not more than that." Bigla akong nakaramdam ng pagkaawa sa sarili ko. Nahiya ako sa sarili ko knowing na mas mahal ko Naman talaga si Josh kesa kay Kent, but not that. I shamed myself believing that kahit pagmamahal bilang kaibigan lang ay maging totoo kay Kent. Pero hindi, hindi pala.

Wala nang nagsalita maski sino sa amin. Ginagap na lang ni Josh ang kamay ko, tap Maristella and Jade's shoulder kaya sumunod na rin sila sa amin. Naiwan si Kent at ang iba. Hindi ko na inalam kung sino pa. Basta ako, pinaalalahanan ko s'ya bilang kaibigan depende na sa kaniya king maniniwala s'ya o hindi. Basta ako, ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal ni Josh. He loves me the way he sees me. He loves me behind my flaws. He never loves me not. And I am too.

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon