Hello my dearest readers! MarengaGata is back!
Pasensya na kayo sa hindi ko agarang pag-update ng istoryang ito dahil naging busy ang Kumare n'yo.
Anyways, completed na ang isa kong story, entitled THOUGH I HAVE TO SAY GOODBYE.
Mangyaring pakibasa po at huwag kalimutang pindutin ang vote button at mag leave ng inyong comments.
Maraming salamat sa walang sawang suporta!
----------
Ready na kaming umalis ni Kent sa bahay. Gayak na ang ginawa niyang dessert para kay Charisse. Nakausap ko si Jade kanina at sabi n'ya on the way na daw s'ya kaya excited na rin ako.
Minsan na rin lang naman mangyari 'to. Mabuti nga dahil hindi na-inform ang kababata ni Kent na si Maxine, kasi kung kasama s'ya, hindi ko sure kung bigla siyang mag-eskandalo gayong kasama namin ang dream girl ni Kent.
"Tara na." Yaya ni Kent sa akin. Saka iniabot ang helmet na ginamit ko rin noong unang beses niya akong iangkas sa motor niya.
May tiwala na rin ako sa kaniya pagdating sa pagmamaneho kaya G na G na rin ako. He even help me na isuot ang helmet, gentleman nga. Sa palagay ko, tipo rin ni Charisse ang mga ganitong lalaki. Siguro nga ay hindi pa s'ya ready noong alukin siya ni Kent na maging girlfriend nito. Sa ngayon, mukhang ready na siya dahil pumayag s'ya sa group date namin ngayon.
Hindi naman kami magiging sagabal ni Jade sa moment nila dahil alam kong magkakaroon kami ng sariling mundo ng kaibigan ko mamaya.
Nakarating din agad kami sa venue. Mall. Isang sikat na mall sa lugar namin.
"Jade!" Bulalas ko nang makita ko s'ya. Super sexy ng suot. Hindi talaga papakabog sa outfit ko. Naka off-shoulder kasi s'ya na boho style at naka denim shorts na ripped pa. Kaloka! Best in outfit talaga Gurl!
"Wow, hiyang hiya sa outfit Inday huh!" Balik niya sa akin. At talagang napansin din pala ang suot ko. Simple lang naman 'to HAHAHAHA.
Syempre, minsan na lang ako magsuot ng mga pangmalakasan kong outfit, kaya irarampa ko na.
Sleeveless cropped top at high-waist denim shorts tapos flip-flops ang pang paa ko.
"Oh, nasaan naman ang special girl natin today?" Tanong niya ng balingan si Kent na parang nagmamasid sa paligid. Siguro nga ay hinahanap n'ya si Charisse.
"On the way na daw, baka na traffic lang." Sagot naman niya. Nagkibit-balikat na lang si Jade saka muling tumingin sa akin.
"Oh! Ayan na pala e!"
Ginawi namin ng tingin ang direksyong itinuro ni Kent.
"Sino? Si Charisse?"
Pero hindi naman si Charisse ang nakita namin, kundi sina Josh, Toper, Maristella at ang boyfriend nitong si Marco.
Bakit sila nandito? Wait.
Binalingan ko si Kent at nakangiti lang s'ya sa amin saka sinabing....."Kala mo hindi ko alam Kaira huh," saka sinundot ang tagiliran ko kaya naman napaigtad ako dahil sa kiliti.
"Sinabi sa akin ni Josh kagabi, kakatukin sana kita pero ipinagpabukas ko na lang. Ayan na oh..." Siniko n'ya ulit ako. Parang s'ya pa ang kinikilig.Tss. Na-concious na naman ako dahil sa itsura ko. My outfit! Nakakahiya! Baka ma-turn off s'ya.
"Kanina pa ba kayo?" Tanong ni Toper nang makarating sila sa pwesto namin.
"Kakarating din lang namin." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sila close nitong mga kasama ko although sa iisang school kami nag-aaral.
Nakangiti lang sa akin si Josh. My goodness! That smile, nakaka fall talaga. Parang nakakahimatay.
Lumapit s'ya sa akin at inayos ang takas kong buhok at inilagay sa likod ng tainga ko. Pa moves!
"How are you? Nakatulog ka ba ng maayos?" Gusto kong matunaw sa tono ng boses niya. Sobrang cool na sweet.
"Hmm, oo naman. Ikaw ba?" Nahihiya kong sagot. Anyways, this will be the first day ng panliligaw n'ya. Ngayon ko sisimulang sukatin kung hanggang saan ang kaya n'ya.
Hindi kami muli nagkapalitan ng mga salita dahil nagmaktol na ang kaibigan ko. Sobrang mainipin at ayaw n'ya rin na naghihintay s'ya ng matagal.
"Wala pa ba s'ya? Tomguts na 'ko. Hindi kaya ako nakapag breakfast." Pagmamaktol n'ya saka nagpapapadyak.
"Where's Cyrus? Hindi ba s'ya kasama?"
Saglit kaming nanahimik dahil sa tanong ni Marco. Last last night lang e s'ya ang dinahilan ni Cyrus para makalusot kay Jade tapos ang lakas ng loob n'ya magtanong.Kung sa bagay, baka hindi niya alam ang nangyari.
"Ah andito na si Charisse guys."
Shoot! Mabuti na lang, dahil kung hindi baka masapak pa ni Jade si Marco dahil nag-momove on na nga e tapos binanggit pa ang pangalan non.
Iniabot ni Kent ang dessert na ginawa n'ya kay Charisse. Habang minamasadan namin silang dalawa, nagulat na lang ako nang biglang pagdaupin ni Josh ang mga palad namin.
Hindi naman ako nakapag protesta dahil sa kabilang banda ay gusto ko rin naman ang nagyayari.
Nagkatinginan lang kami, then he flashes his sweetest smile again. Nakakafall talaga!
Dahil sobrang gutom na si Jade, nagpasya kaming kumain muna. Hindi naman naging mahirap pakisamahan si Charisse, panay kasi ang ngiti n'ya sa amin. Mabuti na lang dahil hindi na rin nag tanong pa si Marco tungkol kay Cyrus kaya natahimik ang loob ni Jade.
"So ikaw pala 'yong loner-typed guy sa school?" Natigilan ako sa tanong ni Jade kay Toper. Akala ko nga ay magagalit ang huli dahil sa entrada ng kaibigan ko. Nanahimik kasi s'ya at naalarma ako sa kung ano'ng pweding mangyari.
"Hindi naman sa pagiging loner, hindi lang talaga ako mahilig makibarkada lalo na sa mga taong tingin ko na hindi magiging maganda ang impluwensya sa akin."
"Pwede ka pala sa Q and A 'no. By the way, I'm Jade and I know your name so don't mention it." Saka niya inilahad ang kanang kamay niya para makipag shake hands. Hindi naman total snobber si Toper kaya tinanggap n'ya 'yon, kaya ayon, hindi na s'ya nanahimik matapos nilang maging komportable sa isa't isa.
It's good for the two of them, Jade will have so much chances to forget the pain she had and for Toper, he will have so much chances to be friends with others para naman hindi s'ya sinasabihang loner although valid naman ang reason n'ya katulad ng naisagot n'ya kay Jade kanina.
"Bagay sila 'no?" Sabi ni Josh sa akin habang nakatingin sa dalawa.
"Oo nga e."
"You know what, I like the way your friend smiled this time. Last time kasi, I feel so much pain for her. And I know you felt the same way too."
Agree naman ako sa kaniya and it makes me fall for him more.
"Sana kasi nakita ko rin ang smile ng Mama ko."
I look at him straight and there I saw how sad he is. 'Yong ngiti ng mga mata n'ya hindi na tulad noong kanina, full of joy and hope, but now it's like being ironic. He smiles but his eyes reveals his real feelings.
I held his hand so tight as if I don't want to let him go.
"Be happy, everything will be fine."
"I know." Then he sighs. "It will be fine as long as I am with you."
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi dahil takot along nagmahal at masaktan kundi dahil sa tuwa.
My heart was filled of joy and love that caused it to beat so fast and loud na parang dinig na dinig ko na."The day I first so you, I told my self that I am lucky to see how you smile sweetly. And alam mo ba? Nahulog ako dahil sa mga ngiti mo."
Napahigpit lalo ang hawak ko sa kamay niya. Gusto kong tumalon dahil sa tuwa dahil masasabi kong destiny na talaga 'to. I fall for him because of his smile too. Sobrang match!
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...