"Try me, instead" paulit ulit na lumilitaw sa isip ko 'yon. He saved me again. At totoong naalala ko si Kent sa kaniya.
"Uy," pukaw ni Kent sa atensyon ko at bigla na lang naglaho sa aking balintataw si Josh.
"Tulala ka dyan?"
Hindi na lang ako nakasagot. Kumuha ulit ako ng mallow at isinubo 'yon.
"Kaylangan ko ng back up, kapalit ng pagsama ko sa inyo ni Jade." Sabi niya. Kahit hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya sumagot pa rin ako.
"Sino ba'ng may sabi na sumama ka?" Umayos ulit ako ng upo. Ganon din Naman siya.
"Sige na please." Hinawakan n'ya ang kamay ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Gosh!! Hindi na kita gusto Kent. Pero bakit ganon? Halos mahigit ko na ang hininga ko at parang Zoo ang puso ko. Mistulang mga nagwawalang wild animals ang laman ng ribcage ko dahil sa tindi ng tibok ng aking puso.
Pinaasa ko na naman ba ang sarili ko? Hayst! Hinagilap agad ng kamay ko ang isang throw pillow na malapit sa akin at itinabon sa mukha niya.
"Ara-----Hoy! Ano ba?" Reklamo niya. He pass the same throw pillow to me. And just like him, nagreklamo din ako.
"Ano ba kasi 'yon?" Inilagay ko sa ibabaw ng aking lap ang throw pillow na 'yon. "Kay Charisse ba?"
"Exactly!" He even raised his pointing finger in the air.
"I planned to ask her out again. And hoping na pumayag na s'ya."Natigilan tuloy ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung affected ako or what? Selos ba? Shakeeet ba Gurl!?
What I mean is.... urggghhh! 'Di ko alam!
Akala ko ba naka get over na Girl? E bakit parang sobra kang nasasaktan sa nalaman mo? Ibig sabihin ba, pinaasa mo na naman ang sarili mo? Parang ganoon na nga.Pero hindi!!!!!
Hindi na nga 'di ba. No feelings at all.
"Uy, ano ba? Bakit ba tulala ka na naman? Crush mo ba 'ko? Sabihin mo lang...."
Kapal naman nito."Asa ka! Dyan ka na nga!" Iniwan ko na s'ya doon at bumalik na ako sa kwarto ko. Napabuntong hinga ako matapos kong isara ang pinto at marahang ibinagsak ang katawan sa kama.
"Kaira!!!! Ano ba!!!" Sinampal sampal ko pa ang sarili ko. Baka sakaling magising ako sa katotohanan. Bakit ba pinipilit ko ang sarili ko na hindi ko na s'ya gusto gayong gagawa lang siya ng isang bagay na patok sa ideal type of guy ko ay halos lumabas na ang puso ko mula sa loob ng aking ribcage.
Bakit hindi ko na lang aminin sa sarili ko na may 75% pa akong feelings para sa kaniya? Ang hirap pala kasing kontrahin ang puso. Kahit ilang beses sabihin ng utak mo na tama na, kota ka na, wala ring magagawa 'yon kung sakaling mas lamang ang sinasabi ng puso mo.
Hayssst! Tumagilid ako at humarap sa bintana. Nakita ko na naman ang San Francisco ni Mama, ang taas taas na kaya no'n. Halos di ko na makita ang view sa labas.
Bumangon ulit ako saka lumapit doon. Bukas pa rin ang bintana at damangdama ko ang ihip ng malamig na hangin. Nayakap ko tuloy ang sarili ko habang minamasadan ang kalawakan. Konti lang ang mga stars kaya hindi masyadong bright ang gabi.
Gusto ko pa rin ba si Kent?
Tanong ko sa isip ko. Para sa akin, hindi na. Ayon naman sa puso ko, may chance pa. Hindi ba pwedeng magkasundo na silang dalawa?Napailing na lang ulit ako at isinara ang bintana at bumalik sa kama ko. Medyo inaantok na rin naman ako.
----
Dali dali akong bumaba matapos maamoy ang isang masarap na luto. Sinangag! Si Papa ba ang nagluluto? Matagal ko rin kasing hindi natikman ang mga luto n'ya simula noong umalis s'ya.
"Good morning everyone!!" Bati ko sa buong bahay namin. Wala sila dito sa sala. Nasaan kaya sila?
Pumanhik ako sa kusina at bigla akong natulala sa nakita ko.
He's topless. He's hot. Kasing init ng kakaahon lang na sinangag sa apoy.
Shorts lang ang suot ni Kent at inuulit ko, topless s'ya. Inibabawan lang ng black apron ang katawan niya."Good morning." Bati niya. Bigla akong bumalik sa huwisyo ko. Natagpuan ng mata ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Pinagpapawisan na tuloy ako kahit hindi pa man lang ako nakakapag exercise. Eh kung ganito naman araw-araw, bakit hindi? Busog na busog ang mata ko ngayong umaga.
Bigla ko tuloy naalala.....no!!!
Nayakap ko bigla ang sarili ko. Sheeeetsss! Wala nga pala akong bra!!! Tumakbo ako pabalik sa kwarto at nagmadaling kinuha ang bra ko. Hindi naman siguro niya nakita 'yon kasi loose shirt ang suot ko at, makapal din naman. Ahhhh! Sana nga hindi.Matapos kong magsuot ay bumaba na rin ako at saka normal na kumilos. Nasa harap ng hapag na silang tatlo at iniintay na lang akong dumating.
"Halika na, kumain na tayo." Pagyaya ni Mama at hinandaan ako ng sinangag at bacon sa plato.
"Bakit ka tumakbo?" Tanong ni Kent na ngayon ay nagsusuot ng t-shirt.
"Ahmm--naihi ako bigla e." Palusot ko naman. Alangan naman kasing sabihin kong wala akong bra kaya ako bumalik sa kwarto.
Syempre hindi 'no, nakakahiya kaya!"Kumain na tayo." Ulit ni Mama.
Habang kumakain kami, hindi naiwasan ang hindi maging tahimik dahil kinakamusta nila si Kent. Nakikinig rin naman ako. Start daw bukas ng lesson n'ya with his new tutor at pero hindi daw naman s'ya excited kasi nga hindi raw ako ang maging Tutor n'ya ulit. Napailing na naman ako pero patuloy lang sa pagkain. In fairness, masarap siya magluto. Kahit sinangag lang, hotdog at bacon, masasabi mong pwede s'yang maging Head Chef.
"Do you have plans today?" Tanong ni Mama at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Kent.
"Pupunta ako sa orphanage." Sabi ko naman. Hindi naman umimik si Kent kasi wala naman daw siyang balak na gawin ngayon.
"So Kent, pwede bang ikaw na muna ang sumama sa Tita mo para mamili? Mamimili ka rin ng stocks mo, nagpadala ng pera ang Mama mo." Sabi ni Papa. Oo nga pala, extended ang stay nina Tita Suzette sa abroad dahil marami raw na bagong investors sa business nila. Hindi raw naman nila pwedeng iwan 'yon dahil opportunity nga naman.
Tumango lang naman si Kent bilang pagsagot. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. He reminds me of Kuya Khen. Madalas Kasi s'ya ang kasama ni Mama kapag pupunta sulat sa grocery store pero ngayon Kent will take his part.
![](https://img.wattpad.com/cover/267628267-288-k567662.jpg)
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...