CHAPTER TWENTY-SEVEN

3 0 0
                                    

Hating-gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakaupo ako sa kama ko at matapang nakatitig sa cell phone ko. Hinihintay ko ang text ni Josh. Sabi n'ya matutulog na s'ya pero ako lang 'tong naghihintay sa messages n'ya.

Nauntag ako sa ingay mula sa baba. Kaya naman lumabas ako sa kwarto at nasa hagdan pa lang ako ay kitang kita ko na ang bulto ni Kent. Nakaupo soya sa sofa at nanunuod.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya matapos kong umupo sa couch sa tabi niya.

"Eh ikaw, bakit gising ka pa?" Balik-tanong niya. Kairita huh! Napairap na lang ako sa ere.

"So bakit nga?"

"Hindi lang ako makatulog. Siguro nasobrahan ako sa kakaisip kay Charisse. I'm just glad dahil pumayag na s'ya na ligawan ko s'ya."

Masaya din naman ako for him pero hindi ko nagawang ngumiti. Kanina kasi habang magkakasama kami, panay ang tingin ni Charisse sa cell phone niya. Baka Naman OA lang ako to think of it?

"Happy din ako kaya hindi rin ako makatulog." Sabi ko pa saka kinuha ang remote at inilipat sa Cinemaone ang channel. Ang boring kasi ng pinapanuod n'ya, napaka boring na nga ng gabing 'to.

"Level up na ba?"

"Umaangat naman. But you know what, ngayon ko lang naramdaman 'yon. 'Yong feeling na, you're on cloud nine."

"Hindi ka pa kasi nagkaka boyfriend, kaya nasasabi mo 'yan."

Napaismid na lang ako. Ano ba'ng alam nito sa buhay ko?
Dark s'ya 'yong crush ko but now hindi na. Hindi ko rin Naman naramdaman sa kanya 'yon e.

"Swerte ka kung sakaling sasagutin mo si Cobarrubias." Dagdag pa niya na lalong nakapagpalawak sa ngiti ko.

"Ikaw din siguro." Sabi ko naman. Sa totoo lang napaka weird ni Charisse. Pero Sana lang mali ang iniisip ko.

"Thank you ha."

"Thank you saan?"

"Sa mga efforts mo para kay Charisse. Hindi ko nga alam kung paano susuklian 'yon."

"Thank you is enough."

"And sa pagpapatuloy sa akin dito. I thought magbabangayan pa tayo."

"We're friends right?"

"And about Maxine, sorry for her attitude towards you. Ganon lang talaga s'ya."

"I know."

Napangisi na lang s'ya ganon din naman ako. Ipinihit ko ang atensyon na palabas na naka flash sa TV, Hari ng Sabay pa talaga ang palabas sa Cinemaone channel. Pero okay na rin 'to.

Itinuloy namin ang panunuod ni Kent. Tawa dito, tawa doon. As in sobrang closure ang nangyari sa aming dalawa. Magkaibigan na nga yata kami.

---------

Kahapon ay umuwi na si Kent sa bahay nila dahil dumating na din sina Tita Suzette kaya naman naging boring na naman ang atmosphere dito sa bahay. Nagreready pa lang ako papasok sa eskwela nang makatinig ako ng busina mula sa labas ng bahay namin. Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko. Mabuti na lang dahil inalis na dito ni Mama ang San Francisco n'ya kaya naman mabilis kong natanaw kung sino ang tao sa labas.

Iniisip ko pa lang s'ya, masaya na ako, at ngayong nakita ko na naman s'ya, sobrang natutuwa na ako. These past few days nagkaroon na kami ng closure hanggang sa maging comfortable kami sa isa't isa.

Lalo akong nahulog sa kabaitan n'ya, sa mga sweet moves niya at lalo na sa mga traits na gusto ko sa isang lalaki.

Nagmadali na akong mag-ayos saka bumaba. Naabutan ko siya na nakaupo sa sofa at tumayo rin ng masagi ako ng tingin.

"Good morning." Magiliw niyang bati.

"Good morning." I replied. Nakangiti lang ako habang minamasadan siya.

"I have something for you." Singit ni Mama saka iniabot ang isang paper bag na may lamang apat na tupperware. "Kay Kent ang isa dyan. Naglagay din ako for Jade. Baka magtampo na s'ya."

Napangisi na lang kami ni Josh. Gayun din si Mama. Luckily, hindi motor ang dala niya tulad ng ginawa ni Kent noong unang beses niya akong sinundo dito.

--------

"Sabi ni Kent sa akin, ayaw mo daw na sinusundo ka gamit ang motor." Sabi Niya habang nasa byahe kami.

"Hindi ko lang type ang ganon, okay naman pero hindi ako comfortable."

"Kaya nga sinundo na lang kita gamit itong sasakyan ni Governor."

"Hoy, grabe! Nakakahiya naman." Nakakahiya talaga. As in humiram pa pala talaga s'ya para lang sunduin ako?

Napansin naman siguro n'ya na sobrang natense ako sa ginawa n'ya kay a tulad nang ginawa n'ya noon, he grab my hand from my lap. He hold it tight. Kuryente na ang nararamdaman ko. Hindi ako nagpapahalata.

"Hindi ka naman na iba sa amin kaya, don't feel like that. Ayoko na nagiging uncomfortable ka."

"Alam mo, ang sweet mo. Akala ko nga sa una lang e, pero napansin kong totoo pala 'yon."

"So akala mo plastik akong tao?" Sabay tawa. Pero hindi pa rin bumitaw sa kamay ko. Pinaibabawan ko 'yon ng free hand ko.

"Hindi naman sa ganon, it's just my hypothesis but lately, I discovered that you faced me so real. And I love you for that."

Bigla akong natigilan sa sinabi ko. Sheeeets! Umamin ba ako? No!!!

"I love you too, at wala nang bawian 'yon." He slightly pinch the tip of my nose na ikinatuwa ko. Na miss ko tuloy si Kuya Khen. Kailan ko kaya s'ya uuwi? Hayst.

Aaminin ko hindi naman masyadong nakakakilig ang love story namin but I think this is the way love is for me.

The he loves me he loves me not thing, I don't think na totoo pa 'yon. Siguro hindi, dahil sa naranasan ko. Pero I think, hindi naman dapat ako doon nagbabase. Wala 'yong kinalaman sa love. Love is about the deep feeling inside our heart. Tulad 'g nararamdaman ko ngayon.

Nakarating din kami sa school. Maaga pa naman, and we separate ways nang makapasok kami sa loob.

"Friend!!!! You're here-------" bulalas ni Jade nang makapasok ako sa loob ng room. Ang aga n'ya namang pumasok, himala.

Umupo ako sa tabi n'ya. Ang aga aga pero pakiramdam ko agad na meron siyang ibabalita sa akin.

"I have something to tell you it's about the me--------"

"Friend ang aga para sa chika. Baka bad chika pa 'yan masisira ang araw ko." Sabi ko pa saka nag flip ng hair.
"Aray!!" Kinurot ba naman ako. Sakeeet!

"Friend, it's about the memory card. Si Josh ang may-ari nito." Inilapit pa niya sa mukha ko ang memory card na hawak niya.

Halos lag hugis "O" ang bibig ko. Nalilog rin ang mga mata ko. So confirmed na tunay nga ang feelings n'ya sa akin. He's for real. This is for real.

How come na may term na "kent" sa dulo ng lahat ng files n'ya.

Well question answered by my friend. Ayon sa nakausap niya na kaklase ni Josh, Kentell Marie daw ang pangalan ng Mama ni Josh, and 'yon ang reason kung bakit may something like that sa dulo ng mga files n'ya.

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon