CHAPTER TWO

28 3 0
                                    

"Hoy saan ka pupunta?" Tinanong ko si Kent na handa na ngayong umalis sa silid aralan.

"May pupuntahan ako. Bakit?" walang emosyon na sagot niya. Nakalimutan siguro niya na may trabaho ako sa kanya? Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Sandali lang, mas mahalaga ba iyon kaysa sa ginagawa natin?"

"Susundan ko." Sagot niya at tinulak pa ako ng konti. Bahala na siya. Nang mangyari pa rin ito bukas, huminto ako.

Hinayaan ko na lang siyang umalis. Kung babalik siya o hindi, bahala na siya. Basta gagawin ko lang kung anong dapat kong gawin.

Pumunta ako sa library para tapusin ang assignment ko na hindi ko na natapos kagabi. Naabutan ko doon ang kaibigan kong si Jade.

"Akala ko ba kasama mo si Kent?" Tanong niya nang makaupo ako sa tabi niya.

"May pinuntahan siya. At isa pa kung gusto talaga niya makapasa, hindi siya aalis."

"Tama ka dyan. Wait, bakit ka pala nandito?" tanong pa ni Jade saka inilabas ang isa pa niyang notebook.

"Tatapusin ko lang 'yong assignment ko para sa last subject." Sagot ko naman at inilabas ko din ang notebook ko.

"By the way, nabuksan mo na ba 'yong mga files sa memory card na napulot natin kahapon?" Deretso lang ang pagsusulat niya at hindi man lang ako nilingon.

Nasapo ko na lang ng palad ko ang aking noo. Oo nga pala, nakalimutan ko.

"Hindi ko nga makita. Hinahanap ko nga 'yon sa bag ko. Diba sa loob ng bag ko inilgay 'yon kahapon?" tanong ko sa kaniya na naguguluhan. Tumango lang naman siya bilang sagot.

Hindi nagtagal ay nagsalita din siya. "Baka naman kung saan mo lang nailagay or nahulog noong naghahanap ka sa bag mo." Opinyon naman niya. "The question is, kaninong memory card 'yon? Kailangan nating malaman dahil baka importante ang laman ng mga file noon."

Tama siya doon, kailangan kong mahanap ulit ang memory card para maibalik namin sa may-ari. Baka kasi isa sa mga teachers namin ang may-ari noon.

Tumango na rin lang ako at itinuloy ang aking ginagawa. Napailing ako ng mapansin kong 30 minutes na ang nakakalipas at hindi pa rin bumabalik si Kent.

Okay lang kahit hindi siya bumalik dahil sa totoo lang ayaw ko siyang kasama. At isa pa, magkakaroon ako ng magandang oras na walang nanggugulo sa akin. Hindi kasi ako makapag focus agad sa ginagawa ko kapag may nanggugulo sa akin.

----

Natapos din ang ginagawa namin ni Jade. Naghiwalay na kami ng dinaanan dahil pupunta siya sa Teacher's Faculty para ipasa ang assignment naming dalawa habang ako naman ay papunta sa Canteen para bumili ng meryenda.

Naalala ko tuloy ang nagyari kanina. Ginusto ba niya akong sunduin kanina or sinabihan lang siya ng Mama niya na sunduin ako bilang Tutor niya?

Urgghhh! Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Teka nga! Bakit ko ba iniisip ito? Itinuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa mapansing kong natanggal na pala sa pagkakatali ang sintas ng sapatos ko. Kaya naman yumuko ako at itinali 'yon.

Hindi pa man ako nakakatapos mag tali ng sintas ng sapatos ko ay nakarinig ako ng mga sigawan sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Dali dali kong pinuntahan ang nagtutumpukang estudyante. Hindi ko na siniguradong kung maayos kong naitali ang shoelaces ko, basta na lang akong tumakbo sa may mga nagsisigawan.

Nasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko na patakbong lumalapit sa akin. Humihingal niya akong hinila papunta sa nagtutumpukang estudyante.

"Danica, ano bang meron?" Tanong ko kay Danica habang tumatakbo kami papunta sa may mga naghihiyawan.

"Si Kent kasi..." Naputol na ang sasabihin niya dahil iniwan ko na siya. Pinuntahan ko agad ang crowded area at hinanap si Kent.

Gosh! Hindi ko gusto ang nakikita ko. Agad akong lumapit kay Kent na nakahandusay sa lupa. Dumudugo na ang gilid ng labi niya. Ano bang nangyayari? Nalilito kong tanong sa sarili ko.

"Tumawag kayo ng tulong!" Sabi ko sa mga estudyanteng naroon na para bang walang pakealam sa mga nangyayari. Nakita ko naman si Danica na agad na tumakbo papunta sa Guard House. Security Guard ng school namin ang Papa niya.

Muli kong binalingan si Kent. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa kalagayan niya, pero mas naawa ako dahil sa nakikita ko ngayon. Mayabang si Kent pero may sides naman na mabuti siyang kaklase.

Kakausapin ko sana siya ng biglang may sumigaw sa may likuran ko.

"Umalis ka diyan!" sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko. Agad akong humarap sa kaniya at napamulaga ako ng makita kong hahampasin niya ako ng isang matigas kahoy. Napapikit ako imbes na umalis kung nasaan ako. Hindi ko pwedeng iwan at pabayaan na lang si Kent dito. Halatang hindi na niya kaya ang katawan niya kahya hindi ko siya pwedeng iwan.

Habang nakapikit ako, bigla ko na lang naramdaman na may yumakap sa akin at bigla na lang kaming tumumba sa lupa.

"Ahhhh!" Narinig kong sabi ni Kent matapos niyang maramdaman ang lapat ng matigas na kahoy sa likod niya.

Iminulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang katawan ni Kent na paharap na nakadamba din sa akin. Wala siyang malay at nakasuksok pa ang muka niya sa leeg ko.

Nangilid agad ang mga luha ko after I realized that Kent saved me. Natutwa lang ako dahil kahit hindi na niya kaya ang katawan niya ay nagawa pa dini niyang bumangon para sa akin.

Narinig ko naman ang pagpito ng guwardya. Tatlong guwardya ang lumapit sa amin at kinuha ng isa ang tatlong lalaking nakaaway ni Kent. Ang isa naman ay inalalayan ang walang malay na si Kent at ang isa pa ay tinulungan akong tumayo.

Tumawag agad ako sa Mama ko para ibalita ang nangyari. Siya na ang magsasabi sa mga magulang ni Kent. After kong makausap si Mama ay isinama rin ako ng mga guard sa hospital para ma check din daw kung may mga nasugatan sa akin. Medyo masakit nga ang likod at ulo ko dahil siguro sa pagbagsak ko sa lupa.

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon