Nakahiga na ako sa sofa, okay naman ako dito dahil ginagawa ko rin ito noong bata pa ako. When my parents are not at home. Nagpapasama lang ako sa kapitbahay namin.
Antok na antok na rin ako dahil sobrang pagod din naman ng araw na 'to. Sure ako na tulog na rin si Kent dahil sinilip ko siya sa kwarto kanina. Ayon, nakahiga na at nakapikit. Kahit nasa may pinto lang ako, nakikita ko kung paano s'ya matulog, para siyang Sleeping Prince. Ang gwapo niya at ang amo pa ng mukha. Parang anghel na bumagsak sa lupa tapos bumagsak nang walang malay.
Hindi ko na rin keri ang mga iniisip ko kaya natulog na ko.
-------
"Tama na Kent okay? See? Basang basa na ako oh." Sabi ko kay Kent habang tumatakbo sa gilid ng pool. Hawak hawak kasi niya ang hose saka binabasa niya ako.
Sa kakatakbo ko, na out of balance ako at nahulog sa pool.
Kalabog.
"Aray!" Pabulong na sabi ng isang tinig kung asan ako bumagsak. Nanaginip lang pala ako. Pati ba naman sa panaginip binibisita ako ni Kent?
"Ouch!" Pabulong ko ding sabi. Napamulagat ako bigla nang maramdamang hindi sahig ang binagsakan ko. Kinapakapa ko 'yon. Shizzz!! Katawang lupa yata 'to!?
Agad kong itinukod ang kamay ko sa sahig at iniiangat ang katawan ko.
Shoot!
"Kent?!" Bulalas kong tanong. Nakahawak siya sa noo niya. Doon siguro tumama 'yong noo ko. Agad din akong bumangon at hinila ang kumot kong tumabon sa katawan niya.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya matapos kong maging kalmado. Umupo ako sa sofa tapos bumangon naman s'ya pero nanatili pa din sa sahig.
"Sinamahan na nga kita dito." Sabi pa niya habang hinihimas ang noo n'ya. "Grabe, ang tigas ng bungo mo!" Nakangisi niyang sabi.
"May malambot bang skull?"
Napailing na lang siya saka ngumiti sa akin. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Hala! Grabe! Nagba-blush na ba ako kaya siya tumatawa?
"May nakakatawa ba?" Then I rolled my eyes. Kainis kasi.
"Ang weird lang kasi, bakit ka ba nahulog?"
"Nanaginip ako."
Nagkibit-balikat naman s'ya habang nagpipigil ng tawa.
"Papatayin mo raw ako sa panaginip ko."
"Pasalamat ka nga sa katawan ko pa...dito ka pa nahulog oh.." he said pointing his chest. Nag facial expression naman ako na parang nadidiri sa ginagawa n'ya.
"Arte mo huh! All girls were dreaming of me." Proud na proud niyang sabi.
"Nuh! You're my nightmare!" Saka ko siya inirapan. Lakas naman ng hangin nito. Nakuha pang magbuhat ng sarili niyang bangko. Ayan tuloy, umandar na naman ang pagtataray ko sa kaniya. But still, I am deeply falling in love with him.
Noong hindi siya nakatingin, I look at him with love. I want to touch him again. Tapos bigla siyang tumingin sa akin kaya nag-iwas agad ako. Nagkunwari na lang ako na napuwing tapos kinusot ko 'yong mata ko.
"Okay ka lang?" Tanong niya tapos lumapit siya sa akin.
"Oo, napuwing lang."
"Let me see..." Wala na akong nagawa nong lumapit s'ya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na para bang sinasabi niya na 'wag akong kumibo. Tapos dahan dahan niyang ipinantay ang mukha Niya sa mukha ko. Fee more inches at malapit nang magdikit ang mga mukha namin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinikilig ako but I'm afraid, I'm afraid to know that I am wrong, na mali ako dahil pinapaasa ko lang ang sarili ko na gusto rin niya ako. Dahil binabase ko sa HE LOVES ME, HE LOVES ME NOT thing na nakagawian ko.
Bigla ko na lang naramdaman ang mainit na hangin sa mukha ko, hinipan n'ya ang mata ko. Kaya Naman napakurap agad ako. Hindi ko alam 'yong feeling pero I can barely say it the way he looks at me. Parang pinana ni Cupid ang puso ko. Yah, I admit that I like him. Matagal ko ng sinasabi 'yon. But this time, I kinda love him.
Erase. Erase. Erase.
I love him, pero ako ba like n'ya? Dahil gusto kong mabura lahat ng iniisip ko, bigla akong tumayo...tapos....
"Aray!!" Sabay naming sabi. Tumama 'yong noo ko sa noo n'ya.
"Pwede bang mag thank you ka na lang kasi I'm being nice to you?" Sabi niya habang salon ng palad niya ang kaniyang noo.
Kung alam mo lang sana. Sabi ko sa isip ko.
"I'm sorry okay, bakit kasi hindi ka umalis agad?" Tanong ko sa mataas na tono na para bang sinisisi ko pa s'ya.
"Kung hindi ka ba nag kunwari na napuwing ka..."
Bigla tuloy along natigilan, alam n'ya na nagkunwari lang ako?
"Paano mo naman nasabi 'yan?" I harshly asked him. Nakakainis kasi. Oo nakakainis na nabuking ako.
"See, you're just playing around. Umamin ka nga, do you like me?" Tanong niya saka umupo sa couch namin.
Gusto kong ipamukhang wala along narinig kaya bumalik na lang ako sa pagkakahiga ko.
"C'mon Kaira, 'wag mong hayaang lamunin ka ng kasinungalingan mo." Sabi Niya sa mababang tinig. Parang seryoso pa nga.
"What?!" Kaya Naman bumangon na ulit ako. Tapos hinagis sa kanya ang pillow ko. Hindi naman siya masyadong tinamaan, daplis lang. Tapos malaglag 'yong unang sa floor.
"Okay, hindi kita pipilitin." Nakangisi niyang sabi. Halata ba? Halata ba na gusto ko siya? Gusto ko tuloy manggigil at suntukin s'ya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Kinuha ko na lang ang cell phone ko at tiningnan kung anong oras na. It's already 4:31 am. Hinayaan ko na lang siyang tumawa ng tumawa saka pumunta sa kusina.
Binuksan ko ang ref pero ang nakita ko lang ay apat na lyanera ng Leche Flan. Sweets. Okay. Kinuha ko 'yon saka ko isinara ang door ng ref. Pagharap ko sa table ay naroon na si Kent na nakaupo.
"Okay, serve me. I'm your guest." Seryosong sabi n'ya.
Kapal din ng mukha. Pero hindi ko siya pinagsilbihan. Sino ba s'ya? Well, s'ya lang naman 'yong crush kong mahangin. Pero knowing na halata na niyang gusto ko s'ya, hindi ko na kailangang itago pa. Bakit? Halata ba talaga?
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...