CHAPTER TWENTY-FOUR

8 1 0
                                    

"Wow, totoo ba 'to?" I was surprised sa isang Spongebob lamp na nasa ibabaw ng bedside table ko.

"Mukha bang hindi? Be thankful kasi binilhan kita n'yan."
Napailing na lang ulit ako. So ito pala 'yong sinasabi n'yang regalo. Spongebob lamp. Binili daw n'ya kanina, natuwa daw s'ya bigla nang mapadaan sila sa mall ni Mama. Sakto daw kasi bumili din si Mama ng bagong lamp para sa kwarto ni Kuya Khen, kahit hindi pa naman sure na uuwi s'ya.

"Friends na tayo Kaira." Sabi Niya habang nakapamewang at nakatitig lang sa akin. Hindi naman ako nagdalawang-isip na sumagot dahil wala naman along nakikitang problema doon.

"And, igawa mo ako ng letter for Charisse. Kahit note lang."

Abusado?

"Hoy, you owe me so much huh! Abusadamante ka na."

I rest my self in my bed. Umupo naman sa sa kama ko at parang ang lalim pa ng iniisip.

"May mali ba sa akin?" He ask out of nowhere. Natigilan ako at napaisip. I puzzled what he's talking about.

"Tungkol ba kay Charisse 'yan?" Tanong ko habang nanatili ako sa ganoomg pwesto.

He's shoulders shrug. Mukhang problema sa chix nga 'to.

"There's nothing wrong about you."

Hindi pa rin s'ya nagsalita kaya itinuloy ko na lang ang sasabihin ko.

"Wala namang mali sa'yo. Iniisip mo lang 'yan dahil na-reject ka noong una. But don't think na may kulang or mali sa'yo." Bumangon ako at nag Indian sit paharap sa kaniya.

"Or else hindi pa s'ya ready for a relationship. Pero kung ma-reject ka ulit tomorrow, well problema na n'ya 'yon."

"Gwapo ba ako?" Natawa ako bigla dahil sa tanong n'ya. Ano bang pumasok sa kokote nito at 'yon ang itinanong?
Pinigil ko ang tawa ko nang napansing seryoso s'ya. I cleared my throat before saying anything.

"Oo naman, every girl sa school dreamed to be close to you. Swerte nga raw namin kasi kaklase ka namin."

"Mabait ba ako?"

"Yup, and remember the day na nakipag-away ka? You saved me,and it's a good side of you kahit sobrang nainis ako sa'yo dahil ako 'yong sinisi mo-------"

"Gusto mo ba ako?" Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin. Naging uncomfortable ako bigla. Seryoso ba s'ya?

"Ah---"

"Izaaaa prank!" Saka siya lumayo sa akin at tumayo. Juskooo! Akala ko ay mapapaamin ako ng wala sa oras. No problem naman doon kasi naglaho na rin naman.

"Matulog ka na, may lakad tayo bukas." Sabi niya habang papalabas ng pinto. Oo nga pala, may lakad kami bukas. Sinabihan din namin si Jade para mas okay. Para din naman malibang si Jade at mabawasan ang sakit na nararamdaman n'ya dahil sa malupit na break-up nila ni Cyrus.

Nang makalabas s'ya ay humiga na ulit ako sa kama ko. Pipikit na sana ako nang marinig kong tumunog ang message tone ng cell phone ko. Agad ko namang kinuha 'yon at binuksan ang message.

Si Josh pala ang sender.

Thank you for this day. Good night :)

Message niya. Hindi na ako nagreply, baka kasi sabihin n'ya na inaabangan ko ang message n'ya.

Nagbukas muna ako ng WiFi bago matulog at sumilip saglit sa social accounts ko.
Nagulat pa ako na halos sumabog ang notification ko dahil puro mention sa post ni Josh Cobarrubias.

Marinelle Sarez: @KairaJane

Gwen Catty: @KairaJane what is the meaning of this?

JadeXXX: @KairaJane haba ng hair frenny huh!

Ilan lang 'yan sa mga mentions na binigyan ko ng pansin. Dinako ko ang post ni Josh at napangiti ako dahil sa natuklasan.

Isang stolen shot noong nagpapagpag ako ng siko gamit ang wipes na binigay n'ya at ang caption pa ang sobrang nagpakilig sa akin.

I love this girl, the way she is. Her name is Kaira Jane.

I want to jump because of happiness pero mas pinili kong tumili ng impit. Baka kasi maligalig sina Mama at baka sabihing sinasaniban ako.

Is this for real? Kanina lang ay umamin siya na gusto n'ya ako, and now he loves me already. Nakakagulat lang ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

Kapag kuwa'y tunog ng tunog ang messenger ko dahil sa puro mention din sa GC.

Hayst. Nakakaloka! Nakakabaliw! Nakakabaliw pala talaga kapag in love.

-----

"Kaira!!!"

Naalimpungatan ako sa isang tawag na 'yon. Nasilaw pa ako sa liwanag na tumatama sa bintana ng kwarto ko.

Umaga na pala. Anong oras ba ako nakatulog? Agad akong bumangon at binuksan ang pinto. Dahil kung hindi, baka mawasak na 'to dahil sa malakas na katok.

Bumulaga sa akin ang fresh na fresh na si Kent. Ang bango n'ya at bagong ligo.

"Hoy! Sikat na po ang araw." Bungad n'ya. Ginising lang ba ako nito?

"Antok na antok pa kaya ako. Bakit ba?"
Sabi ko habang kumakamot sa ulo ko. Gulo gulo pa nga ang buhok ko nang harapin ko s'ya.

"May lakad tayo 'di ba, nakalimutan mo na ba?"
Kapag kuwa'y sumandal siya sa hamba ng pinto. Hindi ako makapagsalita, nakalimutan ko kasi.

"Napuyat ka ba dahil sa post ni Cobarrubias?"

"E ano naman?"

"Mag-intindi ka na, dali na." Tinulak n'ya ako papasok sa kwarto ko saka isinara ang pinto. Nilingon ko s'ya at ayon, wala na, nakaalis na s'ya. Hayst! Antok na antok pa nga ako. Bumalik ako sa higaan ko at natulog ulit. Bahala s'ya dyan!

Hindi naman kasi 'yong post ni Josh ang pinagkapuyatan ko, kundi 'yong GC at ang pinapagawa n'yang note para kay Charisse.

Anyways, hindi naman n'ya alam kaya okay lang kung magalit s'ya dahil tutulog ulit ako.

----

Alas-otso na nang bumangon ulit ako. Bumaba ako na pupungas pungas pa. Sobrang antok talaga. Naabutan ko naman si Kent na busy sa pagpeprepare ng ibibigay n'ya kay Charisse.

Pumayag nga pala si Charisse na sumama sa group date namin. Mas okay na rin para makilala namin s'ya ng husto. Once na maging sila ni Kent, magiging kaibigan na rin namin s'ya.

"Here." Ipinatong ko sa dining table ang letter na ginawa ko kagabi. Special paper pa ang ginamit ko para mas mukhang presentable.

"Wow! Thank you!" Saka Niya ako biglang niyakap. Well, I hug him back. Seryosong seryoso talaga s'ya kay Charisse, and I am going to support him no matter what.

These past few days, naging okay kami ni Kent at ginusto n'ya rin na maging magkaibigan kami. Bukod kasi sa sawang sawa na rin ako makipagtalo sa kanya sa school, mabait naman s'ya kaya mahirap tumanggi sa offer niyang friendship. Plus, he saved me at utang ko pa sa kaniya 'yon.

He even asked me again if I could be his tutor again pero hindi ko tinanggap dahil mas kailangan ng bago n'yang tutor ang pera.  Magiging busy na rin kasi ako sa mga susunod na araw dahil sa founding anniversary ng Orphanage.

"Hindi na ako makahinga Kent." Tumatawa kong sabi sa kanya. Kumalas na din naman s'ya at tumatawa rin dahil sa ginawa n'ya.

"Sorry."

"Wala 'yon. We're friends kaya okay lang." I replied. Lumakad ako papunta sa harap ng ref at binuksan 'yon. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang tupperware ng refrigerated cake.

Nilingon ko si Kent na nakatingin din sa akin. Sira talaga, ibang klase magpasalamat ang taong 'to.

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon