Marami pa kaming napagkwentuhan ni Jade bago dumating ang orders namin. Kesyo, marami na nga raw s'yang naririnig na mga negative deeds ni Cyrus. Hindi raw naman s'ya naniniwala noong una Kasi hindi nga daw s'ya sure. To see is to believe din kasi ang peg nitong frenny ko.
Syempre to the rescue ako bilang friend n'ya. Si Jade kasi, hindi s'ya prangkang tao. Hinayaan n'ya lang lahat ng bagay, kaya kahit alam n'yang niloloko lang s'ya ni Jowa n'yang cheater, dedma; waley; manhid manhiran ang peg ng Lola n'yo.
And I am here to get revenge for her. Syempre 'no, igaganti ko s'ya.
"Hay naku! Kumain na tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Konting makirot na usapan pa kasi, talagang lalaglag na ang luha nitong si Jade.
Ngumiti na lang siya ng mapait. Love really hurts someone. Kaya nga ang hirap mag mahal lalo na kapag 'di ka pa sigurado.
Parang sa exams lang, ang hirap mag shade ng letters sa choices kung di ka pa sigurado, natatakot kasi tayong magkamali, natatakot bumagsak, unless kung nakapag review ka. Ito naman 'yong may mga background na pagdating sa love, ready to risk something kasi alam nilang tama 'yong desisyon nila. Alam nilang darating 'yong time na MASASAKTAN din sila.
'Diba, parang expert 'yong author? Parang move on na. HAHAHAHHA
"Do you think kakayanin ko kung wala s'ya?" Tanong n'ya matapos isubo 'yong piraso ng Leche Flan.
Nailaglag ko 'yong balikat ko, naglabas ng malalim na hinga saka humarap sa kanya.
"Ano ka ba? Syempre naman 'no?" Hinawakan ko ulit 'yong tinidor ko saka ulit tumingin sa kanya.
She's really hoping na makaya n'ya kahit wala si Cyrus. "Friend, think of it. Ano? Hahayaan mo na lang ba na niloloko ka ng jowa mong shonga? Heller? Kinaya mo nga noong wala pa s'ya e."
"May point ka nga. Kakayanin ko 'to." Huminga s'ya ng malalim saka kumain na ulit.
"Saka isa pa, hindi rin totoo 'yong mga dialogue na 'IKAMAMATAY KO KUNG WALA KA', as if naman 'no. Tingnan mo 'yong kaibigan ko noon, ikakamatay daw n'ya kung di bumalik 'yong boyfriend n'ya....pero hindi naman, ayon may Jowa na rin. Buhay na buhay." Dagdag ko pa na nag patawa sa kaniya. Natawa na rin lang ako.
And that very moment, pumasok sa Cafeteria si Kent kasama ang mga kaibigan n'ya. Naalala ko 'yong meryenda na pinapabigay ni Mama. Kaya Naman kinuha ko 'yon sa lunch bag.
Nag excuse naman ako kay Jade bago lumapit kay Kent.
"Kent.." tawag ko sa kaniya na may kasamang pagkalabit sa balikat niya. Nakatalikod kasi s'ya.
"Oh, Kaira. Ano i-tutor mo na ba ulit ako?" Masiglang tanong n'ya.
"Nope, nakahanap na ng bagong tutor si Tita for you. Anyway....." ipinatong ko 'yong tupperware sa ibabaw ng table.
"Pinapabigay ni Mama 'yan."Tiningnan muna n'ya 'yong tupperware bago tumingin ulit sa akin.
"Thank you." Sabi niya saka ngumiti. Tumango naman ako saka bumalik sa pwesto namin ni Jade.
Matapos naming kumain ni Jade ay umalis na kami sa Cafeteria. Sa classroom na lang siguro kami maghihintay para sa sunod na subject.
"How about Joshtine?" She asked out of nowhere.
Nasa classroom na kami. Andito din 'yong iba naming kaklase."Mabilis ang balita 'no. Nakipagbugbugan daw because of you." Sinundot pa n'ya 'yong tagiliran ko. Ano ba?
"Hindi 'no?" Pagtanggi ko pa. Pinasok n'ya rin si Josh sa usapan.
"Knight in shining armor." Pinagdaop pa Niya ang palad n'ya at nangarap sa hangin.
"Andito na ba si Kaira?" Tanong ng isa kong kaklase na nanggaling pa sa labas.
Itinaas ko ang kamay ko para sabihing andito na ako.
"Good. May naghahanap kasi sa'yo. Wait lang ha..." Sabi ulit niya saka lumabas. Nagkatitigan na lang kami ni Jade. Sino namang maghahanap sa akin?
"Oh Emmmm Geeeeee!!! Speaking of the handsome knight, look who's here...." Kinikilig na sabi ni Jade saka pinihit ako paharap sa pinto.
"Josh???" Pabulong kong sabi. Kumaway naman s'ya mula sa pinto. He's really a man in every girls dream. Nagtilian pa nga ang mga kaklase ko.
He's outfit, bagay na bagay sa kanya. Red polo shirt, pantalon at white shoes. Mamba pa nga yata 'yong tatak non.
Tumayo ako para puntahan s'ya.
"What brings you here? Wala ka bang klase?"
"Napadaan lang ako. By the way, this is for you." Iniabot nya sa akin 'yong paper bag na dala n'ya.
Nakangiti naman ako nang tanggapin ko 'yon.
I wonder kung ano ang laman nito."Free ka ba mamaya?"
"Hindi ko alam e, may pupuntahan kasi kami ni Jade mamayang gabi."
Tumango naman s'ya. "Next time na lang siguro, I want to spend some time with you."
Hala!! Parang iba 'yong naramdaman ko nang sabihin n'ya 'yon. Kilig ba ang ibig sabihin non. NOOOOO!!!! Yessssss!!!!
This is not the time para magtalo ang isip ko. Kung sa bagay, there's no reason para hindi ko magustuhan si Josh. Mabait, sophisticated, Prince Charming ang peg... anything na pwedeng i-describe sa ideal type of man.
"Thank you."
"Sige, una na ako ha. Ingat."
Inintay ko muna siyang makalayo bago ako pumasok ulit sa room.
"Santiago ha, ano nang status n'yo?" Tanong ni Blaze, kaklase ko. Nakaupo s'ya dito sa first row malapit sa pinto.
"Uy, walang ibig sabihin 'yon 'no." Nakangiti kong sabi. Sheeeeeeeet! Parang kinikilig pa talaga.
"Nagkabanggaan lang kayo kahapon, level up agad ang status Girl?" Pang-aasar pa ni Jade. "Jowang jowa na ba?"
"Tumigil ka nga, hindi 'yon sa ganon."
"Eh ano 'yan?" Tinuro n'ya 'yong paper bag na dala ko galing kay Josh. "Akin na nga," tingnan n'yo bida bida talaga 'to.
"Wow ha! Spongebob pillow, alam nya pala 'yong taste mo?"
Nagkibit-balikat na lang ako. Spongebob pillow nga Kasi 'yong laman nong paper bag. Nag stalk ba s'ya? Kasi 'yong profile picture ko sa lahat ng social media accounts ko ay 'yong picture ko sa kwarto.
"Ibang klase. Tukain mo na Girl." Hinampas pa n'ya 'yong balikat ko.
"Ano ka ba? Hindi naman nanliligaw 'yon e." Umayos ako ng upo.
"So, you're waiting for him to ask you?"
"Aray!" Kinurot ba naman ang tagiliran ko. Expose pa Naman 'tong belly ko Kasi nga naka crop top lang ako.
"Haba ng hair ha!"
Napailing na lang ako. Ewan ko dito sa babaeng 'to. Pero deep inside, aminin kong kinilig ako ng very light. Nahuli n'ya 'yong kiliti ko. Haysttt.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...