Hindi ko na pinakealman pa si Kent at si Maxine. Mukha naman kasing masaya si Kent na nandito ang childhood friend niya. Mukha ngang hindi childhood friend, parang childhood sweetheart pa. Kainis!!!
Nasa banyo ako at naliligo pero dinig na dinig ko pa rin ang maarteng boses ni Maxine.
"Eat this Kent, say ahhhhh." Naiimagine ko pa kung ano ang ginagawa nila. Nakakainis talaga. Binilisan ko na lang maligo para makaalis na rin ako dito. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Kaya naman nang makalabas ako ng banyo ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko.
Palabas pa lang ako ng pinto nang bigla akong tawagin ni Kent. "Papasok ka na?" tanong niya. Obvious naman e, bakit tinatanong pa?
Tumango na lang ako saka nagmadaling lumabas ng pinto. Napabuntong hininga na lang ako. I thought, talagang hindi o magugustuhan si Kent, but there is this side na tama nga si Jade. Hinayaan ko na lang na mawala ang mga iniisip ko. Baka rin hindi na totoo ang "He loves me, he loves me not" na ginagawa ko, dahil sa nakita ko, Kent is very happy with Maxine. Anong laba ko doon?
-------------
"Oh, bakit naman nakasimangot ka dyan?" tanong agad ni Jade sa akin. Hindi pa nga siya nakakaupo pero nakapag tanong agad siya tungkol sa mood ko.
"Si Kent kasi....." nakita kong natutop niya ang bibig niya. Tinapunan ko naman siya ng isang nakakainis natingin. "Ano bang akala mo?"
"You mean, Kent?"
"I mean, si Kent kasi nakakainis...'
"For what reason?" umupo na siya ngayon satabi ko and we are now waiting for our Teacher, sabi kasi ng isa naming classmate nasa Faculty pa daw si Mrs. Villaruel at may inaasikaso pa. Kaya naman may time pa kami ni Jade na makapag chismisan.
"Nagbantay kasi ako sa kanya kagabi, and biruin mo, he held my hands and murmured my name." Wala namang ibang reaction si Jade kundi ang nakangiti lang.
"So it means na totoo ang ginawa natin kahapon, HE LOVES YOU!!" tili pa niya. Napailing na lang ako. Napansin naman niya 'yon kaya siguro ipinatong niya ang palad niya sa balikat ko. Tinapunan ko ulit siya ng isang masamang tingin. Ano bang akala nito? Namatayan ako ganon?
"Okay lang 'yan, normal na sa atin ang masaktan. At isa pa there's a lot of guy na nagugustuhan ka.' Napakunot naman ang noo ko, sino na naman ang tinutukoy nito? "Like Josh..."
"Sino naman 'yong Josh na 'yon?" pagtataka ko na naman. "Hindi mo kilala?" natatawa niya sabi.
"Ewan ko sa'yo Jade." Hindi na siya nakasagot pa dahil dumating na ang teacher namin dala ang laptop niya. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng table saka binuksan. She started calling our surnames. Isa isa rin naman na sumagot ng "Present" ang mga kaklase ko. Hanggang sa madako ni Mrs. Villaruel ang position ko. Nag-was agad ako ng tingin sa kaniya.
"Kaira" twag niya kaya naman bigla akong napatayo. Kinakabahan pa nga ako dahil hindi ko alam kung bakit ako ang napansin niya ngayon. "Is Kent okay?" tanong niya na ikinagulat ko naman. Napasinghap pa nga si Jade at narinig ko rin ang ibang bulungan ng mga kaklase ko.
"Ahmmm.. Ahh" nauutal kong sagot. Ano ba naman kasi ang isasagot ko sa kaniya? Sasabihin ko bang "Okay na po Ma'am ang harot harot nga po." Ganun?
"Kaira, is everything okay?" tanong pa niya na nakapagpbalik sa akin sa normal. Nakatingin pa ang mga kaklase ko sa akin. "Ah, yes po Ma'am. Actually sinamahan ko po siya kagabi. Umalis po kasi ang parents niya. Business matters daw po." Naisagot ko na lang. Hindi naman pinapangati ang batok ko pero nagaw kong kamutin 'yon.
"Okay, you may take your seat." Huling sabi niya saka umupo na nga ako. Napatingin pa ako kay Jade na pinipigil ang pagtawa. May nakakatawa ba? Haysssst! Nakakainis talaga.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Jade. Katatapos lang ng klase namin ngayon. And we're heading to the groceries store na malapit lang sa school namin. Bibilhan ko kasi ng mga pagkain si Kent sabi ng Mama niya. Huwag ko daw gutumin kaya ito, bibilhan ko siya. "Kamusta na kaya siya?" pabulong kong tanong sa hangin.
"Okay naman ako," pang-aasar na sagot ni Jade. "Girl, 'wag mo ng ikaila. Bakit ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?"
"Nandoon kasi ang childhood friend niya, si Maxine."
"So, anong connect ni Maxine dito?"
"Nakakainis lang."
"Hindi inis 'yan Girl, selos yan" Tumatawa niyang sabi. Tinapunan ko na naman siya ng isang nakakainis na tingin.
"Tumahimik ka nga" sabi ko na lang sa kaniya saka kami pumasok sa loob ng store. Maraming tao kaya hindi kami mabilis na makapunta sa mga sections. Syempre uunahin ko na ang fruits para naman healthy ang mga kinakain niya. Baka nga kung ano ano na kinakain niya ngayon kasi wala ako doon, hindi ko namomonitor ang mga pagkain niya. Sana lang magaling pumili ng pagkain ang tagabantay niya ngayon.
Marami pa kaming pinamili ni Jade, tinulungan din niya ako sa mga pinipili kong foods. Sabi pa nga niya, nakuha daw niya ang mga idea sa Google. Ewan ko ba dito kay Jade, lahat na lang dinadaan kay Google.
Matapos namin mamili ay lumabas na kami kaagad at naghiwalay na rin kami ng way. Nagmadali kong tinawagan ang driver namin at nagpasundo ako sa kaniya sa tapat ng store kung saan kami namili ni Jade. Hindi rin naman nagtagal ay dumating agad si Kuya Arnel.
"Kaira, dala ko na ang mga damit mo pati Uniform mo dala ko din" Sabi niya habang nagda drive. Ngumiti na lang ako bilang pagtugon.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...