CHAPTER THIRTEEN

20 2 4
                                    

"Sorry ha," sabi ko kay Josh habang dinadampian ng yelo na nakabalot sa bimpo ang noo n'ya. Dahil 'to sa nangyari kanina. Anyways nandito kami sa bahay. Isinama ko muna s'ya dito para magamot.

Nakakahiya kasi kung uuwi siyang may sugat at bukol. Thankful nga ako sa kaniya dahil he saved me and my things. Oo nakuha n'ya 'yong bag ko doon sa magnanakaw.

"Okay lang. Hindi mo naman kasalanan." Sabi n'ya saka ngumiti. AHHHHH! NOOOOO! 'Wag mo 'kong ngitian Josh, baka ma in love ako dahil sa ngiti mo!

Naka one point ka na.  Nakuha mo ang isa sa checklist ng ideal man ko. KNIGHT IN SHINING ARMOR.
'Wag naman sana akong ma fall sa'yo. Arghh! Ang landi ko naman. Anyways hindi ko naman na crush si Kent. Move on agad ako sa crush ko sa kaniya. Na-turn off ako sa ginawa n'ya sa akin with Maxine. Hmp!

"Ikaw, okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang pulsuhan ko at kusa niyang itinigil ang pagdadampi ko ng bimpo sa noo n'ya. Tinanggal n'ya 'yong bimpo sa kamay ko at hinawakan n'ya ang kamay ko at ipinatong sa lap niya. What?!

Gusto kong lumunok pero parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. "Hindi ka ba nasaktan?" He ask sincerely. His voice is really cool. Manly. His eyes were sparkling towards me.

"Ah--ah--o-kay lang ako." Natataranta kong sagot. Hindi ko din naman inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ang lambot ng mga palad n'ya. Siguro hindi s'ya naglalaba or gumagawa ng kahit anong gawaing bahay sa kanila? Aba! Syempre naman Gobernador ang Tatay nito, paniguradong may katulong sila.

"Mabuti na lang hindi ka nasaktan." Seryoso niyang sabi habang nakatitig lang sa akin. Kung sakaling nakakamatay ang tingin niya, kanina pa ako nakahandusay sa pwesto ko at wala ng buhay.

"Josh, Hijo" tawag ni Mama. Gusto ko sanang bumitaw dahil sa gulat ko pero hindi naman niya pinakawalan ang kamay ko. Ahhhh! Ano ba? Puso, kumalma ka muna. Hindi ito ang tamang oras para tumibok ka ng bongga!

"Ihahatid ka ng family driver namin, okay lang ba?" tanong ni Mama ng makalapit siya sa amin.

Nanlaki pa nga ang mga mata ko dahil napatingin si Mama sa kamay namin ni Josh. Paktay na! Napaunok na lang ako sa kahihiyan.

----

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko kay Josh. Nasa Van na kami at ihahatid na namin s'ya pauwi. Balak ko ring magpaliwang kay Gov. Cobarrubias dahil sa nangyari sa gwapong face ni Joshtine.

"Ang alin?"

"Hinawakan mo 'yong kamay ko."

Saglit siyang nanahimik kaya hindi na rin ako nagsalita.

"I already told your Dad." Oo nga andito na si Papa. Pero ano 'yong sinabi n'ya?

"I told him I like you."

What?! Ano?

Nagsumiksoik ako sa may bintana ng Van dahil sa hiya. He likes me? Paano nangyari 'yon?
Totoo ba? O nagdedeleryo lang ako dahil sa nakakabaliw na ngiti niya?

"Totoo 'yon, I like you since the day I saw you? Love at first sight."
Nanatili lang akong tahimik. Papakinggan ko na naman ang manly voice niya plus ang pagka matalinhaga ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Remember the day na pumunta ka sa bahay with your Papa?" Tumango lang ako sa tanong niya. Naaalala ko nga ang raw na 'yon. Dahil 'yon sa scholarship na offer sa akin ni Gov. Cobarrubias.  High school friends sila ni Papa kaya hindi malabo ang dahilan para bigyan n'ya ako ng scholarship.

"That day, I saw the happiest woman for the first time. I grew up without my Mom. And I'm lucky to see how happy you are nang matanggap mo 'yong scholarship sponsored by Gov. Cobarrubias."

Sad naman pala ng buhay nito. Pero at least he was loved by his Dad.

How do I say? Lahat kasi ng foundations ng Papa n'ya, sa kanya nakapangalan. Kahit 'yong favorite kong Orphanage, sa kaniya din naka pangalan. Noong una hindi ko alam, pero now I know. Madalas akong iwan nina Mama sa Josh's Orphanage kapag may work sila. Nun kasi ang Tita ni Mama, si Mother Merry. Kaya siguro naging favorite ko na 'yon. Tapos ito nagdodonate pa ko parati ng mga old clothes and toys ko na hindi ko n nagagamit. Next week nga, dadalhin ko doon ang mga books ko. Nagpatayo kasi si Gov. Cobarrubias ng isang library doon. Kaya naman sinabihan ako ni Papa na dalhin ko ang mga books ko doon, plus magiging teacher muna ako sa mga bagets.

"Okay lang ba?" Tanong niya. "Okay lang ba that I like you?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kikiligin ako o mas hihimatayin pa. Ang sweet kasi. Sobra!

Ngayon lang ako nakarinig ng lalaking nagtatanong kung okay lang na magkagusto s'ya sa akin.

Kaya naman, isang ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya. Gusto kong magsalita pero parang kinilig din ang dila ko dahil sa narinig ko.

Nakababa na kami sa tapat ng bahay nila. May nagbago naman sa hitsura nito. Kahit gabi na ay maliwanag talaga sa kanila.

Nagkaroon ng isana mini park sa front yard. May swing doon at slide. Bakit kaya?

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon