CHAPTER 5

13 2 0
                                    


Tahimik lang akong naglalakad at sumusunod kay Tita Suzette naiwan na ang asawa niya sa sasakyan dahil aalis na rin daw sila mayamaya.

Binuksan ni Tita ang pinto ng private room ni Kent at naabutan namin siyang natutulog. Sabi nga ni Tita, gusto na raw umuwi ni Kent dahil hindi daw nito gusto na ibang tao ang magbabantay sa kaniya, pero siya na lang daw ang nagpumilit dahil hindi pa nga pwedeng umuwi sabi ng doktor.

Ipinaalala niya sa akin ang lahat na gagawin at pati na rin ang mga gamot na iinumin ni Kent. Sa akin din niya iniwan ang cash para sa gastusin ni Kent, hindi daw kasi maaasahan si Kent pagdating sa pera. Ibinigay na rin niya ang kalahati sa sweldo ko sa pagtuturo ko kay Kent, ayaw ko pa ngang tanggapin 'yon dahil mukhang malaking amount iyon pero pinilit niya ako. Wala na rin naman akong nagawa kundi tanggapin 'yon.

Hindi na rin naman ginising ni Tita si Kent dahil mahimbing na ang tulog niya. Nakapag paalam naman na daw siya dito kanina. Matapos lumabas ni Tita ay inayos ko na ang gamit ko saka umupo sa isang sofa bed na nakalagay malapit sa dingding ng kwarto.

Dahan dahan akong tumayo at nilapitan ang mahimbing na natutulog na si Kent.

Umupo ako sa upuan sa tabi ni Kent, pinagmasdan ko lang naman siya. Mahimbing siyang natutulog at para siyang matinong bata, maamo ang mukha niya at ngayon ay kitang kita ko na ang paglantik ng pilik-mata niya. Napaka gwapo niya. Para siyang .....hindi ko naituloy ang iniisip ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng kama niya. Nagulat naman ako kaya halos napatayo ako sa aking kinauupuan.

 "Kaira...." banggit niya sa pangalan ko. Pinaglipat lipatan ko ng tingin si Kent at ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya. Tulog ba talaga siya? Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya para i-check kung natutulog ba siya o nagkukunwaring tulog lang.

Ramdam ko na ang hangin na lumalabas sa ilong niya. Hindi naman gumagalaw ang eyeballs niya, tulog ba 'to? Baka naman naisama niya ako sa panaginip niya kaya binanggit niya ang pangalan ko? Bakit naman hinawakan pa niya ang kamay ko?

Tinititigan ko pa siya ng mabuti nang bigla niyang imulat ang mata niya. Nanlaki ang mata ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Umayos na lang ako ng pwesto para hindi niya mahalata na nakatingin ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya na para bang hindi rin niya alam ang ginagawa niya. 

"Ahhh---ahh, tinitingnan ko lang kung humihinga ka pa." Nang-aasar kong sagot sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya.

 "Ikaw, anong ginagawa mo?'" Tanong ko din sa kaniya at itinaas ko pa ang kamay namin na magkadaop at ipinakita iyon sa kaniya. Agad naman niya itong binitawan na para bang may virus ako at diring diri pa.

"Ang kapal mo huh, you're taking advantage of me while I was asleep." Mariing sabi niya saka umirap.

 "Excuse me, Ginoong Assuming, baka hindi mo alam na hinawakan mo ang kamay ko kahit natutulog ka, binanggit mo pa nga ang pangalan ko." Tumatawa kong sabi. Dahan dahan naman akong naglakad pabalik sa sofa bed kung saan ko inilagay ang mga gamit ko.

 "Kent, pati ba naman sa panaginip, pinapantasya mo 'ko." Proud na proud kong sabi sa kaniya. "Kaira, manigas ka naman sa sinasabi mo." Tumagilid siya sa pagkakahiga pero nakita kong yumugyog ang balikat niya sa pagtawa. Napailing na lang ako dahil sa nakita ko. Naisip ko tuloy na parang lalo akong nahuhulog sa mga pang-aasar niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita pa, humiga na lang ako para makaaga ako ng gising bukas. Pero parang hindi ako makatulog ng maayos dito dahil parati kong sisilipin si Kent. Hindi pa man ako nakakapikit ay bigla na naman siyang nagsalita, "Pinapatay mo kaya ako sa panaginip ko."

 Napakunot na naman ang noo ko. Ano ba naman ang mga sinasabi niya. My Goooooooshhhhh! Hindi na ulit ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya sa kadadaldal. Nagtabon pa ako ng unan sa tenga ko dahil naiingayan na ako sa kaniya. Kahit sa school, napakadaldal niya. Ang dami niyang sinasabi pero wala akong intensyong makinig sa kaniya. Wala nga akong pakealam pero naririnig ko pa rin ang mga sinasabi niya. Ultimong mga babae daw na nagkakandarapa sa kaniya ay sinasabi niya sa aki. Ewan ko ba sa kaniya, ang alam ko lang kasi ay hindi kami close para sabihin niya sa akin 'yon. Pero okay na din dahil at least may alam ako kahit konti tungkol sa crush ko.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa matapos ang walang humpay niyang kadadaldal. Tahimik na siya at pakiwari ko'y natutulog na. "Gising ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya pero hindi pa rin ako bumabangon. Binuksan ko ang cell phone ko at nakitang mag a-alas-dose na ng gabi. Bumangon ako at nilapitan siya. Inayos ko ang kumot sa katawan niya at mahimbing na nga siyang natutulog. Napagod na rin siguro siya mag kwento ng kung anu-ano sa akin kahit alam naman niyang hindi ako nakikinig. Matapos kong ayusin ang pagkakakumot sa kaniya, hinaplos ko pa ang mukha niya saka pabulong na sinabi ang salitang "Thank you". Alam ko naman kasi na ako ang dahil kung bakit siya narito sa hospital. I tried to save him but it turns to the fact that he saved me. Malay ko bang mangyayari 'yon? Bumalik agad ako sa higaan ko at nag decide na matulog na din dahil maaga pa akong papasok bukas.

-------

"Good morning Kent!" naalimpungatan ako sa boses na 'yon. Nakakainis na rin dahil napaka arte naman ng pagbati niya kay Kent. Antok na antok pa man ako ay naisipan kong bumangon dahil sa babaeng ito. Mahaba at straight ang buhok nito, maputi, makinis ang kutis. Siya siguro si Maxine. Style crop top ang suot nitong polo shirt at naka denim shorts lang. May dala siyang paper bag at ibinaba niya ito sa table sa tabi ng kama ni Kent. Mukhang hindi nga niya ako nakita dahil di manlang ako pinansin. Childhood friend lang naman siya ni Kent pero parang sobrang dikit naman niya kay Kent. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Mukhang masaya din naman si Kent sa kaharutan nitong Maxine.

He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon