Ang cute lang ng bagong itsura ng front yard nila. Parang playground ng mga kids. Gusto ko sanang tanungin si Josh pero pinili ko na lang na manahimik.
Sa pinto pa lang ay sinalubong na kami ng mga maids nila. Nginitian ko na lang sila sa pagbati nila sa amin ni Josh. Pag pasok ko sa loob ay agaw pansin agad ang isang photo portrait ng isang baby boy na napapaligiran ng mga teddy bears. Si Josh ba 'yon? Ang cute naman. No wonder kung bakit nga ang pogi n'ya ngayong binata na s'ya.
And speaking of binata, binata na Kent para i-tutor ko pa. I quit my job.
Kung gusto n'ya magpa-tutor, kay Maxine na lang, tutal madaldal naman s'ya.Si Maxine na lang ang agawin n'yang tutor, tutal madaldal naman 'yon.
"Have a seat, Kaira. Tatawagin ko lang si Papa."
I did what he said. I was left in silence. Mayaman nga talaga sila. Inilibot ko muli ang mga mata ko. Nagawi ko ng tingin ang isang picture frame na may nakangiting babae, s'ya siguro 'yong Mama ni Josh.
"Ma'am ano pong gusto ninyong kainin?" Nagulat na lang ako sa biglang sumulpot na katulong nila. Medyo may katandaan na ang itsura niya, mga around 50s siguro, baka s'ya 'yong Mayordoma?
"Naku! 'Wag na po kayong mag-abala, hindi naman po ako magtatagal dito e."
Tumango na lang 'yong Mayordoma saka umalis din. Nakita ko namang pababa na ng hagdan si Josh kasama si Gov. Cobarrubias kaya naman agad akong tumayo sa kinauupuan ko para magbigay galang sa kaniya.
"Good evening po Gov...." bati ko sa kaniya.
Halata namang natuwa s'ya na nandito ako dahil imbes na abutin niya ang kamay kong nakalahad ay bigla na lang siyang nakipag beso sa akin.Huh? Close ba tayo Gov.?
Sa pagkagulat ko sa nangyari ay napatingin na lang ako kay Josh, wala naman s'yang ibang reaksyon kundi ang ngumisi.
"What brings you here Ms. Kaira Jane Santiago?" buong pangalan ko pa talaga ang binangit ni Gov. ah.
"Sorry for coming here Mr. Cobarrubias, I want to apologize about what happened to your son's face." Sincere na sabi ko naman.
Nakangiti lang naman si Gov. at wala ng ibang naging reaksyon pa.
"You know Hija, nyayon lang nagkabangas ang mukha ng anak ko..." sabi ni Gov.
Hindi ko tuloy alam kung galit s'ya o hindi. Gusto ko nang mapaihi dito sa pweseto ko dahil sa takot.
"But it's good for him, para naman may remembrance s'ya." Saka siya tumawa habang tinatapik ang balikat ng anak.
Napilitan na rin lang akong tumawa.
"Anyway, nasabi na ba sa'yo ng Papa mo na nakapagpatayo na ako ng library doon?" Alam kong 'yong Orphanage ang tinutukoy n'ya kaya naman mabilis akong tumango.
"Good. So Josh, mag-uusap tayo mamaya."
Tumango naman si Josh. Matapos noon ay umalis na si Gov at bumalik sa opisina niya.
Inihatid pa ako ni Josh hanggang makarating ako sa tapat ng van namin.
"Thank you for the ride." Sabi ni Josh. Sh***t! Ang gwapo talaga nya kapag ngumingiti. Para s'yang si Malik ng One Direction.
"Wala 'yon 'no and besides you helped me naman." Tumango na lang s'ya ulit at sumaludo saka ako pumasok sa loob ng sasakyan.
--------
Kakatapos ko lang mag-review. Wala namang quiz or exams for tommorow pero just in case na magkaroon ng recitation. Mabuti na ang handa kesa hindi.
Just like what Atom said "Ligtas ang may alam".
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama mula sa pagkakaupo. I sighed looking at the ceiling. Totoo ba na hindi ko na gusto si Kent? Or pinapaniwala ko lang ang sarili ko dahil nasaktan lang ako sa sinabi n'ya at ni Maxine. Hmmp!
Siguro hindi na nga, kung gaano kabilis ang pagkagusto ko sa kaniya, ganoon din kabilis na nawala 'yon. Siguro, admiration na lang dahil sa mga good deeds n'ya.
Ipinikit ko na ang mata ko at iwinaksi ang isiping 'yon. Hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
------
Maaga akong nagising today. Maaga rin naman ang klase namin. Mabuti na lang wash day ngayon kay I can wear anything na okay sa aura ko today.
Binuksan ko ang isang kahoy na aparador ng kwarto ko. Ipinagawa pa 'to ni Papa sa probinsya nila kaya mukhang makaluma ito. Ito lang ang bukod-tanging gamit sa loob ng kwarto ko. Ito lang kasi ang kulay brown, halos lahat kasi ay dilaw dahil nga SpongeBob SquarePants ang motif ng kwarto ko.
Nahagip ng tingin ko ang isang Lettuce Crop Top at isang Bell Button Skirt. Ito na lang siguro ang isusuot ko. Bagay naman ang dalawa. Pastel pink ang kulay ng top ko at denim naman itong skirt ko, ternohan ko na rin ng low cut white shoes ko. Perfect! Simpleng pormahan lang this day.
"Nagprepare ako ng meryenda, ibigay mo kay Kent itong isang tupperware." Sabi ni Mama na iniabot sa akin ang lunch box ko.
Napasimangot tuloy ako. Nahalata siguro ni Mama 'yon. "May problema ba kayo ni Kent? You can quit na sa job mo anak." See? Noong kailan lang sobrang pilit nya sa akin, then now.....
"I already quit 'Ma." Naisagot ko na lang saka mapait na ngumiti sa hangin. "Anyway, una na po ako." Saka ko siya hinagkan sa pisngi niya at nag madaling lumabas ng bahay.
Ready na rin si Kuya Arnel para ihatid ako sa school. Mabuti na lang kasi, hindi na ako sinundo ni Kent kaya maganda ang mood ko ngayon.
It took few minutes bago ako makarating sa school. I checked my cell phone, naghihintay kasi ako kung may mga messages na sa GC, regarding sa mga activities namin. Luckily, hindi sabay sabay ang deadline.
Active naman 'yong mga kaklase ko pero wala pang balita. Wala pa siguro silang napag-usapan about sa mga activities na 'yon.
Naglalakad na ako ngayon sa passage papunta sa first subject ko. Hindi ko kasabay si Jade. Hindi ko nga alam kung andito na s'ya o wala pa e.
Napatigil na lang ako nang biglang may isang taong humarang sa harap ko.
Nag-angat ako ng tingin. HAYST! Si Kent lang pala.
"What?!" Sarkastiko kong tanong sa kaniya saka ako nag-iwas ng tingin.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya na nakapagpatahimik sa akin. S'ya iniiwasan ko?
"Hello? Oo. Bakit ba? Umalis ka nga nga dyan." Bahagya ko pa s'yang tinulak patagilid. Ang harsh ko ba? Hindi Naman siguro. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na naka get over na ako sa crush ko sa kanya 'no.
"Is it because of Josh?" Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Paano Naman napasok si Josh sa usapang ito?
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...