chapter 7- Marriage?!

7.9K 85 15
                                    

Chapter 7

Marriage?!



Papa calling...



Omo! Bakit napatawag si Papa? Ano nanaman kaya ipapagawa neto... -___-

"Hoy mga babae! Tumatawag si papa." sabi ko kila Suzy and Chris. Nasa mall kasi kami. Alam nyo na... girls thing! Ang gumala at bumili bili...

"So? Edi sagutin mo." sabi ni Christine habang pumipili ng damit. Kotongan kita dyan ehh!

Sinagot ko yung tawag...

"Yoeboseyo?" 

[Nasa Pilipinas tayo anak, speak in tagalog!] 

"Arasso! Take two tayo pa... ehem! ehem!"

"Hello?" teka, diba english yun? Pano ba pag tagalog? Kamusta? Eeeee... di bagay!

[English yun ahh. Ehh hayaan mo na nga!]

"Hahahahha! Parehas tayo Pa ng naisip!"

[Nasaan ka nanaman ba ha?]

"Nasa mall kami nila Suzy."

[Umuwi ka na at may ipapakilala kami sayo ng mama mo.]

"Ehhhh! Hayaan nyo sya mag-hintay dyan."

[Ano ka ba namang bata ka! Masamang pag-hintayin ang bisita!]

"Eh pakeelam ko sa bwisita na yan.."

[Basta umuwi ka na!]

"Fine. Uuwi na po"

[Pag wala ka pa in 5 minutes babawasan ko yang allowance mo]

"Pa! Wag masyadong OA ahh. Nasa mall po ako at 30 minutes pa ang byahe pauwi. Sa tingin mo pano ako uuwi dyan in 5 minutes? May jet ka bang ipapadala? Cool ka lang pa, masyado kang hot eh!"

[Naku kang bata ka. Masyado ka ng maraming nalalaman. tsk tsk tsk]

"Uuwi na po ako! Sabihin nyo dyan sa bwisita na yan, hinga muna sya! Sige Bye" at binabaan na ako ni papa ng phone. Diba dapat ako unang mag-hung up? Si papa talaga...

"Oy! Uuwi na ako." sabi ko sa 2 babae kong kasama

"Bakit naman?" -Suzy

"Ewan. May bisita daw ehh."

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon