chapter 70 -Help me

5.1K 48 16
                                    

Chapter 70

Help me

Carrie's pov

"Oy narinig mo yun? Pwede ka na daw lumabas ng hospital bukas!" sabi ni Aria sakin.

"Oo. Di ako bingi" sagot ko.

"Hindi ka nga bingi. Baliw lang!" sabi naman ni Chris.

"O sige, pag-isahan niyo ako" sabi ko sa kanila.

"Tama na yan. Mag-aaway pa ehh. Ikaw kasi Carrie ehh.. ano nalang sasabihin nila tita niyan" -Suzy.

"Hala! Wag niyo ng sabihin please? Baka mag-alala sila ehh" paki-usap ko.

"Gaga! Wala na. Pauwi na daw sila mamaya. Anog gusto mo kami ang mapagalitan?" -Chris.

"Haissst. Thank you sa inyo ahhh. Love na love ko talaga kayo" sabi ko sa kanila.

"Subukan mong magpakamatay ulit, tawagan mo lang ako. Ako na papatay sayo mismo para sure na deads ka na!" -Aria.

"Opo.."

-----

"Omo! Carrie baby. Gwaenchanayo?" sila mama naka-uwi na! ^0^

"Gwaenchana..." sagot ko.

"Ano bang nangyari? Nagtangka ka daw magpakamatay?" tanong ni papa. Nanlaki naman ang mga mata ko at napa-tingin sa tatlong bruha. Agad naman silang nagsi-iwas ng mga tingin. Mga bruha talaga! Kung anu-anong pinag-sasabi >_<

"Hindi po! Naaksidente lang ako. May lokaret lang yang mga yan" sabi ko.

"Pero sabi mo, nagtangka kang magpakamatay nung una..." -Chris. Nag-glare naman ako sa kanya.

"Sabi ko nga joke lang. Mga lokaret lang talaga kami" bawi ni Chris sa sinabi niya.

"Haissst. Baby naman, nag-alala kami ng papa mo sayo. Dapat tinawagan niyo kami agad. Nawalan ka pa daw ng dugo..." -mama.

"Ayos na po ako. Pwede na nga daw lumabas bukas ehh. Mama, papa.. sorry napa-aga yung uwi niyo sakin"

"That's okay. Ayos na ang company natin at wala ng dapat alalahanin." sabi ni papa.

"Buti naman. Akala ko mag-hihirap na tayo ehh. Hahaha" pabirong sabi ko.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon