chapter 90- Marry me

5.6K 67 30
                                    

Chapter 90

Marry me

Carrie's pov

After 5 years...

It's been five years.

Nag-graduate na kami sa college... may mga work na din.

Gusto niyo malaman nangyari samin for the past five years?

Hahaha. Wag na!

De, joke lang XD

Ayun, same university kami sa college.

Si Liezhel nakahanap ng sariling barkada. We're friends pero not that super duper close gaya nila Suzy.

Si Lindsay. Haha! Biruin niyo nakasama ko parin yun pati sa college life ko? Ganun pa din yung palakang yan. We're not enemies anymore but we're not friends too. DEFINETELY NOT! Pag nagkakasalubong ko yan sa school tinatarayan lang ako nun. What do you expect? Di na tuloy ako maniniwala na kapag ang kontrabida ay may pag-asang bumait kasi tingnan niyo naman si Lindsay. Walang pagbabago sa ugali, Ni hindi ko nga narinig yung sorry niyan >_

Si Gino, ewan ko sa lalaking yun! Nasa US pa din siya. Minsan nagbabakasyon dito. Niloloko nga ako nun na di pa daw siya nakaka-move on edi sinapak ko! Pero balita ko may girlfriend na yun ngayon, sabi ni Gino pag uuwi daw siya ulit ipapakilala na niya yung girlfriend niya samin. Sana seryoso siya kay Gino kung hindi gegerahin ko yung babaeng yun. Tama nang kaming dalawa ni Liezhel ang bumasted sa kanya.

Si Tristan at Suzy. Sila pa din! Wala namang nagkahiwalayan saming barkada ehh. Si Tristan na ang humahawak sa company nila. Si Suzy may sarili ng clothing line. O diba sosyal? Fashion design ang course ng bruhang yun ehh. Pero may mas bonggang balita pa sa kanila. Mamaya ko sasabihin. Wahahaha XD

Sila Chris at Adrian naman... ganun padin yang mga yan! Di masyadong nagseseryoso kaso pag nag-selos grabe grabehan. Hahaha. Sa university kasi matinik pa din sa babae si Adrian kaya naman nag-selos si Chris kahit deny ng deny halata namang nagseselos kaya ayun, yung mga manliligaw niya kinakausap na din niya. Gantihan lang daw. Wahahaha. Si Adrian ang may hawak ng bar nila tapos si Chris nagtayo ng cafe.

Eto naman. Sila Nathan at Aria. Alam kong hinihintay niyo kung sinagot na ba ni Aria si Nathan. Wahahah, di naging sila! De joke lang. Tsaka lang sinagot ni Aria si Nathan nung college. Almost one year and a half din nangligaw si Nathan. Oh diba ang tibay? Pano kasi... parang walang kaalam alam sa panliligaw ehh choosy pa naman si Aria. Hahaha. Pero sila na ngayon. Atleast strong na ang relationship nila. Mga loyal yan ehh, sinasapak yung taong lumalapit sa shuta nila hahaha. Si Nathan siya na din humahawak sa business nila same as Aria na tumutulong din sa company nila. Nagrereklamo pa nga yung babaeng yun at nakakapagod daw sa opisina at ang daming pinapagawa. Hahahah XD

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon