chapter 45- The choice

5.6K 47 16
                                    

Chapter 45

The choice




Carrie's pov




"Asan si Tristan?" tanong ni Colin. Andito kasi kami sa practice room nila. Kumpleto ang lahat pero wala pa si Tristan. Mukha tuloy ewan di Suzy, baka nami-miss? XD

"Aba malay. Nasabi niyang umuwi na si prinsesa ehh" sagot ni Nathan. Napansin ko namang nanlaki yung mga mata ni Suzy. Okay? Anyayare?

"Prinsesa? Sino yun?" tanong ni Colin na naka-poker face. Paiba-iba talaga siya ng mood. Wahahaha.

"Si Gizelle. Nakalimutan mo na ba pare?" sabi ulit ni Nathan.

"Teka si Gizelle naka-uwi na? Ibig sabihin...." sabi ni Nathan tapos napatingin naman silang tatlong lalaki kay Suzy.

"Teka nga! Ano bang meron? Tinatakot niyo si Suzy ehh >3<" sabi ko sa kanila. Umayos na sila ulit ng upo.

"Mukhang delikado ngayon si Tristan" narinig kong sabi ni Colin. Bakit naman kaya? Sino ba yung Gizelle?

"Oy sino si Gizelle?" bulong ko kay Suzy.

"H-hah? Ahh ehh... malay ko" nauutal niyang sabi.

"Uuwi na ako!" biglang sabi ni Suzy. Kasabay ng pagtayo niya ang pag-bukas ng pinto.

"Uuwi ka na Suzy? Eh andyan na yung na si Tristan babes wahahaha" pang-aasar ni Chris. Agad namang umupo ulit si Suzy. Hahaha parang adik lang XD

"OPPA!" bigla namang may sumulpot na babae at sumakay sa likod ni Tristan.

"GIZELLE?! BAKIT KA SUMUSNOD SAKIN?!" nagulat kami sa pag-taas ng tono ni Tristan dun sa girl.

"Pre kalma lang." sabi ni Adrian.

"ADRIAN OPPA!!!!!" ang sakit naman sa eardrums! Grabe maka-tili >.<

"SUZY UNNIE YOU'RE HERE TOO!!!" 

O_____________O

Lahat kami napatingin kay Suzy.

"Kilala mo si Gizelle?" di makapaniwalang tanong ni Nathan. So siya pala si Gizelle na bukam-bibig nila kanina.

"Yep! She's my friend ^___^" sagot ni Gizelle.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon