chapter 11- Snowy

7.4K 78 15
                                    

Chapter 11

Snowy




"Hoy! May lakad ka ba ngayon?" tanong ko kay Colin nung bumalik sya sa bahay.

"Wala bakit?"

"Okay. Alagaan mo muna dyan si Snowy. Aalis lang ako. Pakainin mo din sya ahh." di ko na hinintay yung sagot ni Colin at dire-diretso na akong lumabas ng bahay. May gala kami ngayon nila Suzy. Ganito talaga kami, mahilig sa galaan. Kami na ang lakwatsera! xD

Colin's pov



What the?! Ano bang problema nung babaeng yun? Lagi nalang gumagala. Tsk! Sakin nanaman nya iniwan 'tong alaga nya. Ano ulit pangalan neto? Snowy? Psh....

Pumasok nalang ako sa kwarto ko para tapusin tong kino-compose kong bagong kanta. Kinuha ko yung gitara ko at nag-start mag strum.

Ugh I miss her! I really miss her so bad! Hindi si Carrie yung iniisip ko ahh. Si Liezhel... Lampas isang taon narin nung naghiwalay kami but I still can't move on. Pumunta pa akong korea para makalimutan sya bakit di ko magawa? Bakit Liezhel? Why?

---

"Arf arf arf! Arf arf arf!" ano bayang ingay na yan? Potek kang aso ka, tahol ng tahol. Nakatulog pala ako.

"Will you shut up?!" sinigawan ko na yung Snowy na yun. Nakakabanas na ehh. Napapanaginipan ko pa naman si Liezhel tapos magigising lang ako sa pesteng asong to.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta ng kusina para kumuha ng beer in can sa ref.

"Arf arf!"

"Shut up!" sabi ko at tumahimik naman sya. Masunurin naman pala ito ehh.

"Sit." at sinunod naman ako ni Snowy.

"Good dog." binuhat ko si Snowy at hinimas himas sya. Hindi ako mahilig sa pets pero napapalapit narin ako dito. Cute nga sya ehh. 

"Hungry?"

"Arf arf!" gutom nga siguro to. Sabi ni Carrie pakainin ko daw ehh. 6:40 pm na wala pa yung babaeng yun. Tsk, san ba yun pumupunta at laging ginagabi? Psh.. as if I care. -__-

Kumuha ako ng dog food sa cabinet at pinakain sya. Dinamihan ko narin yung lagay para di na sya magutom ulit mamaya.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon