chapter 81- He's gone

5.1K 48 17
                                    

Chapter 81

He's gone

Carrie's pov

Buong ride tahimik lang kaming dalawa.

Ang awkward naman kasi ehh.

Pero akala ko ihahatid na niya ako sa bahay kaso ibang bahay ang pinuntahan namin.

Pamilyar to ahh.

Pumasok siya sa loob kaya sumunod nalang ako.

"Teka. Bahay niyo to ahhh. Bakit tayo nandito?" tanong ko ng marealize ko na bahay nga nila to.

"Manang nasan sila mama?" tanong ni Colin dun sa katulong nila.

"Ah, pinapasabi po nila na bukas pa daw sila makakauwi" -manang.

Nanlaki naman ang mga mata ko nun.

Wala sila tita..

Ibig sabihin kami lang ni Colin dito?

*DING DONG! DING DONG! DING DONG! DING DONG!*

Sino ba yun? Maka-doorbell wagas wagasan.

"Manang buksan mo nga. Baka si Lorraine na naman yan" utos ni Colin.

"HELLOOO! OMO! CARRIE NANDITO KA?!" kung pwede ng mabasag ang eardrums ko, kanina pa nabasag. (_ _ )

"Obvious ba?" -Colin.

"Hmp sungit!" -Lorraine.

"Bakit nandito ka na naman?" naiiritang tanong ni Colin.

"Walang magawa ehh! Di pa ko kumakain. Luto ka nga! Chika-chika muna kami dito" at tinulak niya dun si Colin sa kusina.

Nakakatuwa naman. Para silang magkapatid. Sabagay, pinsan naman ehh.

Hinila naman niya ako paupo sa sofa.

"Kyaaaahhhh! Nagkabalikan na kayo?" kinikilig na tanong niya.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon