chapter 66- No more marriage

5K 44 17
                                    

Chapter 66

No more marriage

Carrie's pov

Nandito naulit kami sa mga bahay namin. Monday ngayon pero hindi muna ako pumasok.

Nag-isip isip lang ako kung itutuloy ko talaga....

Pero bahala na!

Lumabas ako ng kwarto ko, sakto nandito sila papa.

"Mama.. papa, pwede ko ba kayong maka-usap?" tanong ko.

"Oh sure baby ano ba yun?" tanong ni mama.

"Pero, pwede po bang papuntahin niyo din dito sila tita. Parents ni Colin. MAy importante po akong sasabihin." matamlay na sabi ko.

"Ahh okay, tatawagin nalang namin sila. Tungkol saan ba yan?" tanong ni papa.

"Mamaya ko nalang po sasabihin. Sige, po salamat" at bumalik na ako sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at sumandal sa headboard ng bed.

Napatingin ako sa wrist ko...

Hinawakan ko yung bracelet...

Bracelet na gawa ni Colin.

"Sabi mo habang suot ko to, sa akin ka lang. Bakit pakiramdam ko hindi naman? Kay Liezhel ka na... at sa gagawin ko mamaya. Tuluyan ka ng mawawala sakin. Bakit mo to ginawa Colin? Bakit ka nagsinungaling? Alam mo bang sobrang nasasaktan ako?" sabi ko dun sa bracelet.

After ilang minutes... sabi nila mama na papunta na sila tito dito.

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Colin.

[..........]

Sinagot niya yung tawag kaso hindi siya nagsasalita. Pero alam ko, nakikinig siya. Naririnig ko ang pag-hinga niya.

"Alam ko nakikinig ka. May isa lang akong hihilingin. Please... last na to. Pumunta ka dito sa bahay. Isama mo na din si Liezhel. Yun lang bye" at in-end ko na ang call.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon