chapter 8- Pinky promise

7.9K 92 10
                                    

Chapter 8

Pinky promise





GOOD MORNING!

Nagsimula na akong maligo at magbihis. Bumaba narin ako para kumain ng breakfast.

"Oh Carrie, umupo ka na dyan at kumain." sabi ni mama pagdating ko sa kusina.

"GOOD------morning..." biglang nawala ang ngiti ko ng makita si Colin na nakaupo na sa mesa. Nga pala, dito na sya nakatira. Kainis!

Kumain nalang ako ng tahimik habang sila mama at papa, ayun kwentuhan to the max!

"Tapos na po ako kumain." sabi ko sa kanila at tumayo na ako.

"Oh san ka pupunta?' tanong ni papa.

"Papasok na po."

"Sabay na kayo netong si Colin." sabi naman ni mama.

"What?!" sabay naming sabi ni Colin na papaalis na din.

"Sige na... dapat magsimula na kayong maging close sa isa't-isa." at tinulak kaming dalawa nila papa papalabas ng bahay hanggang sa tapat ng sasakyan ni Colin.

"Oh sige. Ingat sa pagda-drive Colin ahh. Ingatan mo tong wife mo. Ayieee!" si mama talaga pa-bagets ehh. >_<

Pumasok na sila papa at mama sa loob at naiwan kaming dalawa ni Colin sa tapat ng sasakyan nya. Ayoko ngang makasabay yan! Maglalakad nalang ako...

"Hoy san ka pupunta?" napahinto ako sa paglalakd.

"Maglalakad! Ayokong makisabay sayo!" sabi ko sa kanya.

"Well, bahala ka. Malayo din yung school kung lalakarin mo." at pumasok na sya sa car nya. Oo nga no.. malayo pag lalakarin. Sayang din ang pamasahe.

Kinatok ko ang glass window ng sasakyan at binababa naman nya to.

"Oh bakit?" -Colin

"Nagbago isip ko. Sayang pamasahe." sabay hawak sa pinto at bubuksan ko na sana ng....

"Hep! Sinabi ko bang sumakay ka. Akala ko ba ayaw mo ko makasabay. See you at school!" at nagsmirk sya tapos pinaandar na nya yung sasakyan. Iniwan nya akong nakanga-nga dun.

"AISH! What the hell! You freak. Mabangga ka sana!" I cursed him. Grabe, ang sama nya talaga. HMP!!!!

----------

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon