chapter 86- Graduation

4.8K 37 27
                                    

Chapter 86

Graduation

Gino's pov


Whooo! Ilang araw din akong nag-pigil ahh...

Nakakabaliw pala. Miss ko na si Carrie.

Actually niyan, sa bahay lang ako nagkukulong ehh.

Nung pumupunta si Carrie sa bahay, nagtatago lang ako. Nakasarado naman yung bahay kaya mukhang walang tao sa loob. Para tuloy akong teroristang nagtatago.

Sabado naman at napagtripan ko pumunta sa bahay ni Lindsay.

Peste! Ang tagal nung babaeng yun ahh. Kanina pa akong isang oras naghihintay sa salla nila.

Wala yung dad niya, maid lang yung nandito at ang tagal nung Lindsay na yun. Kakausapin ko lang naman =.=

Makakatulog na ako dito wala pa din..

"Why are you here?" buti naman lumabas na to =.=

"Bat ang tagal mo?!" -ako.

"You know... some girly stuffs" -Lindsay.

"Tss. Nakapag-desisyon na ako" -ako.

"Haha. Not again Gino..." sabay smirk.

"Totoo na talaga to. Seryoso ako" 

"As if you can" sabi niya sabay inom ng juice.

"Alam kong ikaw ang nag-dala kay Carrie sa hospital" bigla siyang napatingin sakin sa sinabi ko.

"You know?" di makapaniwalang tanong niya.

"Kwinento samin ni Carrie. Tinulungan ka niya Lindsay pero ginagawa mo parin to? You're so evil!" 

"Yeah right I'm so evil. Who cares?!" and she rolled her eyes.

"Itigil mo na to kung ayaw mo pang pati ang dad at kapatid mo ay madadamay sa gulo na to." bigla naman siyang napatayo.

"No! Not my dad!"

"Pero alam mo naman siguro na pinakiusapan mo ang dad mo para nakawin ang shares ng kompanya nila Carrie." alam ko yan. Siyempre, habang nagtatago ako nageembistiga din ako kung ano ang kahinaan ni Lindsay. Di naman pwedeng sasabak sa giyera kung wala kang alas diba?

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon