chapter 77- You came

5K 51 37
                                    

Chapter 77

You came

Carrie's pov




(a/n: Play niyo yung music sa side kasi wala lang. Wahahaha XD)

After nung madramang usapan namin ni Liezhel.

Hinatid na ako ni Gino nun.

At eto na naman... papasok na naman >_<

Wala kaming klase pero may pasok. Ang gulo noh?

May general meeting kasi yung mga teachers para dun sa graduation kaya eto.. pagala-gala nalang sa campus.

Tinext ko sila Suzy kung nasan sila at nasa school ground daw kaya pumunta naman ako dun.

Nandun nga sila! Naka-upo dun sa may damo.

"Uy!" -ako.

Tiiningnan lang nila akong dalawa na parang kinakaawaan nila ako.

"Anong drama yan?" at umupo na din ako sa tabi nila.

"Carrie..." sabi ni Suzy na unti nalang ehh iiyak na.

"Hala teka? Anong nangyari sa inyo?" -ako

"Alam na namin ang lahat. Sinabi samin nila Dian, di totoong---- dgvfszhbszfyhzb tggfv" biglang tinakpan ni Suzy yung bibig ni Chris. Anong meron?

"Teka ano ba kasing meron?!" naguguluhan na ako sa dalawang to >.<

"Ahh wala! Hahaha. Nagda-drama lang kami. Ayos ba? He-he-he" sabi ni Suzy na naka-hawak pa din sa bibig ni Chris.

"Tss. Ewan ko sa inyong dalawa. Alam niyo, kung di lang kayo maganda at kaibigan ko... matagal ko ng iisipin na takas mental kayo" sabi ko sa kanila.

"Nag-salita ang pinaka-normal sating tatlo!" sabi ni Chris na pinilit pa makawala sa hawak ni Suzy >.<

After ng chika-chika ehh kumain na din kami.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon