chapter 88- Teardrops in the rain

5.2K 60 34
                                    

Chapter 88

Teardrops in the rain

Carrie's pov

Hinatid na ako ni Gino sa bahay. Ang tahimik naming dalawa.

Ayoko pang bumaba sa sasakyan kasi feeling ko may gustong sabihin si Gino ehh.

Kung ayaw niya mag-salita! Ako nalang...

"Gino..."

"May sinabi sakin sila Lindsay kanina" sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.

"S-sinabi na niya?" -siya. Napatingin na ako sa kanya.

"Alam mo?" -ako. Di naman siya sumagot.

"Naguguluhan ako sa sinabi niya" -ako.

"Ano bang sinabi niya sayo?" -siya.

"Na siya may gawa kung bakit kami nagkahiwalay ni Colin. Sabi pa niya nagawa niya ding manipulahin yung buhay namin pati kayo ni Liezhel. Gusto nga niya ako makipag-balikan na kay Colin ehh... Naguguluhan ako" kwento ko.

"Totoo lahat ng sinabi ni Lindsay" -siya.

"Huh?"

Bigla siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas na din ako.

"I guess... kailangan na kitang ibalik kay Colin" seryosong sabi niya sabay hawak sa kamy ko.

"Ano bang sinasabi mo? Di ko kayo maintindihan" 

"Sorry Carrie. Sorry kung nahirpan ka pa.Sorry kung naguguluhan ka ngayon. Kung di dahil sakin di mangyayari to" sinabi niya na puno ng emosyon sa mga mata niya.

"Bakit? Ano bang ginawa mo?" tanong ko.

"Colin loves you. Mahal ka niya. Mas mahal ka niya kesa sa pagmamahal ko sayo. You don't deserve someone like me" at nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

"Ano ba Gino! Ang gulo niyo! Bakit ka umiiyak?" sabay hawak sa pisngi niya.

"Carrie I love you so much"

"I love you too..." sagot ko. Napangiti naman siya bigla.

"I'm happy. Sobrang saya ko ngayon Carrie kahit alam kong mawawala ka na sakin. Kasi narinig ko ng sinabihan mo kong mahal mo ko. Kahit papaano pala, may nangyari din sa pagiging selfish ko. Pwede bang sabihin mo ulit yun?"

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon