chapter 53- She's back

5.3K 43 16
                                    

Chapter 53

She's back





Carrie's pov





"Honey..." kinakausap na ba ako neto? Kaming dalawa nalang kasi ang tahimik ehh.

"Hmmm?"

"Sorry" bakit naman to nagso-sorry?

"Saan?"

"Kapahapon."

"Ahhh. Hindi k---" sasabihin ko na sana na nakausap ko na si Gino at hindi na ako lalapit ulit dun kaso pinutol niya agad ako.

"Okay na. Pwede ka ng makipag-kaibigan dun, basta kaibigan lang ahhh" ano bang sinasabi neto =______=

"Huh? Ang gulo mo naman. Kahapon galit na galit ka at ayaw mo kong lumapit dun tapos anong pinagsasabi mo ngayon?"

"Basta! Pero hindi porket kaibigan na kayo ehh lagi kayong magkikita. Ako parin ang fiance mo" tapos nakita ko siyang nag-blush. Teka, kaya ba to nagalit kahapon kasi....

"Nag-seselos ka ba?" lalo naman siyang nag-blush. Huli na! Wahahaha XD

"Yieeeeeeeee! Selos pala ang honey ko ehhh. Se---AHHH" bigla ba naman akong sinubuan ng pwersahan?

"Ang cute cute talaga ng honey ko" tapos pinisil niya yung cheeks ko >///<

Bigla namang nag 'AYYYYYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEE' yung mga tao sa canteen. Ay naku! Kinikilig ako XD

"Nakaka-kilig naman kayo" biglang nagsalita si Aria.

"Inggit ka sadistang panget?" -Nathan. Ayan na naman. Magsisimula na naman sila mag-bangayan (_ _")

"Che! Inggit ako kay Carrie kasi ang pogi ng jowa niya" jowa? Hahaha, astig tawag niya sa boyfriend XD

"Sus! Mas gwapo naman ako" ay nagseselos ba si Nathan XD

"Saan banda? Sa pwet mo? Wag ka nga! Olats ka naman dito kay Colin ehhh" ang astig talaga ng mga terms na sinasabi ni Aria XD

"Ano bang pinag-sasabi mo? Pinanganak ka ba sa kalsada?"

"Inggit ka lang. Wag mo nga akong kausapin, mukha kang unggoy!"

"Kanina ka pang panget ka ahh. Gusto mong mabugbog?" yan na naman si Nathan. Ay nasabi ko na bang new look na siya ngayong new year? Hindi na kasi siya long hair tulad dati, pero may pagka-haba parin yung hair niya kaso hindi na tulad ng dati.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon