chapter 89- Happy ending?

5.5K 63 18
                                    

Chapter 89

Happy ending?

Carrie's pov

Nagising naman ako sa sikat ng araw.

Ack! Ang higpit ng yakap ng isang to! >_<

"Huy! Bitaw. Mapipisat na ako" sabay pindot pindot sa pisngi niya. Nakita ko naman siyang ngumiti.

"Gising ka na eh! Bangon na"

"Di pa ako gising ^_^"

"Weh! Di daw gising pero nag-sasalita. Dali na kailangan ko ng mag-banyo!" at pinakawalan na nga niya ako sa yakap niya.

Pumunta ako sa cr ko.

Pagka-hatid niya sakin kaninang umaga.. kasi madaling araw na nun dito na siya pinag-stay nila mama kasi malakas ang ulan kaso ngayon maaraw na.

Ang di nga lang alam nila mama ehh sa kwarto ko nakitulog si freak. Makulit eh! Pero natulog lang kami ahh. Wala sanang green diyan XD

"Maligo ka na. May pupuntahan tayo" utos ni Colin.

"Huh? Saan?"

"Basta" tumingin naman ako sa relo... 11 am palang. Saan naman kami pupunta?

-----

Umalis na kami ng bahay. Sila mama, nang-iintriga na naman. Sabihin lang daw namin kung gusto namin i-balik ang arrangement... >///<

Pumasok kami sa isang restaurant. Baka magla-lunch kami.

Hinawakan ni Colin ang kamay ko at kinilig ako dun.

Habang namumula pa ako dito ehh nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Gino na naka-upo sa table na pupuntahan namin.

"Have a seat" -Gino. Umupo naman kami sa harap niya.

"Bakit mo kami pinapunta dito?" tanong ni Colin. So di niya din pala alam.

"Kumain muna tayo. My treat" at gaya nga ng sabi ni Gino, kumain na muna kami. Libre naman eh! XD

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon