chapter 62- Reflection room

4.9K 43 20
                                    

A'N: Dedic kay JaalchiAncuebio na isa sa mga reader ko XD

Chapter 62

Reflection room

Carrie's pov





Ack! Ang sakit ng ulo ko. 

Anong oras na ba?

6:40 palang naman ehh... Bumaba na ako ng kwarto at sakto, nandun sila papa sa dining table.

"Good morning" bati ko sa kanila at umupo na din para kumain.

"Ano bang nangyari sayo kagabi? Saan ka galing?" tanong ni papa.

"Huh? Teka.. Paano ako naka-uwi?" sa pag-kakaalam ko.. galing akong bar tapos....

Tapos....

Ack! Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala :(

"Nakita ka nalang namin baby sa labas ng bahay" sabi ni mama.

"Sa labas ng bahay? Anong ginagawa ko sa labas?"

"Tulog ka. Ano bang pumasok sa utak mo at hindi ka pumasok dito sa loob" -papa.

"Hindi ko po alam...."

"Tama na yan,... Kumain ka na at mag-ayos para pumasok" -mama.

-----

At ayun nga, pumasok na ako...

Ang mga tingin na naman nila... Haaay kailan ba sila titigil?

"Aray! Sandali lang!" bigla nalang ako kasi hinila nila Chris papasok classroom namin. Mga masyadong excited pumasok >_<

"Magkwento ka! Magkwento ka dali!!!" -Chris.

"Huh? Anong ikwe-kwento ko?" naguguluhang tanong ko.

Pinalibutan naman nila ako. Wala pang teacher.

"Wala na daw kayo ni Colin?" diretsahang sabi ni Aria. Nakita ko naman siniko ni Suzy si Aria.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon