chapter 3- Bar

8.4K 96 21
                                    

Chapter 3

Bar




"NAKITA MO NA BA SILA?" -Suzy. Sumisigaw sya kasi ang ingay dito sa bar. Ang dami kasing tao.

"SINO?" aba syempre sisigawan ko din sya.

"CN BLUE" -Suzy. Umiling naman ako. Di naman ako pumunta dito para makita yung CN Blue na yun. Napilitan lang ako dito, isa pa party party naman ehh. Ako pa! Mahilig kaya ako mag-inom dito sa mga bars. Hehehe, di ako tulad ng iba na di umiinom ng alak noh! Pero conservative ako uy! Di ako yung babaeng naglalandi pag andito sa bar. Alak lang ang hangad ko xD

"DUN NALANG MUNA TAYO UMUPO" sabay turo ni Christine sa table bandang dulo. Pumunta na kami at dun umupo.

"Buti naman at di na ganun kaingay dito." sabi ko. Medyo mahina na yung music dito ehh. Medyo bandang dulo na din kasi. Malapit kasi kami kanina sa dance floor eh andaming sumasayaw. May naghihiyawan pa -_-

"Ano Suzy nakita mo na sila?" tanong ni Christine

"Di pa nga eh. Baka wala pa naman sila?" sagot naman ni Suzy

"Siguro. Haay ano na kaya itsura ni Colin? Gwapo pa kaya yun?" -Christine

"Malamang! Baka nga lalong gumwapo. Teka, kala ko ba hanap mo si Adrian?" -Suzy

"Syempre loyal ako kay Adrian ko. Curious lang ako kay Colin ehh." sagot ni Chris. Okay, sila nalang mag-usap! Hiyang-hiya naman ako sa kanila. OP ako... di ko naman kilala yang pinag-uusapan nila.

"Ay andyan ka pa pala Carrie?" walangya 'tong si Suzy. Ano kala nya sakin invisible?

"oo nga eh. Sige usap lang kayo. Hiya naman ako sa inyo at napansin nyo pa ako dito." I said sarcastically. Di ko alam kung bakit sila ang naging kaibigan ko. Well, siguro magkakatulad lang kami na baliw xD

"Sorry naman! Hehehe. Uy baka pag nakita mo si Colin ma lab at persayt ka ahh!" sabay palo sakin ni Suzy.

"Baliw! Ni hindi ko kilala yun! Inyo na yun noh. Di ako interesado sa mga lalaki."

"Asows! Sorry pero meron na kami ni Suzy... Ay paghatian kaya natin Suz si papa Colin?" ay naisipan pa ni Chris na paghatian yung lalaking yun. -_-

"Tama tama!" nag-apiran naman sila. Eto talagang to... psh.

Oh well, habang nag-huhunting ang dalawang babaeng kasama ko dito sa kanilang mga papa. Ako naman, naka-upo lang dito habang umiinom ng alam nyo na... xD 

Yung mga suot ng dalawang bruha ang sesexy! Weeee, sabagay alangan naman mag-suot sila ng balot na balot eh nasa bar kami. Di naman ganun kahalay yung damit nila. Si Suzy naka mini dress na color black. Si Christine naman ay naka short na shorts and white sleeveless. At ang outfit ko naman ay shorts na halos di mo din mapapansin dahil natatakpan ng aking silver na tube. In short, sexy ang look namin ngayon. Mga kita legs! Hahaha xD

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon