chapter 33- Hate or love?

6.4K 61 25
                                    

A/N: Dedic kay ParkHaeSil... Oy babae! Eto nayung sinasabi ko sayong makaka-landian mo si Adrian. Bwahahaha XD

Chapter 33

Hate or love?

 

 

Someone’s pov

“Sir ayos na po yung nireserve nyong room” sabi ng isang lalaking nagtatrabaho sa bar na pagmamay-ari ng pamilya nila Adrian.

“Ahh ayos na ba? Yung flowers?” tanong ng binatang si Adrian.

“Na-deliver narin po. Ayos na po ang lahat.” Sagot naman ng lalaki.

“Oh? Thanks.” Pasasalamat ni Adrian at umalis na ang lalaki. Napahinga ng malalim si Adrian dahil sa totoo lang kinakabahan sya sa gagawin nya. Ngayon nya lang kasi eto gagawin sa isang babae at hindi nya alam kung magiging successful ito o hindi.

Biglang tumunog ang cellphone ng binata at agad nya iyong sinagot.

“Oh Ma?” sagot ni Adrian mula sa kabilang linya.

[Adrian. Umuwi ka dito dali na. Kailangan mag-usap ang buong pamilya!]  sabi ng mama nya.

“But Ma!” tutol ni Adrian dahil nga may importante pa syang gagawin.

[Adrian! Kailangan nating mag-usap usap. Mag-didivorce na kami ng lintek mong tatay!] galit na sabi ng kanyang mama.

“Tsk! Divorce? Ano nanaman yan? Nag-away na naman kayo?” naiinis na tanong ng binata. Halos araw-araw nalang kasi nag-aaway ang mga magulang nya.

“Yung bwiset mong ama! Nambabae nanaman at dito pa sa bahay nagmilagro. Umuwi ka na dito, dalian mo at baka mapatay ko tong magaling mong ama!] nang-gagalaiti na sabi ng kanyang mama. Napaka-babaero kasi ng tatay ni Adrian kaya lagging nagtatalo sila ng asawa nito. Sa ama narin nya siguro nagaya ang  pagiging babaero nito.

“Sht! Hindi ako uuwi! Bahala kayo sa buhay nyo! Argghh!” galit nag alit na binababa ng binata ang tawag at napasipa sa upuan na nasa harap nya.

Lumapit si Adrian sa bar counter at um-order ng strongest drink nila.

‘Argggggggh! Pakshet lang oh! Bwiset yung mga matandang yun. Walang ginawa kundi mag-away. Nakaka-inis na sila. Bwiset bwiset bwiset!’ nasabi ng binata sa utak nito. Pansamantalang nakalimutan nya ang plano nito dahil sa sobrang inis na nararamdaman.

Christine’s pov

Pumasok na ako sa sasakyan ko at nag-drive na papunta dun sa bar na sinabi ni Adrian. Haaaaayyyyy, sana lang totoo yung sinabi nyang yun.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon