chapter 29- Past love

6.8K 66 35
                                    

Chapter 29

Past love




"Tapos ka na ba kumain?" tanong sakin ni Colin.

"Uhmmm" tapos nag-nod ako sa kanya.

"Okay, tara na honey ^_^" at lumabas na kami dun sa resto.

Habang naglalakad na kami palayo dun sa kinainan namin, napahinto ako sa nadaanan naming kotse.

May naghahalikan kasing lalaki at babae na nakasandal sa kotse nila. At yung lalaking yun... si Ji  Hun oppa.

"Hon, umalis na tayo dito..." sabi sakin ni Colin pero hindi ko nalang sya pinansin. Bakit ganun yung feeling? Aish! Lechugas naman oh!!!!

Natigil sa paghahalikan yung dalawa at napatingin samin yung lalaki. Hala ka! Napansin yatang tinititigan ko sila <(*O*)>

Tinitigan nya ako na parang inaalala kung sino ako.

"Carrie?"

"Oppa!" tawag ko sa kanya.

"Sabi na ehh! Ikaw yung nakita ko sa loob ng resto. Haha! Long time no see!" masayang bati nya sakin.

"Yeah..." tipid na sagot ko. Langhiya bakit pa kasi tayo nag-kita?!

"Laki na ng pinag-bago mo sweetie..." tinawag nya akong sweetie. Ang endearment nya sakin dati. Bakit nya pa ako tinatawag nun? Loko talaga sya! 

"Hahaha" nag fake laugh nalang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Halos 8 months narin kaming hiwalay. Hindi ako ready sa ganito. Hindi ako ready na makita sya ulit.

"Gumanda ka ata. Hmmm... tumangkad na rin. Haha! Ang dami na talagang nag-bago sa itsura mo. Namiss tuloy kita." namiss nya ako? Anong joke yun? Niloloko na naman ba nya ako?

"Siguro nga maraming nag-bago na sakin..." sagot ko sa kanya. Biglang lumapit yung babaeng kahalikan kanina ni Ji Hun at pinulupot nya yung braso nya kay oppa.

"Kung gaano kadami ang pinag-bago ko, yun naman ang kina-unti sayo. Hindi ka parin nag-babago. Isa ka paring babaero!" tumingin ako dun sa babaeng kasama nya tapos tingin ulit kay Ji Hun. "Tsh... maputi, sexy, at malaki ang hinaharap. Yan parin ba ang taste mo sa babae? Ha-ha. Buti may pumapatol pa sayo? Hanggang dito ba naman nambababoy ka parin ng babae?"

Hindi ko na napigilang ilabas yun sa bibig ko. Nagagalit ako sa kanya. Nakakainis! Bwiset na yun. Ang lakas ng loob mag-pakita sakin >o<

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at paglingon ko, nakita ko mukha ni Colin. Naguguluhan na ata sya sa nangyayari.

"Whoah! Chill! Teka, sino tong kasama mo? May boyfriend ka na sweetie?" tanong nya.

My Guitar Freak HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon