This book does not intend to offend anyone especially the celebrities involved in the story. This book may contain scenes that is not appropriate for young readers. Please read at your own risk.
"And because you did well in school today, you'll have this as your reward!" at sa 'di mabilang na pagkakataon, nakuha na naman ng sampung taong gulang na batang si Karylle ang gusto niya mula sa kanyang ama
"Thank you tatay I love you!!" sabi nito sa kanyang ama at humalik sa pisngi nito. Masayang masaya siya dahil nakuha na rin niya sa wakas ang pinapangarap niyang manika.
"You're always welcome baby, I love you too" sagot naman ng tatay niya at niyakap nang mahigpit ang anak. "So what's the name of your doll?"
"Hmm her name will be..." sabi ni Karylle habang tinititigan ang manika niya at iniisip kung ano'ng ipapangalan dito.
"Don't you think Emily would be a nice name for her Kaykay?" tanong ng nanay ni Karylle habang hinahanda na ang kanilang hapagkainan. Umiling naman si Karylle sa sinabi ng kanyang ina.
"No nanay. Her name is Annabelle" at niyakap niya ng mahigpit ang manika niya at sabay silang pumunta sa hapagkainan.
"Okay then. By the way, I cooked your favourite food since you did well in class today"
"Yehey!" masayang sabi ni Karylle at agad na pinaupo si Annabelle sa katabing upuan niya at agad na inabot ang kubyertos niya.
"Hep hep. Kaykay, haven't I told you, you should pray first before eating." Ngumiti naman si Karylle at sabay sabay na silang nagdasal at masayang kumain ang pamilya.
Masasabing si Ana Karylle ay isang napakaswerte at talaga namang pinagpalang nilalang. Siguro nga't 'di niya maikokonsidera na sobrang yaman nila pero maraming tao ang kinaiinggitan siya dahil higit pa sa sapat ang mayroon ang pamilya niya.
Mabuting magulang, maayos na tahanan at nagaaral pa siya sa isa sa kilalang eskwelahan sa bansa. Nakukuha niya palagi ang kahit na ano'ng gustuhin niya. Nakakapunta rin sila sa iba't ibang lugar sa bansa at saan mang lugar sa mundo. Wala siyang gamit na sira o luma palagi itong magaganda, maayos at bago.
Sabi nga ng iba, mayaman siya. Pero para sa kanya hindi pa rin, dahil hindi iyon tulad ng mga binabasa sa libro o napapanood niya sa telebisyon na talagang nakukuha ang gusto nila kahit na anong oras. Kay Karylle kasi, makukuha niya lang ang mga gusto niya kung pagbubutihin niya rin sa eskwela, na madali lang din naman para kay Karylle na gawin dahil matalino naman siya at isa pa, talentado siyang bata.
~
"Since you won the singing contest, where do you want to spend our Christmas vacation?" tanong ng mama ni Karylle.
"You mean, it will be my choice? Anywhere I want?"
"Yes Kaykay. Just tell me, and I'll tell your tatay."
"Hmm Singapore."
"Okay. No problem. Now, go upstairs and fix your things so we can leave as early as tomorrow"
"REALLY NANAY!?" tumango naman ang nanay niya bilang kasagutan "Mom, can Annabelle come with us?"
"Of course, baby."
"Okay mom, I'll go to my room and fix my things."
Talentadong bata si Karylle. Isa iyon sa rason kung bakit niya nakukuha ang mga gusto niya. Magaling siya kumanta at may alam din siya sa pagba-ballet. Tuwing magkakaroon ng patimpalak, at nananalo siya, nagkakaroon siya ng pribilehiyo na makapag-ibang bansa o makuha ang kahit na anong hilingin niya.
Bagamat may kaya ang pamilya nila dahil isang tanyag ang kanyang ama, nanatili pa rin kay Karylle ang pagiging masipag at simple. Ni minsan ay hindi naging sentro ng buhay niya ang pera.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...