Chapter 23: Her Side

1.3K 45 23
                                    

"What I want I can get" sambit ni Anne na lalo pang lumapit kay Karylle. Napakunot noo naman ang huli ngunit tila ba 'di pa rin mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I like you. I want you. I love you." sambit muli niya at inilapit ang kanyang mukha sa kausap na para bang nais na niyang halikan ito ngunit nanatiling nakatitg lang si Karylle sa mga mata ni Anne.

Pumikit ang huli at mas lalo pang lumapit umaasang pipikit rin si Karylle ngunit hindi nangyari.

"Anne, kinikilabutan ako sa biro mong 'yan ha" sambit ni Karylle na pilit na tumawa kahit na medyo halata ang pagkailang niya sa kanilang sitwasyon. "Sige na, you go out with your friends na. Uwing maaga ha" kabadong sambit ni Karylle na pumanhik sa loob ng CR.

Napakunot noo at napabuntong hininga naman si Anne sa nadinig mula kay Karylle.

and the days go by...

"Ughhh! I can't help it anymore! She's been ignoring me!!!! THREE DAYS STRAIGHT" sigaw ni Anne sa inis. Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant kasama ang mga kaibigan niyang sina Vhong, Vice at Angel.

"Eh brad, paanong 'di ka iiwasan nun? Eh nung nakaraan na nagusap kayo, kung makasalita ka sa kanya...para kang... para kang rapist na killer na magnanakaw."

"Oo nga may nalalaman ka pang what I want I can get. Lakas maka-buhok" gatong naman ni Vice at saka tumawa.

Sinamaan naman ni Anne si Vhong at Vice dahil sa sinabi nila.

"Actually, agree ako kay my labs. Medyo mali kasi yung approach mo sa kanya eh." sambit naman ni Angel. "Para bang, kung ako si Karylle, 'di ko rin alam gagawin ko eh. Imagine? 'Yung araw-araw niyang kasma sa bahay, 'yung tinuturing niyang kapatid, iba pala ang tingin sa kanya. Knowing na, masyado pa kayong sweet sa isa't isa tapos ganun pa."

"Ano bang sinasabi niyo? Yun bang araw na sinabi niya sa'kin na she's confused with her feelings with Marian? Ano'ng mali sa sinabi ko?

"Ano'ng mali?? LAHAT ANNE!" gatong naman ni Vice. "Ano bang akala mo? 'Pag nalaman niyang may gusto ka sa kanya, gugustuhin ka na rin niya?"

"Eh ano'ng gagawin ko? Sabi niya sa'kin straight siya, sabi niya sa akin imposibleng magkagusto siya kay Marian, sabi niya sa akin ako lang ang babaeng mamahalin niya. Napakasinungaling!"

"At alam mo rin na iba ang ibig niyang sabihin sa IKAW LANG ANG BABAENG MAMAHALIN NIYA" sabi na naman ni Vice.

Napatahimik nalang si Anne at tila ba naluluha na.

"Nakakainis kasi e. Tatlong araw niya palang akong iniiwasan, para na akong mababaliw. 'Di ko kaya." malungkot na saad ni Anne. "What's with that Marian ba kasi? Nakakainis! Naiinis ako. Naiinis ako!"

"Mars, I mean Anne, iba kasi 'yung sa inyo eh. Eh 'yung magbestfriends nga tapos biglang aamin 'yung isa na may gusto na pala siya, nagiging magulo 'di ba? How much more 'yung kayo? Eh magkapatid kayo.. plus you're both girls pa."

"Hindi nga kami magkapatid Angel!"

"Sa paningin mo, pero sa paningin ni Karylle oo. Saka nga 'di ba? Hindi pa nga daw siya nagka-jowa. Kung ako rin siya, maguguluhan din ako. I'm sure naman 'yung pagiwas niya sa'yo, pansamantala lang. Pero.. 'wag ka rin umasa na babalik pa kayo sa dati" sabi naman ni Vice.

"Brad, 'wag mo na kasi masyadong isipin 'yan. Have fun. Magparty-party, bar, or anything. Siya nga pala, nagyayaya si Georgina ah. Gusto ka raw niyang makita, ilang beses ka na raw niyang niyayaya 'pag nagkakachat kayo pero tumatanggi ka."

"Psh. I'm busy" sambit ni Anne at patuloy na kumain. 

Nabigla nalang siya nang bigla nalang na may yumakap sa kanya mula sa likod at humalik sa pisngi niya bago tumabi sa kanya. Napangiti pa siya nang inangkla nito ang braso niya sa kanya. bagay na ginagawa ni Karylle sa kanya.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon