"Vice..thank God sinagot mo sa wakas ang tawag ko. Kasama mo ba si Anne?"
"Nako hindi. Wala pa dyan sa bahay niyo?"
"Wala pa eh.. please balitaan mo 'ko 'pag nalaman mo ha. Thank you" sambit ni Karylle kay Vice bago tuluyang binaba ang telepono.
Alalang alala na si Karylle dahil matapos ang engkwentro nila ng kapatid niya kanina ay wala na siyang balita dito. Tiningnan niya ang oras at magaalas-dyes na ngunit wala pa rin si Anne.
Mabuti na lamang at wala pa rin ng mga oras na iyon ang mga magulang nila kaya hindi siya mapapagalitan sakali man na nag-bar ito. Ilang saglit pa ay nakatanggap ng tawag si Karylle mula sa kaibigan niyang si Vhong
"Hello Vhong, may balita ka na ba?"
"Nasa ospital si Anne"
"ANO? OSPITAL? SAANG OSPITAL!?" alalang alalang sambit ni Karylle.
"Teka teka lang Karylle. Ospital.. binisita niya kasi yung mama niya" napakunot noo naman si Karylle sa narinig. "Itetext ko nalang sa'yo yung address o kung gusto mo ihahatid nalang kita doon"
"Sig,..sige salamat Vhong"
~
"Mommy..bakit ganun? May mga tao ba talagang sadyang ganun nalang kabait?" sambit ni Anne sa kanyang ina habang medyo naluluha. "Nakakainis siya eh. Kahit na ano'ng gawin ko, hindi niya ako binitawan. Ginusto niya pa rin na maging kapatid sa akin. Yung kanina.. ewan ko ba! Naiinis ako sa sarili ko at nasabi ko ang mga 'yon. Parang pakiramdam ko tuloy ang sama sama ko" patuloy na pagkwekwento ni Anne sa ina kahit na 'di naman siya naririnig nito.
"Ang totoo niyan.. gusto ko naman na talaga siya eh.. pero para kasing may parte pa rin ng sarili ko na ayaw siya maging kapatid. Nakakatawa nga eh, yung sampal niya parang 'di naman sampal. Ang gaan ng kamay! Sana nga sinampal niya ako nang napakalakas. I deserve it anyway."
"Shall I say sorry to her? Napuno lang naman talaga ako kanina kaya ko siya nasabihang sampid. Siguro... siguro kasi natakot ako nung narinig ko na sinabi niyang napapagod na raw siya sa akin. Siya lang naman kasi yung bukod tanging tao maliban sa mga kaibigan ko na 'di ako sinukuan e. Pero mali.. ngayong sinabihan ko siya ng ganun? Sinabi kong sampid siya? Sigurado.. susuko na 'yun sa akin. Wala na. Ang tanga ko kasi!"
'Di alam ni Anne na kanina pa palang nakikinig si Karylle sa kanya. Nakasilip lang ito sa nakauwang na pinto at pinagmamasdan si Anne.
"No Anne, I keep my promise. 'Di kita susukuan" sambit ni Karylle.
Natigilan si Anne at nagpunas muna ng kanyang mga luha bago nilingon ang nagsalita.
"Uhmmm.. ka..kanina ka pa ba dyan?" nauutal utal na sambit ni Anne.
"Uhmm.. sorry ha. I just wanted to make sure that you're safe." sambit ni Karylle at pumasok ng kwarto. "Here, I bought you some food. Baka kasi 'di ka pa kumakain.. don't worry 'di ako ang nagluto niyan. Binili ko 'yan sa resto malapit dito." sabi pa niya at inilapag ang plastik ng pagkain sa mesa malapit sa kama ng ina ni Anne.
"Uhmm.. ipapasundo nalang kita sa driver ha? 'Wag ka masyado magpagabi baka mapagalitan ka ni daddy and-"
"Thank you!" pabulong na sabi ni Anne.
"Sige Anne ha.. mauna na ako." pagpapaalam ni Karylle.
"Uhmm no.. uhmm.. dito ka muna please? Saluhan mo na 'ko sa pagkain." pangaalok niya.
Natahimik lang naman si Karylle na nakatingin kay Anne habang nilalabas nito ang pagkain mula sa supot.
"Sige na please? Two piece chicken at extra rice pala 'to eh. Sakto na 'to sa atin" nakangiting sambit ni Anne.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomantikThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...