Nagising si Anne kinabukasan na nasa sarili niyang kwarto. Napabuntong hininga nalang siya nang maalala niyang galit na naman sa kanya si Karylle kagabi. Naisipan niyang puntahan si Karylle sa kwarto nito ngunit wala siya doon.
"Yaya where's ate K?" tanong ni Anne nang makababa siya.
"Ay nako madam, maaga pong umalis at may mga tuturuan daw siya" sagot naman nito sa kanya.
Naupo nalang si Anne sa dining at napasimangot nalang. Martes kasi ngayon at sadyang wala silang pasok dahil simula kinabukasan hanggang sa Sabado ay araw ng eksaminasyon nila. Ang araw na ito ay nakalaan upang makapag-aral sila nang maigi. Akala ni Anne ay makakasama niya si Karylle buong magdamag ngunit mali pala siya.
"Nag-iwan nga pala ang ate K mo ng agahan mo diyan. Kumain ka na hija." sambit ng isa sa kasambahay nila. Napakunot noo naman si Anne at tiningnan ang nakahain sa mesa
"Si Ate K po nagluto nito?" nakangiting tanong ni Anne.
"Oo, hinanda talaga niya 'yan para sa'yo" sambit ulit ng kasambahay at may biglang inabot sa kanya na mga papel at notebook. "Pati ito ibigay ko raw sa'yo."
Tiningnan naman ni Anne kung ano ang bagay na iyon at napagtanto niyang reviewer pala iyon na sadyang ginawa ni Karylle para sa kanya. Napaluha nalang siya sa sobrang tuwa.
Alam naman niya kasing galit sa kanya si Karylle dahil nga sa malamig na pakikitungo nito sa kanya kagabi dagdag pa ang 'di magandang sinabi ni Anne kay JM na ikinainit-ulo lalo ni Karylle. Ngunit sa kabila ng lahat ng 'yon ay ipinaghanda pa rin siya nito ng agahan at ginawan pa ng reviewer hindi lang sa isa kung 'di sa lahat ng subjects niya.
"Grabe nga 'yon si ma'am Karel e." entrada na naman ng kasambahay nila. "Alas kwatro nakita ko gising pa siya, ginagawa niya raw 'yan para sa'yo. Alam mo madam Anne, ang swerte mo kay ma'am Karel mahal na mahal ka nun"
Kung dati, nalilito pa si Anne kung simpleng atraksyon lang ba ang nadarama niya kay Karylle, ngayon sigurado na siya, mahal na nga niya ang kapatid.
Napangiti nalang siya at kahit na may tampuhan pa silang magkapatid, isa lang ang nasabi niya sa sarili: This week will be an exciting week for us
Karylle's POV
Sms from baby Anne
Lunch ka na ate K. Thanks sa reviewer and sa breakfast. loveyouuuuu mwaaaaah :***
"Nakakailang text na siya mula pa kaninang umaga ah. 'Di mo ba sasagutin?" Vhong asked while we were eating our lunch.
Nandito kami ngayon sa bahay ng isang friend namin. We decided to have a group study since examination would start tomorrow.
"Hayaan mo siya. Dapat dyan silent treatment nang matuto. Nakakainis na kaya 'yang si Anne minsan."
"Bakit ba? Dahil bastos siya kung makipagusap dun sa JM? Haynako K, alam mo 'yang si Anne selosa talaga 'yan kaya masanay ka na."
"Eh ano naman ba kasing ikaseselos niya? Naiinis ako kasi wala namang ginagawa sa kanya si JM pero ganun siya kung makipagusap. Mabuti nga at 'di nagalit e, pero ayun ayaw na makipagusap sa akin sa phone. Text nalang daw."
"Eh sino nga ba kasi 'yang JM na 'yan?" he asked again but I didn't answer him because I don't know either.
"So... galit ka nga kay Anne?"
"Hindi. 'Di ko lang naman siya pinapansin sa text pero paguwi ko, 'di ko rin naman matitiis 'yun e. In fact I even made a reviewer for her kasi syempre, nandito ako, tinuturuan ko kayo tapos siya naiwan sa bahay."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
DragosteThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...
