Chapter 43: Last Dance

1.5K 42 16
                                        

"Good morning my beautiful angel!" masayang bati ni Anne sa kapatid at inilapag ang tray ng pagkain sa mesa ng kanyang kwarto. "Kain ka na."

'Di naman umimik si Karylle kahit na narinig naman niya ang pagyaya ni Anne sa kanya. Tila ba walang kagana-gana. 

"Gusto mo ba, subuan pa kita? Honey~ Kain ka na po~" malambing niyang saad at sinimulang sumandok ng pagkain sa kutsara.

"Anne.."

"Yes?"

"Bakit ba dinadala mo pa dito 'yan? Oo, 'di ako makalakad, pero kaya ko pa rin naman bumaba ng hagdan! 'Di naman ako baldado!"

"Psh. Ang aga-aga, ang sungit sungit mo honey. Sige na, kain ka na, favorite mo 'to" muling paglalambing ni Anne at tila ba susubuan na si Karylle ngunit tinabig ng huli ang kutsara.

"ANNE! Ano bang akala mo sa'kin? Walang silbi!?" sigaw ni Karylle na nakapagpakunot-noo kay Anne. Bumuntong hininga nalang siya, kahit papaano'y nauunawaan naman niya ang kapatid.

"FINE! Kung gusto mo sa ibaba kumain, eh 'di sa ibaba! Pero kumain ka, and you have to take your meds. Saka wala akong sinabi na wala kang silbi." saad nito at nagsimula nang ilagay muli ang plato at baso sa tray. "Sige na, ibababa ko na 'to. Kaya mo naman bumaba ng hagdan mag-isa 'di ba?"

"Hindi ako kakain." masungit na saad ni Karylle na sa bintana ibinaling ang tingin imbes na kay Anne.

"Psh. Kakain ka whether you like it or-"

"EH AYOKO NGA!!" sigaw ni Karylle sa kanya.

"BULLSHIT!!" sigaw ni Anne pabalik na ikinagulat ni Karylle. "Ano na naman bang iniinarte mo ha!? Kumain ka! Sa ayaw at sa gusto mo, kakain ka at iinumin mo 'yung gamot mo!"

Hindi naman na sumagot si Karylle nanatili lang siyang tahimik at 'di na naman ang papakita ng kahit na anong emosyon.

"I'm sorry" saad ni Anne na nagpailing-iling. "Sige, if you don't want to eat, okay lang. Pero kakain ka mamaya. Hindi pwedeng totally wala kang kakainin for the day."

"Anne, ayoko na." halos pabulong na sambit ni Karylle. Muli na namang napabuntong hininga si Anne at agad na pinunasan ang nangingilid na niyang luha. 

"Ano na namang ayaw mo na? Ha? Ayan ka na naman sa kadramahan mo eh.. Ano na naman 'yan? Ha?"

"AYOKO NA NGA!" muling sigaw ni Karylle sa kanya. "AYAW KO NA! IWANAN MO NALANG AKO! PABAYAAN MO NA AKO! LIVE YOUR OWN LIFE AND LEAVE ME ALONE!!"

"Putangina naman!!!" sigaw naman pabalik ni Anne at sinagi ang tray kaya nagkandabasag-basag ang mga nakapatong nito. "PUTANGINA NAMAN KARYLLE!! Tingin mo ba, kung gusto kong iwan ka nandito pa rin ako!? Akala mo ba gusto ko 'to? Akala mo ba pinangarap ko 'tong...putanginang buhay na 'to? Karylle, kung kaya ko lang, kung gugustuhin ko lang pwedeng pwede kitang iwan! Kasi 'di ko naman pinangarap magalaga ng taong iiwan lang din naman ako! But I'm here..." sigaw niya at humikbi. "I'm here because I love you.." nagpailing-iling naman si Karylle sa inasal ni Anne ngunit ang huli ay patuloy pa rin sa kanyang pagsalita.

"Hindi ako tulad mo K.. Hindi ako tulad mo na kayang mangiwan.. 'di ako tulad mo na kayang pumunta ng New York for 8 months tapos babalik dito para lang sabihin na mangiiwan ulit at 'di na babalik... 'di ako tulad mo na basta basta nalang na mangiiwan." saad nito at nagsimula na namang umiyak.

"Anne, trust me.. naiintindihan ko 'yung nararamdaman mo.. naiintindihan kita kasi naranasan ko na rin 'yan. Siguro, hindi nga lang parehong pareho ng sitwasyon, pero naranasan ko rin 'yung iwanan ako na wala akong magawa.. Nung kay tatay at Andrew noon, para lang akong tanga na naghihintay sa mga ginagawa ng doktor.. pero wala... sa huli, wala rin namang nangyari.. iniwan pa rin nila ako.. iniwan pa rin nila kami.. wala naman akong nagawa kung 'di sisihin lang 'yung sarili ko sa pagkawala nila." saad ni Karylle habang 'di nakatingin kay Anne. "Ako ba? Ako ba naiintindihan mo kung bakit ayaw ko na? Araw araw dinarasal ko na sana wala na akong maramdaman na sakit, halos 'di ako makahinga... hindi ko alam kung saan ako lulugar, 'di ko alam kung ano bang dapat gawin.. kung paano ako makakatulog sa gabi.. at kung makakatulog man ako, natatakot akong gumising kinabukasan kasi alam ko, panibago na naman 'yung sakit na titiisin ko ulit.. ang hirap Anne.. ang hirap hirap..." saad naman ni Karylle at humikbi na rin. "Anne, you have to..."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon