Chapter 14: Feelings

1.4K 51 9
                                    

Napangiti at napapikit nalang si Anne sa ginawa ni Karylle sa kanya. Magkadikit pa rin ang kanilang mga mukha at si Anne ay tila ba naghihintay nalang na dumampi ang mga labi ni Karylle sa mga labi niya ngunit hindi iyon nangyari. Dumilat nalang siya at nakita si Karylle na pinagmamasdan ang kalangitan dahil sa fireworks.

Ngumiti nalang siya at tumingala din sa kalangitan ngunit napatigil din siya nang maramdaman ang kamay ni Karylle na nakahawak na ngayon sa kamay niya. Napatingin siya sapagka't iba ang paghawak sa kanya ni Karylle. Para bang may namamagitan sa kanila. Tiningan siya ni Karylle at ngumiti.

"Let's go home na?" tanong nito. Tumango naman si Anne. "Thank you Anne ha. I love you" sabi na naman ni Karylle at saka siya kinurot sa pisngi.

~

Mula nang lisanin nila ang mall hanggang sa matunton nila ang kanilang bahay ay nakangiti si Anne ngunit naglaho rin bigla nang makapasok sila ng bahay.

"Advance happy birthday K" bati ng isang lalaki na kanina'y nakaupo sa couch at bigla bigla nalang na niyakap si Karylle.

"Jhong!" nakangiting sabi ni Karylle na kumalas saglit sa yakapan nila bago siya muling niyakap. "Kumusta ka na? Buti nakapunta ka?"

"Syempre naman! 'Di ko dapat ma-miss ang birthday mo 'no!" sambit ng lalaki.

Napakunot noo naman si Anne dahil hindi niya kilala ang taong iyon.

Di kaya siya yung nanliligaw kay Karylle? tanong ni Anne sa kanyang sarili.

"Ay ano na ba kasing number mo? Nagtetext ako 'di ka naman nagrereply eh." sabi na naman nung lalaki at inilabas ang telepono niyang binili sa CD-R King.

'Di naman naiwasan ni Anne na matawa pero pinigilan din niya dahil alam niyang sermon na naman ang aabutin niya kay Karylle 'pag nagkataon. Ayaw kasi ni Karylle sa mga mata pobre.

"Iba na kasi number ko bes e, akin na i-save ko" sabi ni Karylle na ikinagiti ni Anne.

Napangiti siya, una, dahil nagbigayan sila ng cellphone number, ibig sabihin, hindi siya ang nagtetext at nagpapadala ng bulaklak kay Karylle. Panagalawa, tinawag niya itong'bes' ibig sabihin, bestfriends lang sila.

"Punta ka ulit bukas dito bes!"

"Ayun nga eh. Dapat bukas pa ako pupunta e kaso may importante kasi akong lakad e. Kaya nga ibibigay ko na sa'yo 'tong birthday gift ko." sabi nito sabay abot ng libro kay Karylle "Sorry 'di ko na binalot. Pero alam ko favorite author mo 'yang si Mitch Albom"

"WOW! Thank you so much bes!" masayang masayang sabi ni Karylle at niyakap muli ang kanyang best friend.

"You're welcome! Basta ikaw. Basahin mo 'yan ha."

"Oo naman. Thanks ha. Super liked your gift"

Napasimangot naman agad si Anne sa narinig. Malay naman ba niya na mahilig magbasa si Karylle ng libro at kung sinong manunulat ang gusto niya. Halatang halata pa na mas nagustuhan nito ang regalo ng kanyang bestfriend kumpara sa regalo niya na walang kakwenta kwentang panonood ng fireworks display at malaking lollipop lang.

"Ay oo nga pala!" sabi na naman ni Karylle. "Jhong, this is Anne my sister. Anne, this is Jhong my bestfriend."

"Hi Anne!"

"Hi" sagot ni Anne na ngumiting pilit.

"Anne? So iba apilyido mo 'di ba?"

"Yup. Anne Curtis-Smith. Ikaw?"

"Jhong Hilario."

"Milario?"

"Hilario hehe"

"Matagal na kaming magkakilala nitong si Jhong, actually we are childhood best friends. Kaya mahal na mahal ko 'to eh" sabi ni Karylle na umakbay kay Jhong. "I miss you bes! Bonding tayo minsan."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon