"Anong ginagawa mo dito?" iritableng tanong ni Anne nang bumaba si Karylle ng sasakyan.
"Kasi Anne, nagpasundo ako kay manong driver sa mall, eh susunduin ka na daw niya, kaya sumama na kami ni Jhong" paliwanag ni Karylle. Agad naman na napatingin si Anne sa loob ng sasakyan at nakita si Jhong na nakangiti at kumakaway sa kanya. Inirapan nalang niya ito at muling hinarap ang kapatid.
"Sana, sinabi mo. I could have taken a cab nalang kaysa sumabay sa'yo."
"Okay fine. Kung ayaw mo kaming kasabay, eh 'di kami nalang ni Jhong ang magca-cab" saad ni Karylle at sinenyasan si Jhong na bumaba ng sasakyan na kaagad naman na sinunod ng huli.
"OMAYGASH KAREELLLLL!!"sigaw ng nagtatatakbong si Vice nang madatnan nito si Karylle sa tapat ng kanilang eskwelahan. Agad agad niya itong niyakap nang napakahigpit patunay lang na miss na miss na niya ang kaibigan.
"Pumayat ka kurba, pero ang ganda ganda mo talaga. I miss you! Kumusta ka na?"
"I miss you too Vice" nakangitiing saad ni Karylle na bigla namang napatingin sa papalapit na si Vhong.
"Vhong!!" masayang bati ni Karylle at kumakaway pa mula sa malayo.
"Hi K" masayang bati naman ni Vhong na agad din na yumakap at bumeso sa kaibigan. "Musta?"
"Uhmm.. okay lang. Ikaw ba?"tanong nito pabalik nang biglang mapatingin kay Anne na halatang naiirita na. "Regards nalang kay Angel ah" sabi nalang niya at bahagyang lumayo kina Vice at Vhong.
"Tara na K, maghanap na tayo ng taxi?" singit ni Jhong, alam din naman kasi nito na naiirita na si Anne na nakikipagusap ang kanyang mga matalik na kaibigan kay Karylle.
"Boyfriend mo?" bulong bigla ni Vhong kay Karylle habang nakatingin kay Anne. Umirap nalang si Anne dahil alam naman niya na iniisip ni Vhong na may pakialam pa siya kahit na wala naman na raw talaga.
"Uhmm, nope. Si Jhong, best friend ko. Jhong, sina Vice at Vhong, mga kaibigan ni Anne."
"Kurba!! Namiss talaga kita" saad na naman ni Vice na muling yumakap kay Karylle "Labas naman tayo minsan. Saka 'di lang naman kami kaibigan ni Anne eh, kaibigan ka na rin naming noh. Ikaw ba? 'Di mo kami friends?" paglalambing pa rin ni Vice sa kanya. "Labas tayo minsan ah. Miss na miss na talaga kita."
"I would love to, Vice." Bulong ni Karylle sa kanya. "Pero ayaw kasi ni Anne na lumalapit pa ako sa inyo eh"
"'Di pa ba tapos 'yan!?"
"Ngangabu, eh 'di ba, magtataxi naman sina kurba, at ikaw lang naman ang sasakay dyan sa kotse mo, eh 'di umuwi ka na. Nagchichikahan pa kami dito eh. " saad ni Vice. "Selos ka lang eh." Dagdag pa nito na nakapagpairap nalang muli kay Anne. Papasok na sana si Anne ng kanilang sasakyan nang bigla naman siyang pigilan ni Vice.
"'Wag ka magalala, bakla 'yang kasama ni kurba, 'iba type nyan. Iba nga titig kay Vhong eh" saad ni Vice. Tumawa nalang nang bahagya si Anne dahil sa birong iyon ng kaibigan niya. Alam naman kasi niya sa sarili niya na ang kababatang iyon ni Karylle ay may gusto nga sa kanyang kapatid. Ngunit, gayumpaman, ay wala naman siyang pakialam dito.
Muli, papasok na sana siya ng sasakyan nang bigla namang magpakita si Solenn.
"Anne! Hun! Kanina pa ako tumatawag sa'yo ah. Ba't 'di ka sumasagot?"
"Yun oh! Complete casting" komento naman ni Vice
"What are you doing here?"
"What do you mean? Eh 'di ba sabi ko nga, I'm on a VL today, that's why I'm here" pagpapaliwanag naman nito sa kanya. Kasunod din nu'n ang pagbati niya sa mga kaibigan ni Anne pati na rin kina Jhong at Karylle. "So hun? Nagpasundo ka? Sa kotse ko na ikaw sumakay" saad niya at humawak na sa kamay ni Anne. "Bye guys!"
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
عاطفيةThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...