//Eh kasi pinapaupdate niyo na ako. Putol tuloy 'to at NEXT pa ang favorite chapter ko haha na-move ulit nyaha//
"Sino ba'ng kanina mo pa hinahanap Karylle?" sambit ni Vhong napansin niya kasi na kanina pa palinga-linga si Karylle sa paligid.
"Wala wala" saad naman ni Karylle na nagpapailing-iling. "Si Anne? Ba't biglang nawala?"
"Hmm" sambit ni Vhong sa kalagitnaan ng paginom ng alak. "Si Anne, sus hayaan mo 'yun. Nagpipigil 'yun ang hot mo kasi dyan sa suot mo eh"
"Dito?" sambit naman ni Karylle habang tinitingnan ang suot niyang damit. "Hindi nga eh. Mas maganda nga siya manamit sa akin."
"Pareho kayong maganda. Ang pinagkaiba lang, may epekto sa kanya 'yang kagandahan mo." natatawang sabi ni Vhong.
"Hayy ano ba 'yan Vhong. Ikaw talaga puro ka kalokohan"
"Totoo naman eh. Pero mabuti at nagkaayos na kayo ni Anne, 'di namin madalas makasama 'yan pero kung magtext, nako puro kadramahan."
"Eh 'di ko rin naman gusto na nagiiwasan kami. Siguro.. ano kasi eh...medyo nailang ako sa kanya kaya ayun, iniwasan ko siya"
"Eh 'di ba matagal ko naman nang nasabi sa'yo na 'di siya straight? Eh bakit 'di ka pa rin nailang noon? I mean.. masyado kayong close at clingy sa isa't isa. 'Di ka ba nakaramdam ng..something? Anything?"
"Ofcourse I felt it. Pero.. hayy basta. Let's just not talk about it."
"Okay. sabi mo eh. Tara iinom nalang natin 'yan." sabi ni Vhong at uminom ng alak.
Samantala, si Anne na kasalukuyang nasa counter table ay nakatingin sa kanilang dalawa ngayon.
"Yow wassup?" bati sa kanya ni Billy at umupo sa tabi niya. "Gusto mo?" alok niya ng sigarilyo kay Anne na agad naman na tinaggap ng huli.
Napalingon naman si Billy kung saan nakatingin si Anne at napangisi nalang.
"Bakit ayaw mong tumabi dun? Tang'na sexy niya with that black dress ah"
"Ano'ng ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Anne
"Uhh having fun? I'm with my friends mga chics 'yun. Gusto mo ipakilala kita?"
Nagpailing-iling lang naman si Anne na nakatitig pa rin kay Karylle.
"Pero seriously, your sister is smokin' hot"
"Kaya nga ayaw kong tumabi dun..shit! Ang hot naman uminom ng babaeng 'to"
"Woah-WOW.. ganyan ka ba talaga kabaliw sa kapatid mo? Well, uhmm kung ako sa'yo, lalapit na ako dun. Baka maunahan ka pa ni Navarro matinik pa naman sa chics 'yan."
"Nahh.. may girlfriend si Vhong." sambit ni Anne na nagsimula nang maghihit-buga ng kanyang sigarilyo.
"Ganun ba 'yun? I mean.. it's a free country.. HAHA if you know what I mean."
"Whatever. Jerk." pagtataray ni Anne.
"Well.. anyway..' nakangising sabi ni Billy sabay akbay kay Anne. "Balita ko, 'yung gusto kong si Marian, eh 'yang si Karylle din pala ang gusto. Wala ka bang ibang maaalok sa'kin? Tang'na, eh lahat nalang ng babaeng gusto ko, babae din ang gusto."
"Psh. Eh lahat kasi ng lalaki gaya mo."
"Chill. Sungit mo ah."
"Akala ko ba may bago ka? 'Yung high school student? Coleen right?"
"Oo pwede, kaso 'di ko pa nakikilala e. Pakilala mo nga ako. Close mo 'yun 'di ba?"
"Psh. Pedo.. For the mean time, nasa bar ka naman bakit 'di ka nalang humanap ng chic mo dito."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...
