"Bakit 'yan lang kinakain mo? Here try this.." sabi ni Karylle at sinandukan pa ng kanin si Anne.
"Ate K.. okay na 'yan.. I'm on a diet.."
"No! You eat a lot okay? At saka 'di mo ba alam na breakfast ang pinakaimportanteng meal on a day? Sige na kumain ka nang marami"
Napangiti naman bigla ang daddy ni Anne at nanay ni Karylle sa eksena ng dalawa. Natutuwa sila na talagang nagkakasundo na nga ang mga bata.
"It's a good thing na nagkaayos na kayong dalawa" nakangiting sabi ng daddy ni Anne at saka humigop ng kape. "Alam niyo naman siguro na me and your mom will be busy on the next couple of months kaya mas okay kung magiging maayos ang samahan niyo"
"Oo nga mga anak, nasabi naman na namin sa inyo na dirediretso yung business meetings namin na darating and out of the country pa. Maiiwan talaga kayong dalawa lagi dito so I hope, magkasundo na talaga kayo ha" dagdag naman ni Zsa Zsa
Nagkatinginan naman ang magkapatid at saka nagngitian. Sabay rin nilang hinarap ang mga magulang nila at tumango tanda ng pagsasangayon.
"Okay.. ano ba oras ng mga klase niyo? We have to go na. Magpahatid nalang kayo sa driver ha" bilin ng daddy nila at saka bumeso sa dalawa.
"Bye babies" sabi naman ni Zsa Zsa na bumeso at nagpaalam na rin sa dalawa.
Naiwan naman ang 'magkapatid' na tinatapos pa rin ang kanilang agahan. Nagkwentuhan din sila ng kung anu anong mga bagay sa kalagitnaan ng pag-kain nila
"Ayoko na. Busog na ako" sabi ni Anne bigla at binitiwan na ang kanyang kubyertos
"Anne, ubusin mo 'yan isang subo nalang 'yan ohh. 'Di mo ba alam na maraming bata ang nagugutom?"
"Exactly! Eh 'di ipaubos mo sa kanila" nakangising sabi ni Anne.
Sinamaan naman ng tingin ni Karylle si Anne at saka nilagay sa kutsara ang pagkaing tira ni Anne.
"Dali na ubusin mo na. Isang subo nalang ohh"
Nagpailing iling naman si Anne.
"Dali na Anne here comes the train chooo chooo" sabi ni Karylle.
"Naman ehh.. Ginagawa mo naman akong baby" pagpapa-baby ni Anne.
"Ayaw mo?"
"Gusto." sagot naman ni Anne at saka sinubo na ang kutsara.
"Good!" sabi naman ni Karylle at saka kinurot si Anne sa magkaibilang pisngi. "Err cute mo!"
and the days go by..
"Sakang ka! Sakang!" pangaasar ni Vice kay Karylle.
"Ang bad mo!" sabi ni Karylle at saka kinurot si Vice sa braso.
"Aray ha. Ikaw binibining sakang mapanakit ka!" sabi ni Vice at akmang kukurutin din si Karylle ngunit tumakbo ito palayo sa kanya. Nang mahabol naman niya ito ay niyakap niya ito mula sa likuran "Huli kang sakang ka!"
"Ehhh Vice naman ehhh"
"What's happening here?" tanong ni Anne nang makita ang dalawang nagkukulitan sa lobby ng kanilang paaralan.
Napakalas naman agad si Vice sa kanyang pagyakap kay Karylle at napatingin kay Anne na nakataas kilay sa kanilang dalawa ngayon.
"Baby Anne ohh.. inaaway ako ni Vice!" sabi ni Karylle na nagpunta sa likuran ni Anne.
"'Wag mo ngang inaaway si Ate K!" pagbabanta nito kay Vice.
"WOW hangtaray! Ate K? Baby Anne? Aba! Bati na talaga kayo!?"
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Storie d'amoreThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...