"I keep my word"
"I keep my word too. I won't give up on you Anne"
"Well then, we'll see..." Anne said while looking at herself in the mirror letting out a smirk.
and the days go by...
"Anne, wake up na" sabi ni Karylle sa natutulog na si Anne.
Agad naman na napabalikwas si Anne at tiningnan ng masama si Karylle.
"What are doing here in my room?"
"Pinapasok ako ni daddy, gisingin na raw kita. Come on, sabay na tayo pumasok sa school today. We have the same first class naman eh" paglalambing ni Karylle kay Anne habang nakahawak sa kanyang braso.
"Ayoko! Mauna ka na. 'Di ako sasabay sa'yo!" sabi ni Anne at pumasok na ng banyo para maligo. "Bakit pa ba natin kailangan magsabay? Pumunta ka ng school magisa mo!" sigaw pa nito.
~
"Goodmorning Anne. Kumain ka na" sabi ni Karylle sa bagong gising na si Anne.
Tiningnan naman ni Anne ang nakahain sa mesa at tinikman ang ulam. Napangiti naman siya dahil sa masarap iyon at hahainan na sana niya ang sarili nang biglang magsalita si Karylle.
"Luto ko 'yan masarap ba?"
Napakunot noo naman si Anne at nagpanggap na napangitan sa tinikmang ulam.
"Kaya pala ang pangit... yuck. Yaya, can you cook for me please?" sabi ni Anne sa isa sa katulong nila.
~
"Good evening Anne. Saan ka galing? Bakit late ka na umuwi?" tanong ni Karylle sa kauuwi lang na si Anne.
"Where is daddy?"
"Mamaya pa raw sila uuwi ni nanay e. May pupuntahan daw sila. Kain na tayo" sabi niya habang naglalagay ng mga plato sa mesa.
Umupo naman si Anne sa dining habang pinanonood si Karylle sa kanyang ginagawa. Tiningnan ni Anne ang ulam na nakahain sa mesa.
"Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ni Anne kay Karylle.
"Hindi. Si yaya ang nagluto nyan"
"Good." sabi ni Anne at kumuha na ng pagkain.
Umupo naman si Karylle sa isa pang dining chair kaya tiningnan siya ng masama ni Anne.
"Pwede bang ako na muna ang kumain? 'Wag mo akong sabayan? Nakakawalang gana e"
Pilit na ngumiti nalang si Karylle at tumango. Tumayo na siya at hinayaan na niyang makakain si Anne nang magisa sa dining.
~
"Uy! Hi sister ni Anne" bati ni Vice nang masalubong nilang dalawa ni Anne si Karylle.
"Hi." nakangiting bati naman ni Karylle sa kanya.
"Ang pretty mo! Karylle right? Madalas ka ikwento sa'kin nitong si Anning e" nakangising sabi ni Vice.
"Stop with the lies Vice. Let's go na." sabi ng naiiritang si Anne at hinatak si Vice sa braso.
"Bye sister ni Anne!"
"STEP! STEP SISTER!" pagtatama ni Anne kay Vice na ikinasaminagot naman ni Karylle.
~
"Anne are you done with your assignments?" tanong ng daddy ni Anne.
"Ito na nga daddy ginagawa ko na po" sagot naman ni Anne habang nagsusulat at nagbabasa.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceThey say that love is blind... love is genderless... love knows no limits... love is never wrong... and love is where everyone belong... but when can you say that love is a forbidden one? STOLEN BY: Bruuuh1214 - I'm inlove with my stepsister #jibea...