CHAPTER 6

19 2 0
                                    

Araw ng sabado ngayon. Balak namin
tatlo nila Julie at Bugay na pumunta sa libtong, isang Lugar iyon dito na may malinis na tubig. May ilog kasi malapit sa village namin na puwedeng liguan.

Sinundo ako ni Bugay. May dala siyang bag. Ako din ay may dalang bag na may laman na mga damit at mga maaari kong gamitin sa paliligo.

Naglakad na kami sa Street namin gaya ng dati nakita ko si Loreta the chismaker na nasa kubo nila at nag to-tong-its. Inirapan ko lang siya pagkakita. Pumunta kami sa bahay ni Julie para sunduin siya. May bag din siyang dala saka basket na may mga laman na pagkain.

"Let's go girls!" masayang sabi ni Julie.

Ngumiti naman kami sa kanya at nag-umpisa ng maglakad papunta sa labas ng Village. Ang lugar namin ay may malapit na magandang ilog. Walking distance lang siya sa lugar namin. Ilan minuto ay naandito na kaagad kami.

" Wow! Ang linis talaga ng tubig." masaya Kong sabi.

"Oo nga Jamie, mukhang masarap maligo." pagsang-ayon naman ni Bugay.

Nilagay muna namin ang kanya-kanya naming gamit sa isang safe na lugar, malapit din sa ilog. After that hinubad ko na ang damit tsaka ang short ko. Naka-panty at bra na lang ang suot ko.  I am not shy because I have a flawless skin. Nauna na akong lumusong sa tubig. Pumunta ako sa medyo gitna at hanggang dibdib ko ang lalim ng tubig.

"Oy Bugay! Samahan mo 'ko dito!" sigaw ko sa kanya.

"Wait lang mother!" sambit naman nito tsaka lumusong na rin sa tubig at nakipagkulitan sa akin. Nakasuot si Bugay ng pang swimming outfit medyo nakakailang nga kasi medyo bumabakat 'yung ano niya. Naisip ko na lalaki parin talaga siya.

"Hoy Julie, ano na? D'yan ka na lang?" pasigaw na biro naman ni Bugay sa kaibigan.

"Wait lang naman, inayos ko pa kasi ang mga gamit natin." sagot naman niya.

Ilan saglit lang din ay lumusong na rin ito sa tubig at masaya kaming lumangoy-langoy na parang mga bata.

"I love it! Ang sarap maligo, nakakagaan sa pakiramdam ang tubig dito." Bugoy said.

"Yeah, you're right." pagsang-ayon ko naman.

Mayamaya pa habang sarap na sarap kami sa paliligo ay nakarinig kami ng mga boses. Ang iingay nila! At nakakainis pa ang tawa nila parang nang-iinis.

Hindi rin nagtagal ay natanawan ko ang mga kabataan sa village. Sina Sam, Maru, JC and Justine kasama pa nila sina Cessy, Rona at Kumars.

"Oh my gosh! Parating  ang mga kaaway!" Inis na sabi ni Julie.

"Let them. Kapag may ginawa silang hindi maganda, patulan natin." sambit ko naman sa mahinahon na boses. Iniisip na lang namin na wala kaming nakikita at pinagpatuloy ang paliligo.

"Ew! Nawalan na ako ng gana maligo, may mga basura kasi sa ilog." Pagpaparinig na sabi ni Rona tsaka nagtawanan silang tatlo na mga babae.

Hindi namin pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy lang namin ang pagbabad sa tubig.

"Baka mangati kayo ha! Mga feeling rich pa naman kayo." Pagpaparinig naman na sabi ni Kumars.

"Paanong mangangati 'yan eh mga higad naman sila." dagdag pa ni Rona.

Well, inuubos talaga nila ang pasensya ko. Umahon ako sa tubig palapit sa kanila and I don' t know but, they looked at my perfect body. Nagulat yata sila dahil naka bra at panty lang ako.

Lumapit ako kay Rona at sinampal ko na lang siya bigla.

"Wala ka talagang kadala-dala ano?" Mataray na sabi ko sa kanya. Sabay sinampal ko ulit siya sa kabilang pisnge.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now