CHAPTER 3

25 4 0
                                        


I don't care, kahit ano pa ang isipin at sabihin nila sa akin, ang mahalaga ay nasira ko ang araw ng bwiset na babae na yan.

Nakita ko ang biglang paglapit ni Cessy papunta sa akin, I see the anger in her eyes. Agad naman siyang napigilan ni Julie at hinawakan sa braso.

"Don't dare to do anything or else, ako ang makakalaban mo! " mataray na sabi nito na may kahalong pagbabanta. Hindi naman nakaimik ang malandi na iyon.

Samantala, ako naman ay nasisiyahan dahil sa nakakatawang mukha ngayon ni Rona. Hindi yata niya matanggap ang ginawa ko sa kanya kaya dahil sa sobrang galit nito ay nasampal niya ako. Nagulat din ako dahil sa ginawa niya, napaluwa ang bibig ko habang nakahawak naman ang aking kaliwang kamay sa nasampal na pisnge ko.

"How dare you!" sigaw ko sa kanya.

Magbabayad s'ya sa ginawa niya sa'kin, hindi ko ito palalagpasin! Ito ang kauna-unahan na nasampal ako. Siya pa lang! Itong cheap na unclasyy na ito lang pala ang gagawa no'n sa akin. Sobrang nakakababa ha!

Lumapit ako sa kanya at walang alinlangan na sinampal siya ng napakalakas. Halos mabali ang leeg nito dahil sa lakas ng sampal na ginawa ko.

"Stop!" narinig kong sigaw ng kung sinong lalaki. Sorry to tell hin but his already late.

Paglingon ko ay nagulat ako dahil si Anthony pala ang sumigaw na 'yon. I feel nervous. What should I do?

Nakatulala lamang ako habang papalapit siya sa amin, napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang malakas na iyak ni Rona. Lumapit ang lalaki sa maarteng babae na iyon at niyakap ito habang galit na galit naman ang mukha nitong nakatingin sa akin.

"Why would you do that?" sigaw niyang tanong sa akin. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya kaya sinamaan ko na lang sila ng tingin.

"Hindi muna ginalang ang birthday ng bestfriend mo." sabi pa ni Anthony.

"Sorry, but sad to say, wala akong pakialam!" umirap muna ako sa kanila bago tuluyan tumalikod at naglakad pauwi, habang nakasunod naman ang dalawa kong kakampi sa akin.

"Nice one, Jamie." nakangiting sabi sa'kin ni Bugay.

"Tama lang 'yon sa kanya, sa mga katraydoran na ginawa niya sa atin, kulang pa nga iyon eh." sabi naman ni Julie.

"Nakakainis kasi, dumating pa' yong boyfriend niya na si Anthony." saad naman ni Bugay. Then he look at me. Napansin yata niya ang pananahimik ko. I can be a monster but not in front of Anthony..

"Okay ka lang ba friendship?" tanong sa akin ni Julie.

"Yes, friendship." nakangiti kong sabi sa kanila, pero deep inside gusto ko na maiyak dahil sa mga nangyari, hindi ko lang ipahalata sa kanila dahil ayaw ko na ipakita ang dating weak na side ko.

Hinatid nila ako hanggang gate, nagpasalamat ako sa dalawa kong kaibigan na iyon dahil sinusuportahan nila ako. Nagyakapan muna kaming tatlo bago ako tuluyan na pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Napasubsob ako sa higaan ko at tahimik na umiyak. Kahit na ano pala ang gawin ko ay sa huli, ako parin ang talo.

-----------------

7:30 ng umaga na ako nagising, wala rin naman akong balak na pumasok ngayon sa school. Tinamad kasi ako. Bumangon ako sa higaan ko at tumingin sa salamin ng aking malaking aparador. Namumugto ang mga mata ko dahil sa labis na pag-iyak kagabi. But I'm still beautiful, no doubt.

Nagsuklay muna ako ng buhok bago pumunta sa ibaba para mag-almusal.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko ang ate Jessie ko na nakaupo, and she is eating her breakfast with a cup of coffee.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now