Araw ng lunes ngayon kaya naman maaga nanaman akong umalis ng bahay para pumasok sa school. Himala nga eh kasi ang tahimik ng lugar namin ngayon, wala bang tsismis dyan? O baka tinanghali lang ng gising ang mga tsismosa dahil nag overtime kagabi. Siguro kung may bayad lang ang pagiging tsismosa marami na sanang mayaman ngayon. Mayaman na rin sana ako. Charot.
Naglakad na ako papuntang school. Ito naman ang lagi kong ginagawa tuwing papasok eh, pati malapit lang naman ang paaralan sa village namin kaya naman keri lang ang paglalakad. Swerte na lang talaga kung may makasabay ka na pogi sa paglalakad mo.
Speaking of pogi, bigla na lang sumulpot itong lalaki na ito from nowhere kaya naman ako'y biglang naging shy type animo'y totoo pero nagkukunyari lang naman.
"Hi Jamie." bati niya sa akin. Kilala nya ko? Napatanong tuloy ako sa aking sarili. Pero paano?
"Kilala mo ko?" tanong ko sa kanya. Ngumiti mona siya bago nagsalita.
"Oo naman. Sikat ka kaya sa village natin."sagot nito.
Hala! Taga square village rin pala itong si Roman. Bakit ganon hindi ko siya madalas makita?
"Ganon ba? Bakit hindi kita nakikita?" napapangiti ko na lang na tanong muli.
"Hindi naman kasi ako mahilig lumabas. Lagi lang akong nasa bahay." tugon nito.
Ngiti lang din ang nagawa ko. Gusto ko pa sanang tanungin kung saan banda siya nakatira ngunit hindi na ako naglakas loob. Malay naman natin na siya ang unang mag-open tungkol sa bagay na iyon.
"Kamusta na pala ang galos mo sa mukha?" biglang tanong nito at napatingin sa mukha ko. Medyo nailang ako kaya naman sa iba ako tumingin.
"Ah, eh.. Okay na. Medyo magaling na sya." sambit ko at nagmadaling naglakad. Ewan ko ba naiilang talaga ako. Ang guwapo niya kasi at mukhang mabait pa.
"Hoy Jamie, hintay!" sambit nito at agad din na nagmadali sa paglalakad makasabay lang ako.
Ganito pala ang feeling kapag hinahabol ka ano?
"Bakit nagmadali ka naman maglakad?" pagtatanong nito. Gusto ko na sabihin na feeling close ka kasi pero pinigilan ko lang. Bakit kasi ganito itong lalaki na ito?
"Ayaw mo ba akong kasabay?" tanong nito ulit.
"Hindi naman. Hindi lang kasi kita kilala." sagot ko naman. Kilala ko lang siya sa pangalan pero malay ba natin kung kagaya rin siya ng dati kong mga kaibigan na fake. Medyo hindi na kasi tayo basta basta nagtitiwala lalo na't hindi natin lubos na kilala.
"Ako nga pala si Roman." pagpapakilala nito sabay lahad ng kaniyang kamay. Agad ko naman iyon niabot. He has a good smile. Pwede siyang maging model ng close-up dahil sa ganda ng ngipin nito.
Nice meeting you Roman. Ang guwapo mo. Sobra.
Syempre sa isip ko lang nasabi yon baka kasi lumaki ang ulo niyan sa itaas kung sasabihin ko iyon sa kanya. At nakakatakot naman kung yung ulo sa baba ang lumaki. My gosh! Kung ano ano ang naiisip ko.
Ngiti lang din ang naisagot ko sa kaniya at sandali lang naglapat ang mga kamay namin. Bakit ganon parang may kuryenteng dumaloy sa akin pagkahawak ko sa kamay niya? Ang weird naman, siguro dahil guwapo siya.
"Ano nga palang course mo Jamie?" muli nitong tanong sa akin.
"Bs Accountancy."
"Wow nice." sambit nito at ngumiti nanaman sa akin. Para akong matutunaw sa ngiti nito.
Marami pa talaga kaming pinag-usapan habang naglalakad, mga hindi matapos tapos na tanong. Parang getting to know each other ang naging tema ng pag-uusap namin pero enjoy naman. Magaan siya kasama.
YOU ARE READING
Warla Prinsesa
RandomTungkol ito sa mga magkakaibigan na naging magkakaaway. Mga plastik kasi at inggitan ang dahilan, bukod pa doon mang-aagaw pa ng crush yung isa d'yan. Ito ang istorya na bawat chapter may away. 😂 Halina't makichismis.
