CHAPTER 9

11 1 0
                                    

Isang malamig at umuulan na gabi ang bumungad sa akin dito sa kwarto. Nakatulog pala ako. Ramdam ko pa ang kirot ng sugat ko sa labi. Siguro kaya nagising ako dahil gutom ako, panay kasi ang kulo ng tiyan ko. Kaya naman pumunta ako sa kusina at nag-init ako ng tubig. Cup noodless na lang ang kakainin ko, napasulyap pa ako sa orasan. Alas dos na rin ng madaling araw.

Dinala ko ang cup noodless sa kuwarto at doon ko kinain.

Minsan kapag nag-iisa ako kagaya nito may moment ako na iniisip ko lahat ng pagkakamali ko sa buhay. Aminado naman ako na naging masama ako sa kanila. Lagi kong pinapakita ang bad side ko na talagang kinagulat nila. Ang dating Jamie kasi na kilala nila ay masayahin, mabait at hindi marunong gumanti. Kahit ako talaga nagtataka sa ugali kong ito, siguro nga kinain na ako ng galit kaya nagkakaganito ako. Pagkatapos ko kumain ay natulog na rin ako habang yakap ang teddy bear ko na si Monty. Syempre nag pray din ako kay God na sana mapatawad niya ako sa mga kagagahan na pinaggagagawa ko at tulungan niya rin ako na bumalik sa dating ako. Alam ko na kahit na masama akong tao ay papakinggan pa rin ako ng Diyos dahil makatarungan siya.

--------------------

"Ate Jamie!" masayang bati sa akin nila Maru at Sam. Nakita ko nanaman ang mga batang pasaway na ito, mukhang may kailangan nanaman sila sa akin ah.

"Oy, kamusta?" nakangiting sabi ko. Kagagaling ko lang sa school. Kapagod nga eh kasi ang daming pinapagawa sa amin hirap talaga kapag graduating ka.

"Pengeng dos, ate Jamie." sambit ni Maru. Mukhang inaaraw-araw na nila ang paghingi ng dos sa akin ah, anong akala nila sa akin bangko?

"Wala akong pera eh." paglolokong sabi ko.

"Bilis na ate Jamie, dos lang eh." pangungulit pa na sabi ni Sam. Kaya naman hindi rin ako nakatiis at binigyan ko na rin sila, alam ko kasi na hindi nila ako titigilan.

"Salamat, bait talaga at ang ganda pa." pambobola pang sabi ni Maru sa akin na talaga namang kinatuwa ko pa. Ewan kahit na alam kong biro lang 'yon dahil inuuto lang nila ako ay ito naman ako tuwang-tuwa sa mga padali nila.

Niloloko na lahat-lahat tuwang-tuwa pa.

Pagkatapos ko sila bigyan ng tig-dalawang piso ay naglakad na ako pauwi ngunit ito pa rin sila panay ang sunod sa akin. Ano ba ang trip ng dalawang ito? Gandang-ganda siguro sa'kin. Mesyo napatawa ako sa naisip ko kaya naman na-weirduhan sila sa akin.

"Baliw na 'to." narinig kong sabi ni Sam.

"Baka kayo ang baliw." ganting sabi ko. Para akong sira noh? Pinapatulan ko ang mga batang paslit na ito. Sa paglalakad namin ay may nadaanan kami na nagtitinda ng mais. Paboriti ko kasi ang mais kaya bumili ako.

"Libre naman d'yan." pagpaparinig ng dalawa sa akin. Ako naman nagkunyari na hindi ko sila naririnig. Pagkakuha ko ng mais ay naglakad na ulit ako. Nakasunod pa rin yung dalawa sa likod ko panay pa ang tawanan nila. Parang mga bakla panay kasi ang harutan.

"Pahati naman sa mais." pagpaparinig ni Sam. Lumingon lang ako sa kanila at nagsimula na rin kumain ng mais.

"Ang sarap!" malakas na sabi ko.

Nang makakita ako ng upuan ay umupo ako at doon ko pinagpatuloy ang pagkain ko ng mais, ang dalawa naman ay nakatunganga lang sa akin. Takam na takam sa bawat pagsubo ko sa butil ng mais.

"Gusto nyo?" Alok ko sa kanila. Tumungo lang ang dalawa bilang tugon.

Tinanong ko lang  talaga sila kung gusto nila pero wala akong balak na bigyan sila noh. Pinagpatuloy ko muli ang pagkain. Ang sarap talaga ng mais.

Mayamaya pa ay lumapit ang dalawa sa akin panay pa ang tawanan nila na parang nababaliw.

"Lakas ng trip nyo ah, sabi ko naman kasi sa inyo eh, itigil nyo na ang pagra-rugby." paglolokong sabi ko.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now