CHAPTER 5

23 1 0
                                    

Maaga akong nagising ngayong araw na ito dahil kailangan kong pumasok sa school.

Chat ng chat ang kaklase kong si Anadeth kagabi, kinukulit niya ako na pumasok na daw ako dahil nga wala siyang makopyahan sa accounting. 2 days kasi akong absent dahil wala talaga ako sa mood na pumasok, siguro dahil sa maraming isipin ko sa buhay.

Ang dami rin kasing bwiset dito sa square village. Feeling ko nga na parang hindi kami sa subdivision nakatira eh, kung hindi sa iskwater area.

Dapat iskwater village na lang ang pangalan ng lugar na ito eh, mga ugali kasi ng mga tao rito pang low class at pori-pori.

Pori-pori means ugaling kalye.

Hindi sa sinisiraan ko itong lugar namin pero ang dami kasi ditong toxic people. Kaya nakakai-stress sa lugar na ito. Kung puwede nga lang itong pasabugin ay ginawa ko na. But I don't have plan to do that if ever I had a chance.

Pagkatapos maligo tsaka mag-ayos ng sarili ay nagpaalam na ako kay mommy na pupunta na sa school. As always, 500 ang pera na binigay niya sa akin bilang baon.

Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko kaagad ang apat na mga kabataan ng pokables. Sina Jc, Sam, Maru at si Justine.

Dumating na pala ang bakla na yan. But I don't care, kung kay Rona niya gustong kumampi.

Taas noo akong naglakad. Inisip ko na lang na wala akong nakikita pero hindi pa ako nakakalayo sa kanila ay nagsalita itong si Justine.

"Mommy, Jamie!" sambit niya. Agad naman akong napalingon sa kanya at natigilan sa paglalakad. Lumapit naman siya sa akin at muling nagsalita.

"Balita ko nagbago ka na raw, totoo nga?" tanong niya sa akin.

"Ano naman sa iyo kung nagbago na ako?" pagtataray kong tanong sa kanya.

"Ay, totoo pala ang sabi nila na masama na raw ang ugali mo." sambit niya't tinaasan pa ako ng kilay.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot dahil sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata. I know, si Rona rin ang kakampihan niya kaya walang dahilan para ipaliwanag ko sa kanya ang side ko.

"Kung 'yon ang sabi nila edi iyon ang paniwalaan mo. Hindi ko rin naman obligasyon na ipaliwanag ang side ko. Kung iyon ang iniisip sakin ng mga tao edi iyon ang isipin nila. In the end, they will know the truth." mataray kong sabi sabay pairap na tinalikuran sila.

"Bakit kaba gan'yan?" tanong niya sa malungkot na boses. Hindi ko sinagot ang tanong niya at diretsong naglakad palayo sa kanila.

Habang naglalakad ako ay naisip ko ang tanong sa akin ni Justine. Bakit ba ako ganito?

Bakit ba nakaramdam ako ng lungkot sa tanong niya?

Kahit sino naman ay malulungkot sa mga nangyayari dahil sobrang mahal ko ang mga anakis ko na iyon. Binigay ko ang lahat para sa kanila. Kahit na 19 years old pa lang ako ay tinuring ko sila na parang mga anak ko talaga.

I gave everything I have and left nothing to myself. Ginawa ko rin ang lahat para maging maayos ang grupo namin. Ang pokables. Pero isang iglap lahat ng iyon ay naglaho, mga pangarap, pagkakaibigan at tiwala.

Halos lahat sila ako ang sinisisi dahil nabuwag ang pagkakaibigan mayroon kami noon. Iniisip nila na ako ang masama, na ako ang traydor sa grupo.

Masama daw ang ugali ko. Mahilig daw ako mangaway at walang pinipili kahit matanda man o bata ay pinapatulan ko raw.

I did that because I have a reasons. Kung sila kaya ang tanungin ko kung bakit ako ganito, masasagot ba nila?

Ginagawa ko lang kung ano ang binibintang nila sa akin! Noong mga araw ma gusto kong ipaliwanag ang sarili ko, nakinig ba sila? Kaya hindi nila ako masisisi kung bakit ako ganito dahil nasaktan ako sa ginawa nila! Sobra talaga akong nasaktan.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now