CHAPTER 14

15 0 0
                                    


Maaga nanaman akong nagising ngayon umaga but I feel so tired. Katamad din pumasok, buti na lang talaga hindi alam ng tatlong asungot na iyon kung saan ang room ko. Mababaliw na talaga ako sa mga nangyayari puro na lang kasi away ang ginawa ko this few days kaya naman napag-desisyonan ko na pahinga mona ako ngayong araw.

Hindi rin ako papasok para makaiwas ako sa tatlong mukhang tikling na iyon, kala mo talaga kinaganda nila ang pag-iinarte nila sakin kahapon. Ang school na nga lang ang pinakapayapa kong lugar tapos ngayon hindi na dahil may mga kaaway na rin ako, pero wala naman akong pakealam dahil kayang kaya ko makipag bardagulan sa kanila.

Bago ako tuluyang bumangon sa aking higaan ay muli kong binalikan ang alaala kahapon. Sobrang kinikilig talaga ako.

"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling." sambit ko habang masayang umaawit, pagkuwa'y tumayo na sa higaan para mag-almusal sa kusina.

"Oh, tila masaya ka yata?" Bungad ni Ate saakin paglabas ko ng pinto.

"Wala naman. Umaawit lang ako, masaya na agad?" pagtanggi ko dahil iba ata ang gustong ipahiwatig ni ate. Bakit? Wala ba akong karapatan sumaya?

"Iba kasi yung pag-awit mo, mula sa puso." Sambit pa nito.

"No, Ate." Sambit ko pero pinipigilan ang kung ano sa aking loob.

"Okay, anyway, mag-almusal ka na para makapasok ka na sa school, late ka nanaman magising, inaaraw-araw mo mo ang pagiging late ha." Sambit ni ate biglang nagsungit.

"Sinadya ko talaga magising ng tanghali ngayon ate, duh! Katamad kaya pumasok." Ani ko tapos naglakad na papunta sa kusina.

Bahala na, magaling naman na ako sa accounting eh, ayaw ko lang talaga ma-stress sa pagmumukha ng mga tikling na 'yon noh! Low-key mona tayo baka kasi abangan nanaman nila ako. Kainis, dami ko na kaaway, ganon ba talaga kasama ang ugali ko? Natatawa na lang ako pero sa totoo lang sila rin naman ang nag-umpisa ng lahat eh, syempre palapatol din ako lalo na kapag ganoon ang pagmumukha. Nakakasuka!

Habang kumakain ako ay bumaba na rin si ate para mag-almusal na rin siguro, palapit na siya sa lamesa pero bigla naman may kumatok sa gate at tumatawag ng tao po daw. Nagkatinginan naman kami ni Ate, naghihintayan siguro kung sino pupunta sa gate para tingnan kung sino 'yon. Napasubo na lang ako ng pagkain, ulam ko ham at hotdog with rice.

"Osige, ako na." umirap na sabi nito.

"Thank you." Nakangiting sambit ko habang nagpatuloy sa pagkain. Umirap lang si ate sa akin at nagtungo na nga sa gate para tingnan kung sino iyon. Ilan saglit lang din ay bumalik na agad siya tapos kumuha ng plato at nagsandok ng pagkain, umupo siya sa harap ko at kumain.

"Sino 'yong tao sa labas?" pagtatanong ko.

"Mga batang walang magawa." tugon nito.

Napaisip tuloy ako kung sino yung mga batang iyon, baka naman yung mga pokables na wala naman talagang ginawa kung hindi ang magpapansin.

Pagkatapos ko kumain ay lumabas ako ng gate para tingnan kung anong meron sa labas at hindi na ako nagtaka dahil ang mga pokables nga ang nakita kong nakatambay sa kubo nila Rona. Napatingin sila sa akin habang nagtatawanan, akala siguro nila natutuwa ako sa mga trip nila. Pasalamat nga sila dahil nanahimik ako sa kanila ng ilang mga araw. Pero mukhang gusto nanaman siguro nila ng away.

"Tingin tingin mo dyan?" pagpaparinig na sabi ni Justine. Sabay umirap sa akin. Mas maldita talaga siya kaysa kay Marsie Toyang pero wala naman akong pakialam na sa kanila kahit umirap-irap pa sila d'yan. Buti ba naman kung kinaganda niya ang pag-irap irap niya, nagmumukha siya lalong bangus sa ginagawa niya.

Ngumisi lang ako sa sinabi ng bakla na 'yon. Pasalamat sila medyo mabait na ako ngayon, hindi ko mona sila papatulan dahil tambak ang stress ko sa dami ng kaaway ko. Kaya imbes na magmukmok ay naglakad ako, gusto kong pumunta sa park para makakita naman ng tao. Mga hayop kasi nakatira dito sa street namin. Napapatawa na lang ako sa isip ko. Napasulyap pa ako, nakatingin parin ang mga bata sa akin. I know maganda talaga ako.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now